Ang tiwala, parang pambura... paunti nang paunti sa bawat pagkakamali.
= = = = = = = = = = = = =
KUHAAN NG CARD.
Dahilan kung bakit ang dami-daming tao sa eskuwelahan. Dahilan din kung bakit hindi ako makakaharot. (Takot ko lang na makasalubong ko si mama kung saan.) Ni hindi ko nga alam kung nandito na ba 'yun eh.
"Bes!" tawag ni Deenise sa akin paglabas niya ng fourth year building. "Nakita ko na si Mother Navarro! Nasa klasrum na pala siya. Malapit na nga silang magsimula eh, hinihintay na lang yata 'yung mga magulang na hindi pa dumadating."
"Eh nasaan si Alexa?" tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa canteen para makabili ng meryenda.
"Ano pa, edi sinasamahan si tita Vilma na mag-fieldtrip sa campus. Alam mo namang tatlo silang magkakapatid na kailangang puntahan ni tita."
"Eh si tita Dorlyn, andoon na rin sa taas?"
"Oo, pinagtabi ko nga sila ni Mother Navarro eh. Para 'di na tayo mahirapan maghanapan mamaya."
Tumambay na lang muna kami sa Hi-way 54, kung saan namin hihintayin si Alexa. Hindi naman kami puwedeng pumunta sa klasrum o kahit maghintay man lang sa labas ng klasrum dahil hindi namin puwedeng marinig 'yung pag-uusapan ng mga matatanda.
Tss. Iniisip ba talaga nilang hindi namin alam kung ano ang laman ng mga pag-uusap nila? Sigurado naman akong isusumbong ni Mam Martinez kay mama kung gaano ako kaingay tuwing klase niya. Akala naman niya, sa subject niya lang ako dumadaldal! Sigurado rin akong sasabihin niya na palagi akong late at madalas na gumagawa ng assignment sa ibang subject, tuwing klase niya. Akala naman niya ako lang ang gumagawa nun.
Pero hindi na rin naman ako nag-aalala. Kahit naman anong sabihin niya kay mama, iisang bagay lang ang mahalaga kay mama sa huli... grades ko. At doon naman walang masasabi si Mam dahil palaging dalawa lang ang puwesto ko sa klase, top 1 o kaya top 2.
"Mga bes, anong balita?" tanong ni Alexa habang papalapit sa amin. "Hindi pa ba tapos 'yung meeting?"
Umiling lang kaming dalawa ni Deenise.
"Ano kayang grade ko sa Physics?" tanong ni Deenise. "Feeling ko talaga doon ako mababa."
"Ako rin."
"Hayaan niyo na iyon" sabi ko sa kanila. "Bumawi na lang kayo sa susunod na grading."
"Ang bilis ng panahon, dalawang grading na lang pala gagraduate na tayo? Hala, hindi pa talaga ako ready. Hindi ko alam kung anong course ang kukunin ko" sabi ni Alexa. "Ikaw bes, anong nararamdaman mo? Halos may anim na buwan na lang natitira sa atin."
"Ang OA niyo naman. Nakaka-apat na buwan pa nga lang tayo eh. Alam mo kung anong inaabangan ko? 'Yung pa-birthday mo sa November! Bale may isang buwan na lang ang hihintayin namin 'di ba?"
"Ay naku! Tigilan niyo ako, magpapa-rebond ako."
Pinagtawanan na lang namin siya ni Deenise. Parehas lang naman sila ni Deenise na namomroblema sa mga kulot nilang buhok. Kulot din naman ako, pero hindi tulad nila... hanggang relax lang ginagastusan ko.
Nung nakita naming naglalabasan na 'yung mga magulang sa fourth year building, naisipan na rin naming hanapin 'yung mga nanay namin. Sakto naman dahil bago pa kami makapasok sa building, nakita na namin 'yung tatlong nanay namin na magkakasamang lumabas sa building.
Bumati lang kami sa mga nanay ng bawat isa, tapos kanya-kanya muna naming kinausap mga nanay namin bago sila umuwi. Nagpaalam na kami kina Deenise at tita Dorlyn nung nagsabi silang uuwi na sila. May practice pa rin kami sa dance troupe kaya hindi kami makakasabay ni Alexa sa mga nanay namin pauwi.
BINABASA MO ANG
BLUE RED GREEN (RED BOOK)
Roman d'amourBOOK 2 - RED This is where it all started...