chapter 6

222 6 0
  • Dedicated kay Mary Rose A. Dizon
                                    

"Your public display of affection should be closed to the public..." Eh bakit pa tinawag na PDA, kung itatago mo rin pala sa publiko? Adik yata nagsabi nun, eh.

= = = = = = = = = = = = =

MATAPOS ang nangyari nung araw na iyon, parang wala lang nangyari. Hindi rin naman ako ganoong apektado ng mga sinabi niya. Pero matapos iyon, hindi ko na lang siya ngini-ngitian o inaapiran.

Todo-iwas din ako kahit matignan lang siya nang hindi sinasadya. Ayoko kasing mahuli niya ako at kung ano pang isipin niya.

Tuwing papasok naman, kailangan may kasabay ako. Ayoko kasing dumaan sa upuan niya nang mag-isa. Kaya lang, madalas na ganoon ang sitwasyon dahil late ako at palaging walang makasabay pagpasok.

Tulad ngayon, 15 minutes na akong late.

"Hoy Navarro!"

"Ay kabayo-" este kay guwapong kabayo. Muntik na akong mapasigaw, ano ba iyan! Kung hindi ba naman kasi biglang sumulpot si Jerius sa likod ko habang nagtatago ako sa gilid ng pintuan. Pasalamat siya at si Jerius siya, dahil kung ibang tao siya baka itinulak ko na siya sa hagdan.

"Late ka na naman. Lagot ka kay Mam Martinez" nang-aasar pa niyang sabi na parang hindi binabasa 'yung sitwasyon ko.

"Bakit kaya hindi ka mag-mikropono nang marinig ka ni mam Martinez at nung buong klase namin ha?" sarkastiko kong sagot sa kanya. "Sino ba naman kasing hindi male-late, eh apat na palapag ang inaakyat natin araw-araw" sabi ko habang kinakalma 'yung kabog ng dibdib ko. Kay gwapo naman kasi ng nilalang na ito. Kung wala lang akong shorts, kanina pa laglag ang panteh ko.

Kung hindi ba naman kasi engot na nanggugulat ito, eh kabadong-kabado na nga ako sa pagka-late ko. Pero s'yempre iba pa rin 'yung kaba ko kapag dahil sa gwapong kabayo. Shems, ang aga-aga, ang kati-kati ko. Babala, hindi ito magandang halimbawa kaya huwag na huwag tutularan.

"Ang tanong dito, bakit sa lahat ng kailangang umakyat dito araw-araw... ikaw lang ang nale-late?" sarkastiko niya ring sabi sa akin habang nakatawa. Ang yummy. "Sumabay ka na lang kapag inabot ko na 'to kay mam Martinez!"

"Isabay mo na ako kahit hanggang sa kabilang buhay" sabi ng malanding isip ko.

Napatingin ako sa mga workbook na hawak niya, at para bang may ray of lights na lumitaw sa paligid nung mga libro na hawak niya. Bukod pa iyon sa ray of lights na nanggagaling sa kanya, s'yempre. Asar naman ito si fafa Jerius oh, ang agang binubuo ang araw ko.

Napatango ako. "Alam mo ikaw, minsan may silbi ka rin eh" sabi ko sa kanya saka inayos 'yung nagusot-gusot kong uniporme.

Nakilala ko si Jerius nung kakalipat ko pa lang sa Elpidio High nung second year. Nagkasama kami sa dance troupe at doon ako nagsimulang magkagusto sa kanya. Madalas niya kasi akong tinutulungan sa mga sayaw namin. Ilang beses niya rin akong pinili sa ilang sitwasyon, kaya feeling-special ako. Hay naku, ang landi ko.

Ayos na sana ang lahat, nasa pintuan na kami kaso ang tanga-tangang mata ko ipinahamak na naman ako! Imbis kasi na ituon sa ibang bagay ang tingin ko ay hindi ko sinasadyang mapatingin kay Kaido. Ang bwisit pa eh, nakatingin din pala siya nun sa akin. Nataranta na naman tuloy ako, kaya napahawak ako sa manggas ni Jerius at napatago sa likod niya.

"Mam, ito na po pala 'yung mga workbook, nagpatulong rin po pala ako kay Navarro" sabi ni Jerius habang pumapasok sa klasrum, dala-dala yung workbooks... at ako. Agad akong bumitaw kay Jerius nung makalapit na kami sa lamesa ni mam Martinez. Mabilis akong pumunta sa upuan ko, sa pinaka-harapan ng third row, sa tabi ni Gener.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon