chapter 9

4 0 0
                                    

Kung noon ko pa naintindihan kung bakit siya tuwang-tuwa sa fliptop... baka nagkaintindihan kami.

= = = = = = = = = = = = =

"SO Kamusta naman kayo?" tanong ni Alexa nung pauwi na kami nina Deenise, pagkatapos ng dance troupe training.

"Kanina, hindi ako masyadong nailang" sagot ko. "Ang daldal ko nga eh, sa sobrang daldal ko-"

"Wait bes" pigil ni Alexa sa pagsasalita ko. "Anong sinasabi mo? Ang tinatanong ko, eh 'yung results ng exams niyo?"

"Ayan bes ah, si Kaido na naman iniisip mo?" pang-aasar ni Deenise na pinatulan din ni Alexa. Putek naman na grades na iyan. Bakit puro iyon kasi ang nasa isip ni Alexa. Hay naku...

"Pero bes, ako kay Jerius ang boto ko ah" sabi ni Alexa nung dalawa na lang kaming naglalakad. Naihatid na namin si Deenise sa sakayan niya, ako naman ang maghahatid kay Alexa sa bahay nila.

"Hindi naman na kailangan pagbotohan. Si Jerius lang sapat na" sabi ko, sa pinaka-jejemon na paraan.

"Kinikilig nga ako sa practice niyo kanina, eh. Tarush, ikaw talaga ang pinili niyang i-partner."

"Ano ka ba, ang sabi naman kasi ni sir Alen, kahit sino na lang ang isama niya. Ano ba, dapat ba akong kiligin doon..."

"Oo naman, kahit sino lang dapat ang i-partner niya. Pero ikaw ang pinili. Inggit nga ako eh, gusto ko na rin sumayaw ng hip-hop, hindi puro stretching na walang katapusan."

Nakahiwalay kasi kami ni Jerius sa training kanina. May pa-contest kasi ang Mapeh department. Tapos pinapagawa kami ni Sir ng promotion clip, kaya nagpa-practice kami ni Jerius kanina. Bukas na kasi kaagad iyon bi-videohan.

Pagbalik namin sa klasrum...

"Iye! Hi daw, sabi ni Kaido." S'yempre pangangantsaw na ng Ryosu Pirates ang sumunod matapos ang sinabing iyon ni Fungo. Kahit kailan, panira talaga ng araw 'yung piratang iyan.

"Tigilan niyo ko" sabi naman ni Kaido sabay pa-effect ng walk out sa klasrum. Sanay na sanay na ako sa kanya. May mga pagkakataon talagang lalabas na lang siya ng kuwarto tuwing magsisimulang mang-asar 'yung tropa niya.

Hindi ko rin alam, pero nakasanayan ko na lang talaga 'yung mga pang-aasar nila. Tuwing iniisip ko, nagsimula lang naman mang-asar ang Ryosu Pirates pati sina Deenise nung manghiram ako ng red ballpen kay Kaido. Walang hiya, bakit ba kasi wala akong sariling gamit?

"Hoy Zaido!" sabi ko nung sinundan ko siya sa labas. "Magka-klasee na, saan ka na naman pupunta?" Tuwing hindi siya sasagot palagi ko na lang siyang kinakantahan ng "Zaido~ Pulis pangkalawakan..."

Pero katulad ng kadalasan, hindi niya pa rin naman ako papansinin at mananatiling nakatayo sa hallway habang nakatingin sa kawalan. Kaya katulad ng kadalasan, guguluhin ko 'yung mumunti niyang kapayapaan.

"Zaido~~~~ Pulis pangkalawak-"

Pero hindi lang naman ako ang tumatawag sa kanya sa kakaibang paraan dahil sa tuwing kakantahan ko siya, palagi rin siyang nakahandang gumanti.

"Baliw" sabi niya tulad nang nakagawian. Ang pinagkaiba lang sa nakasanayan, ay 'yung pag-gulo niya sa buhok ko ngayon. Dagdag pa 'yung ngiting napadaan sa bibig niya. "Hoy ano pang tinutunga-tunganga mo diyan? Hindi mo ba naririnig 'yung bell? Akala mo ba pakokopyahin ulit kita ng notes kapag hindi ka nakapagsulat?" sabi niya pa bago tuluyang pumasok sa klase.

Siete. Anong kabaklaan na naman ba niya iyon? Naiingit ba siya sa bangs ko? Bakit kailangan hawakan niya ako sa buhok?!

Hindi ko namamalayan, naging madalas 'yung mga maliliit na interaksyon naming dalawa, dahilan kung bakit nga lalo pa kaming naging tampulan ng asaran sa klase. Minsan, wala lang siyang reaksyon. Pero kadalasan, bigla-bigla pa rin siyang magsusungit. Kaya minsan, litong-lito na rin talaga ako kaya hinahayaan ko na lang anong mangyari.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon