chapter 3

235 9 4
                                        

Kapag may hinahanap tayo, hindi natin makita-kita...

Pero kapag hindi natin hinahanap, saka naman lilitaw.

= = = = = = = = = = = = =

Lumingo ako sa bandang kaliwa dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nagkagulatan pa kaming dalawa nung magtama ang tingin namin sa isa't isa. Si fafa Jerius pala.

Umupo na kami nung magsisimula na ang programa. Umakyat sina Theresa at Laylo sa stage, dahil sila ang naatasang maging MC ngayong gabi. Katulad ng nakasanayan, kung ano-ano pang eching ang nangyari bago talagang magsimula. Mula sa kinalulugaran namin, tanaw ko ang puwesto ng section namin na nasa malayong lugar mula sa amin. Nandoon sila malapit sa stage.

Imbis kasi na doon kami pumuwesto ay nasa gitna kami ng section one at section three. Gumawa kami ng sarili naming area dahil magkakaiba ang section naming magkakaibigan:

Napunta sa section one sina Dalen at Yuan, kasama ang halos lahat ng besgays; kami nina Deenise at Alexa sa section two; habang section six naman sina Dolly at Martin.

Pagtapos ng opening remarks ni Sir Facundo ay nagsimula na ang unang tugtog. Masigla 'yung unang tugtog kaya kami-kaming magkakaibigan ang magkakasayaw. Pero hindi naman nagpatuloy iyon hanggang sa ikalawang kanta. Agad-agad na love song, leche talaga.

Pagtingin ko kina Alexa at Deenise, kasayaw na nila 'yung mga first dance nilang bakla. Paupo na kami nina Dolly at Dalen nung nawala na lang bigla 'yung dalawa.

Hay, ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat puro masaya na lang ang tugtog, eh. Kasi kung puro love song lang ang tugtog baka hindi na ako makasayaw. Magkatotoo pa 'yung sinabi ko kay Venus na mauupo lang ako buong magdamag. Pero kapag lumagpas ang isang kanta na ito nang walang magyaya sa akin, sasayaw talaga ako mag-isa.

Pasimple na lang akong naglakad pabalik sa upuan namin... Nakayuko ako habang naglalakad nung may bigla na lang humarang sa dinadaanan ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. Inangat ko ang tingin sa taong humarang sa akin. At aaminin ko, kinilig talaga ako nung makita ko kung sino 'yung humarang sa akin. "Pokpok ka talaga" sabi niya saka ako dinala sa gitna ng dance floor. "Alam ko namang shuktay na shuktay ka sa'kin, pero dapat hayaan mo kong chumemberlu. Tampo-tampo ka pa, sabunutan kita eh!!!" pang-aasar ni Kenneth na ang lakas makapangpakilig.

"Bwisit kang bakla ka. Kung hindi ko lang alam na mas malandi ka sa akin, baka nilandi na kita" sabi ko lang sa kanya.

Naghiwalay kaming dalawa nung naging masaya at masigla na ulit ang tugtog. Hindi ko namalayan, masaya naman pala kahit paminsan-minsan lang 'yung mga masisiglang tugtog. Kasama ko naman kasi sina Dalen at Dolly sa lamesa namin sa tuwing love song na ang tutugtog.

"Uy Navarro" sabi maya-maya ng kung sino sa akin. "Puwede ka bang maisayaw?" tanong ni Dean na kaklase ko nung second year.

"Uy Dean" bati ko sabay tanggap sa palad niya. Kaso hindi na ulit kami nanging magkaklase nung sumunod na dalawang taon.

"Salamat nga pala sa letter mo, grabe hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ang thoughtful mo pa rin" sabi niya nung sumasayaw na kami.

"Bakit naman ako magbabago?" tanong ko lang sa kanya.

"Hm..." Ngumiti lang siya, pero parang may gusto pang sabihin. "Navarro... 'Yung tungkol pala sa'ting dalawa... hindi pa rin ba... puwede?"

Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na hindi siya narinig o dederetsahin na naman siya. Ayaw ko lang kasing saktan na naman ang feelings niya sa pagtanggi ko. Lalo sa espesyal na gabi katulad nito.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon