chapter 10

2 0 0
                                    


Kapag kumakain ako ng malulutong na chirchirya katulad ng Mang Juan... Napapaisip ako kung naririnig din ng ibang tao ang pag-nguya ko.

= = = = = = = = = = = = =

"MANIWALA ka dun. Nasa bahay lang iyon, nagdodota o kaya nanonood ng porn" sabi ni Kups, habang hinihintay namin si Karlo na kumuha ng yelo. Nagpu-foodtrip lang kami kina Karlo habang nagto-tong-its. Si Karlo na 'yung titira, kaya hindi pa kami makapagpatuloy ni Kups.

"Malay mo naman, may sakit talaga. Tawagan mo nga" sabi ko sa kanya.

"Wala akong load" sagot niya.

"Pulubi naman ito!" Kinuha ko 'yung cellphone ko at hinagis sa kanya. "Oh 'yan tawagan mo!" Pagdating ni Karlo, sakto namang hinihintay namin na sagutin ni Kaido 'yung tawag.

"Wala, ayaw sumagot" sabi niya at ibinato sa akin 'yung cellphone ko.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanila. "May nabanggit ba sa inyo si Kaido, tungkol sa bullying?" tanong ko sa kanila. Nagtaka naman sila dahil sa pagka-random nung tanong ko.

"Wala naman, bakit?" tanong ni Karlo. "Hindi naman pala kuwento iyon, eh."

"Hindi naman ba siya nabully noon?" tanong ko pa.

"Hindi. Tatahi-tahimik lang iyon nung makilala namin nung first year. Buti nga napasama sa tropa namin 'yon, medyo nagsasalita na siya ngayon."

"Bakit ba ang dami mong tanong palagi tungkol kay Kaido?" tanong ni Kups. "May gusto ka ba doon ah? Ngayon pa lang, umamin ka na." Ang kulit nung mga ito. Ilang beses ko ba sasabihin na wala akong gusto sa Kaido na iyon.

"Hay naku, tigilan niyo nga. Bakit ba kayo ganyan mag-conclude? Nagtatanong lang ako kasi may nangyari sa klase nung huling araw na pumasok siya."

Kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari. Pero sabi nila, baka may mood lang si Kaido nung araw na iyon. Baka daw may regla. Pagdating nila Fungo, umalis na ako. Nagsabi kasi si Jerius na ililibre niya ako ng ice cream sa Anson Square pagkatapos ng extended class nila kay sir Rene.

Ganun kasi ang ginagawa ni Sir Rene sa mga hindi nakaka-perfect sa quiz niya sa buong fourth year. Isang oras din iyon, na uulitin ni Sir 'yung discussion, saka magpapaquiz ulit.

"Bakit kasi hindi mo pa nai-perfect iyon? Ang dali-dali na nga lang" pang-aasar ko sa kanya habang kumakain kami ng ice cream.

"Eh hindi ko kasi narinig ng maayos 'yung tanong. Pero tama 'yung naisagot ko, mali lang 'yung spelling" pagdadahilan niya.

Inaasar-asar ko pa rin siya. Pagkatapos namin kumain, niyaya niya ako sa second floor. May bago daw na photo machine dun, subukan daw namin.

"Sigurado ka bang meron nun dito?" tanong ko sa kanya habang naghahanap pa rin kami kung nasaan 'yung machine.

"Oo, sabi sa nabasa ko."

"Saan mo na nabasa? Patingin nga niyan" sabi ko, saka inagaw 'yung cellphone niya na kanina niya pa tinitingnan.

Naramdaman ko ang biglang pagpula ng pisngi ko nung mabasa ko 'yung screenshots ng article na binabasa niya.

Nakalagay kasi doon, "Cutie Stuff You Must Try on Your First Date."

Article iyon ng date routine, na maeenjoy sa murang halaga. Tapos isang suggestion nung writer na subukan yung machine sa Anonas Square, mura lang daw pero romantic.

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon