chapter 7

52 4 2
                                    

Kung hindi naging kalawakan ang universe... siguro posporo siya.

= = = = = = = = = = = = =

"SIGE NAMAN NA, IYE? Pumayag ka na. Ikaw na lang talaga pag-asa namin, eh. Kahit anong hilingin mo, susubukan naming tuparin! Promise!"

Buong araw na akong hindi tinatantanan ni Fungo at ng mga lalaki sa klase namin. Pinipilit kasi nila akong samahan at turuan sila ng sayaw para sa perfomance nila sa susunod na Lunes. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa nila at pinarusahan sila ng teacher namin sa Araling Panlipunan, na si sir Rene. Pero anuman iyon, ayokong makialam.

Sa Lunes kasi ang opisyal na opening ng AP Month, kaya abala ang AP Department sa paghahanda para doon. Pero bakit naman naisipan ni sir Rene na pasayawin itong mga ito?

"Anong mapapala ko kung tutulungan ko kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ayaw mo ba nun? Exempted ka na sa presentation, tapos magagawa mo pa 'yung hilig mong gawin?" sabi ni Eds.

"Oo nga!" singit ni Marlu. "Mas madadalian ka naman sa pagsasayaw kaysa gumawa ng commercial ng tabo, pardible tsaka butones. Ano sa tingin mo?"

May punto naman si Marlu doon. Mas madali kung sasayaw na lang kaysa gumawa ng presentation sa Economics. Pero hindi naman kasi 'yung pagsasayaw ang pinoproblema ko. Iniisip ko pa lang na magtuturo ako sa labindalawang lalaki sa klase namin, sumasakit na ulo ko. Lalo pa, maraming Ryosu ang kasali.

Kaya ko naman pagtyagaang turuan sina Basabe, Guevarra, Fabrero at Israel. Kahit hindi magagaling sumayaw, alam kong matitino naman sila turuan, dahil naka-grupo ko na silang tatlo sa P.E. Kahit naman kabiruan ko palagi sina Gener, Sonny at Darel, nakikinig naman sila kapag nagtuturo ako ng sayaw.

Ang pinaka-pinoproblema ko dito ay 'yung limang pirata na kasali sa sayaw: sina Fungo, Khris, Eds, Marlu, at Kaido. Hindi ako sigurado kung nakakasayaw sila, pero hindi naman iyon importante. Sila lang naman ang may mga pinaka-matitigas na ulo sa klasrum namin...

"Bakit hindi si ZM lapitan niyo?" tanong ko sa kanila.

Malapit nang matapos sa paglilinis ang cleaners pero hindi pa ako makauwi. Kanina pa naghihintay sina Deenise at Anilex sa corridor. Hindi ko rin naman kasi matitiis 'yung mga kolokoy na ito, kahit pa anong pa-eskempertush ang gawin ko.

"Eh! Hindi nga daw nakapasa sa audition sa dance troupe 'yon, eh! Tsaka ikaw lang naman ang pinaka-mayroong mabuting puso na hindi makakatiis sa'min." Aba, naturuan na ni Fungo si Eds na gumamit ng tamang salita sa pambobola, ah.

"Kung ayaw niya, 'wag niyo na pilitin." Napatingin kaming lahat sa nagsalita mula sa likuran ni Fungo. Nakahalukipkip ang mga braso ni Kaido habang nagsasalita nang hindi nakatingin sa amin. Agaw-eksena na naman!

"Sige na nga!" malakas kong sabi. "Pero sasali lang ako sa inyo kung mangangako kayo na susundin niyo ako kapag nagtuturo na ako."

"Oo naman!!!"

"Sus, 'yun lang pala!"

"Maliit na bagay, Navarro!!!"

Kanya-kanyang salita na 'yung mga kolokoy.

"Papayag din naman pala... Pinahaba pa ang usapan" sabi ni Kaido at naglakad na palabas ng klasrum.

Sandali namang nagtinginan ang Ryosu, bago may isang nagsabi sa'kin ng, "Naku 'wag mo intindihin 'yung si Kaido. Mainit lang ulo nun."

Para namang may bago doon...

Dear Universe,

Siguro sa una mong buhay, hindi ka kalawakan. Baka taga-gawa ka ng posporo. (Match-maker... Nye!!!) Dahil sa galing mong magtagpi-tagpi ng pangyayari. Salamat sa'yo at makakaiwas na ako sa presentation na ayaw kong gawin...

BLUE RED GREEN (RED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon