Intro

131 5 7
                                    

10 years ago... (Soonyoung and jihoon are just 10yrs old)

"Walang iwanan?" Tanong ko habang nakangiti.

"Walang iwanan." At ngumiti rin sya sa akin.

"May ibibigay ako sayo. Pinagawa ko pa 'to! Friendship bracelet na tayong dalawa lang ang meron."

"Ay wowww!! May pa ganyan ka na ngayon ahhh! Salamat wooziiiii!" Sabi niya sabay yakap sakin.

Makalipas ang isang linggo...

"Woozi, may sasabihin ako." Malungkot na pagkasabi ni Hoshi

Bigla akong natakot kasi hindi naman siya ganito.

"A-no yun?" Hindi ako makasalita ng maayos kasi kinakabahan ako.

"Sana pagkatapos nito manatili tayong bestfriends. Sana hindi mo ko makalimutan... Wag kang iiyak ha"

"Anubayan Hoshi! Pinakakaba mo ako eh!" Kamuntikan na akong maiyak nun.

"Kasi... Aalis na kami dito. Lilipat na kami Woozi. Hindi naman kami pupunta ng ibang bansa pero medyo malayo yung lilipatan namin. Kailangan kasi dahil naghiwalay na yung mga magulang ko" tumigil sya sa pagsasalita at nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha "p-pinalayas kami ni p-papa..." Bigla ko siyang niyakap at sinubukang pakalmahin siya

"Sabi ni p-papa siya daw may-ari nung b-bahay. D-dun na s-sila ti...titira ng.. ka-bit n-ni-ya" pagtutuloy ni Hoshi at ngayon umaagos na ang kanyang mga luha. Natataranta ako kaya nagsalita na ako

"Shhhh. Hoshi magiging okay lang ang lahat hmm? Nandito lang ako. Masakit isipin na malalayo ka sa akin kasi ikaw lang ang bestfriend ko. Pero wala naman akong magagawa. Promise hindi kita kakalimutan at dadating ang araw na magkikita uli tayo" nginitian ko siya at sa wakas, ngumiti rin siya.

"Promise?"

"Pangako. Basta huwag mo ko kakalimutan ah.."

"Hinding-hindi kita makakalimutan 'no. I love you woozi"

O_o

I... I love you? OWEMJI MAHAL DIN KITA HOSHI KOOOO (A/n hala ang bata niyo pa jusq)

"I love you too Hoshi ko" anla shepay sinabi ko rin huehue mahal ko naman siya talaga eh! Baka nga hindi na ito 'puppy love' eh.. Haist ewan.

  ▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆▆

✎Wherein Jihoon and Soonyoung were childhood bestfriends but had to part ways for different reasons. What happens when they meet again? Would they remember each other? Would they remember they used to be each other's 'first love'?

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon