Oneee

110 6 10
                                    

Jihoon's POV

*kriiiiingggg kriiiiingggg* (alarm clock yan)

Nagising ako dahil sa ingay na nanggaling sa alarm clock ko.

Hayssss... First day of school pala ngayon. Inaantok pa ako eh!

Ay oo nga pala gais. Introduce ko muna sarili ko huehue

Lee Jihoon. Mabait, masipag, gwapo, at... oo maliit -_- ayun scholar po ako sa school ko and last year na po namin. Kaya heto ako ngayon, kailangan pumasok kahit ayoko 😒

"Lee Jihoon!!" Haist ayan na sumigaw na si mudra.

"Eto na po ma! Pababa na!" Sigaw ko pabalik

Ginawa ko ang mga dapat gawin sa umaga. Naligo, kumain, nag toothbrush, nag handa ng gamit, etc. Ngayon paalis na ako ng bahay.

"Ma! Una na po ako!" Sigaw ko kasi nasa cr si mama

"Sige nak! Ingat ka ha! Goodluck sa First day!" Hay nako, para namang new student ako. Wagas kasi nung pagkakasabi niya ng "first day"

"Opo ma! Sige alis na po ko!" At nagsimula na akong maglakad

Nag earphones ako at nagpatugtog kasi ayoko ng tahimik tuwing naglalakad. Gusto ko mag music eh.

*skip natin yung byahe at paglalakad nya*

Ayun. Natanaw ko na yung school gate. Sigh. Eto na Jihoon. Impyerno nanaman. Dejoke. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa

*booooogshhhh* (tunog ng nagkabungguan. Di ako marunong lol)

May nakabangga sa akin -_-

"Hala! Sorry! Nagmamadali kasi ako! Sorry po talaga!" Sabi niya sakin. Buti nalang wala akong dalang libro kundi baka natapon na yun. Medyo malakas kasi kaya napaupo ako kaya heto, tinutulungan niya ako tumayo.

"Hindi ayos lang. Sa susunod magingat ka nalang." Mahinahon kong sabi. First day kasi ngayon dapat good boy!

Nung nakatayo na ako ng maayos, tinignan ko siya.

Shet gwapo si kuya! Halaaaaa sana classmates kami hehe. AY JOKE WAIT! ANO BA YANG SINASABI MO JIHOON! UMAYOS KA!

Bigla naman siyang tumingin din sakin, so ayun, nagtitigan kami. Mata sa mata wahhhh

"Uhm sigurado kang okay ka lang?" Tapos kinamot niya batok niya. Abuh nahihiya ata.

"Ah oo. Salamat sa pagtulong sakin tumayo." Sabi ko

"Walang anuman. Sige una na ako ha? Nagmamadali pa ako eh. Malelate na kasi ako." At kumaripas na siya ng takbo.

Tinignan ko yung relo ko.

7:10am

Wait.. 7:10am?! LATE NA RIN AKO! 7:15am TIME NAMIN EH!

Hay ang malas naman. Ayun napatakbo ako kasi ayoko ng nale-late.

Dahil binilisan ko ang takbo, nakapasok ako sa classroom on time.

Isa nalang ang bakanteng upuan at doon yun sa may dulo. Kaya naglakad ako papunta dun.

   ▄▄▄▄▄▄▄  ♡  ▄▄▄▄▄▄▄

Eto ang first wahhhhh sana okay langggg

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon