Thirteennn

38 4 33
                                    

Jihoon's POV

*continuation of chapter twelve*

"Jihoon!" Pagtawag ng isang hindi pamilyar na boses sakin. Lumingon ako at nagulat ako sa nakita ko.

"Seungcheol hyung?" Pagsabi ko na may pagtataka't pagkagulat

"Hi! Pauwi ka na ba? Tara sabay tayo!" Sabi niya sakin ni Seungcheol hyung

"Okay...?" Tugon ko naman sa kanya

Naglalakad lang kami nang bigla siyang magsalita.

Jihoon-Bold
Seungcheol-Normal

"Nga pala Jihoon, pwede bang mahingi yung number mo?"

"Para saan naman? Hindi ako nagbibigay ng number ko sa kung kani-kanino lang."

"Grabe stranger ba ako para sayo? Ikaw nga 'tong sinasamahan ko eh"

"Paano kung sabihin kong stranger ka nga para sakin? At excuse me, wala akong sinabi na sabayan mo ako pauwi tsk"

"Ito naman, masyadong masungit."

"Para saan nga kasi?"

"Wala gusto ko lang."

"Edi wag na lang"

"De joke lang! Para kasi ano..."

"Ano? Tagal naman"

"Wait lang naman kasi! Atat ka naman masyado eh!"

"Dalian mo kasi. Ang bagal-bagal mo magbigay ng rason" (A/n ang bagal mo magbigay ng rason para ako'y manatili kaya pinili kong lumayo at iwan ka nalng dahil mas madami akong nakikitang rason para umalis)

"Para may maco-contact ako pag may emergency hehe"

"Sinungaling"

"E ano bang gusto mong dahilan?"

"Yung totoo kasi. Hindi ako nagbibiro dito. Bakit nga kasi?"

"Oo na, eto na nga eh. Hinihingi ko number mo para macontact kita since ikaw ata yung leader ng music club; specifically sa vocal team. Ako din kasi leader ng hiphop unit ng school so pag may number mo ako, mas madali kang makakausap."

"Ah ganun ba. Sige akin na phone mo, ako maglalagay. Ilagay mo na rin number mo sa phone ko."

Seungcheol's POV

Ayos!! Binigay ni Jihoon number niya! Buti nalang nay naisip akong magandang rason para hindi ako paghinalaan. Isa na siguro ito sa mga best day ng buhay ko.

Kinuha ko rin ang cellphone niy at nilagay ko ay number ko. Yung number kong ito, bago, walang ibang nakakaalam kundi siya palang.

Humanda ka sakin Jihoon kasi ime-message kita palagi.

Yung kanina kong rason na medyo totoo ay palusot lamang. May rason  talaga ako kung bakit ko ginagawa 'to. Ayoko lang sabihin sa kanya kasi may involved na tao.

3rd person's POV

Matapos magpalitan nina Jihoon at Seungcheol ng number ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Ang hindi nila alam ay may isang tao na kanina pa sila tinitignan at pinagmamasdan mula sa malayo. Medyo nainggit siya kay Seungcheol kasi nakuha na nito ang number ni Jihoon at sila pa ang magkasamang umuwi.

"Anubayan Jihoon! Ano sa tingin mo yang mga pinaggagawa mo? Akin lang dapat atensyon mo." Sabi nung taong nagmamasid kina Jihoon at Seungcheol kanina.

Sino kaya siya? Madali lang yan. Anonymous siya pero alam kong alam niyo kung sino siya

▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄

Boring chapter I guess?

Maikli din siya at puro conversation lang ni Jihoon at Seungcheol. May 3 POVs din sa chapter na 'to pero maiikli lang din naman so sana ayus lang kasi mukhang boring

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon