Nineee

56 4 24
                                    

Jihoon's POV

Nakarating na kami ni Hoshi sa classroom at hindi pa rin niya tinatanggal yung kamay niya na nakahawak sakin. Bwiset talaga 'tong walang mata na 'to. Feeling close kahit isang araw pa lang kaming magkakilala...

Buti nalang at wala pang ganong tao sa classroom dahil medyo maaga pa. May kaunting tao na rin dito at sa kasamaang palad, mga kaibigan ko yung mga nandito. So nakita nila yung kamay namin ni Hoshi. Letse.

"Uy Jihoon! Ano yan ha? HOLDING HANDS KAYO NI SOONYOUNG?" Sabi ni Wonwoo hyung

"TAPOS SABAY PA KAYO PUMASOK YIEEEEET" sabat naman ni Jeonghan hyung

"Hyung! Mali yang iniisip niyo!" Pagdepensa ko. Wala namang namamagitan samin eh, si Hoshi lang talaga ang mapilit

"Anong mali eh kitang kita naman na nagho-holding hands kayo. May something ba sa inyo?" Sabi ni Wonwoo hyung. Kelan pa 'to natutong makisawsaw sa mga ganitong bagay? Akala ko kampi sakin itong si Wonwoo hyung eh, parang hindi ata tsk

"Wala! Mapilit lang kasi itong si Soonyoung!" Sabi ko habang pilit tinatanggal ang pagkahawak sakin ni Hoshi. Bakit kasi ang higpit?

"Susss sige deny ka lang Jihoon. Basta feeling ko may something" sabi ni Jeonghan hyung sabay upo sa upuan niya at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

Nagkibit-bakit lang si Wonwoo hyung at bumalik na rin sa kanyang ginagawa which is nagbabasa ng libro. Hay mga walangya. Ganyan kasi ang mga kaibigan, mga demonyo sa loob-looban pero mahal ko parin sila.

Binalingan ko ng tingin si Hoshi na hanggang ngayon nakahawak pa rin sa kanang kamay ko. Gamit ang kaliwang kamay ko, sinapak ko siya at binatukan. Ganyan ang nararapat sa mga taong tulad niya.

"Aray naman! Ano nanaman ba? Masakit kaya!" Pagmamaktol ng panget

"Anong 'ano nanaman ba'? Alam mo ba yang ginagawa mo? Pinagiisipan na tuloy tayo ng mga kaibigan ko na may 'something' daw satin!" Galit kong sabi sa kanya

"Bakit wala bang 'something'" nangaasar nanaman ang mokong na 'to

"Wala! Kaya pwede ba tanggalin mo na yung kamay mo kung ayaw mong masaktan!" Pagbabanta ko sa kanya. Di pa ata nakuntento sa ginawa kong pagsapak at pagbatok sa kanya eh

"Oo na, eto na nga eh." At ayun dahan-dahan na niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Buti't masunurin 'to kundi malalagot talaga siya sakin.

Pagkatanggal niya ay sinipa ko siya ng malakas sa binti. Syempre di pa sapat yung sapak at batok ko sa kanya kanina eh.

"ARAAAAAAAAAAAAAY" sigaw ni Hoshi. Ayan buti nga sayo

Inirapan ko lang siya at nagpunta sa upuan ko. Hindi ko na siya tinignan pa kasi nabubwiset lang ako sa pagmumukha niya.

Hindi kami nagpapansinan ni Hoshi mula nung first period namin hanggang ngayon na break na. Okay lang naman sakin atleast walang nanggugulo diba..

Break na kaya nagligpit na ako ng gamit at nagtungo sa canteen. Gutom na ko ihhh

Sa canteen...

Pumila na ako para makabili ng pagkain ko at didiretso na ako sa table ng mga kaibigan ko. Sigurado akong ako lang ang wala pa dun, iniwan kasi ako nina Wonwoo hyung at Jeonghan hyung dahil mabagal daw ako mag-ayos ng gamit.

Ako na rin ang susunod sa pila kaya naman laking pasasalamat ko nalang dahil makakakain na ako.

Ayun na nga, ako na yung oorder, pero nung nag-order ako, parang may kasabay ako..

"Isa pong fried chicken at half rice"

"Isa pong fried chicken at half rice"

(A/n la kong maisip na pagkain HAHAHAHA)

Teka nga, may kasabay nga ako.

Tinignan ko siya at sa tingin ko sumingit 'to. Haysss kapal ng mukha sumingit ah.

Pero kilala ko 'tong lalaking 'to eh. Eto yung gusto ni Jeonghan hyung... Si Choi Seungcheol.

"Yun lang ba? Pag-isahin ko nalang order niyo ha tutal sabay naman kayo. Baka magkasama kayo" sabi nung ate sa canteen

"Ah opo.. Eto po yung bayad. Salamat" sabi ni Seungcheol hyung

Pumunta kami sa kabilang side kung saan kini-claim yung order namin. Nagsalita siya nang makarating kami dun

"Sorry nga pala. Nagugutom na kasi talaga ako kaya sumingit ako. Bilang kabayaran, ako na yung nagbayad sa order mo. Sorry ah?" Sabi ni Seungcheol hyung. Ewan ko kung kilala niya ba ako, pero ako kilala ko siya dahil lagi siyang bukambibig ni Jeonghan hyung.

"Ayos lang, naiintindihan ko. Pasalamat ka good mood ako ngayon kundi nasapak na kita ng gitara ko." Sagot ko at pabulong na binigkas yung huling parte.

"Anong sabi mo? Di ko narinig yung huli mong sinabi" pagtatanong naman niya

"Wala, wag mo ng intindihin yun." Sabi ko at ngumiti sa kanya

Maya-maya pa ay dumating na yung order namin kaya naman kinuha namin 'to at naghiwalay na ng landas

"Sige sorry uli ha. Pupunta na ako sa table ko" sabi niya sabay lakad papalayo sa akin

Pagkatapos nun ay naglakad na rin ako patungo sa table ng mga kaibigan ko.

▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄

Ang hahaba ata ng mga chapters ko hehe sorry boring baaaa??

Next chap po yung continuation ng mga ganap sa canteen

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon