Soonyoung's POV
Pumasok na si Woozi kaya naman naghintay ako ng ilang minuto bago magpatuloy sa bahay niya.
Ayown na nga;
Pumunta na ako sa harap ng gate nila at kumatok. Sana tama 'tong kinakatukan ko kasi kung hindi, nakakahiya naman. Sure naman ako na ito na nga yon pero malay niyo naman baka maling akala lang.
Ayun naghintay lang ako ng magbubukas at nung nakita ko kung sino yung nagbukas, lumawak ang ngiti ko.
Jihoon's POV
Kakauwi ko lang galing school ngayon at nagtungo muna ako sa kusina dahil nagugutom na ako. Saktong nandun si mama kaya nag mano na ako.
"Oh nak, kamusta school? Ayos naman ba?" Tanong agad sakin ni mama
"Opo ayos lang. Nung una maba-badtrip na sana ako pero sa huli may naging 'kaibigan' ako" sabi ko habang kumukuha ng chichirya at tubig.
"Kelan ka pa naging friendly nak? Nagbabagong buhay ka na ba?" Sambit ni mama habang tumatawa pa. Excuse me naman, mabait ako, di lang halata!
"Ma, grabe ka naman sa anak mo! Friendly naman ako eh..." Pagdepensa ko kasi naman hindi naman ako sobrang brutal at mean, may mga kaibigan din ako 'no.
"Weh? Kung yan ang sa tingin mo, edi okay. Oo na lang nak, kahit di totoo. Susuportahan kita"
"Si mama ang sama!" Sinabi ko na medyo pasigaw, yung nagbibirong type, hindi yung pagalit na sigaw kung gets niyo.
"Bawal kasi magsinungaling. Nagsasabi lang ako ng totoo." Ngumiti pa sa akin si mama na akala mo walang masamang ginawa. Ganun na ba ako kasungit? Grabe talaga si mama.
"Eh si papa po?" Tanong ko kasi madalas maaga naman si papa umuwi
"Wala pa. Hindi pa nakakauwi eh. Mamaya na siguro makakauwi yun"
"Ah okay po. Sige dun lang po ako sa sala" at nagtungo na ako sa sala para sana mag chill ngunit may narinig akong kumakatok kaya lumabas ako para pagbuksan ito.
Nang mabuksan ko ang pinto ay nagulat ako.
"Hi Woozi! Dito ka nakatira?" Ay putcha. Nasundan ako netong mokong na 'to! Stalker ba siya? Haysssss
"Anong ginagawa mo dito?!" Medyo gulat kong sabi kaya may pagkataas yung boses ko
"Grabe ayaw mo ba akong makita?" Oo ayoko tsk
"Kelan ba kita ginustong makita?" Pagtataray ko
"Aray Woozi ah. You hurt my feelings huhu" eto nanaman po tayo. Ang drama talaga neto.
Imbis na sumagot ay nirolyo ko lang ang mga mata ko. Nakakainis kasi siya eh! Hanggang dito binabagabag ako.
"Sungit tsk tsk" aba! Humanda ka sakin Hoshi, kahit pabulong yun, naririnig ko pa rin!
"May sinasabi ka?" Ginagalit ako neto eh...
"Ah wala. Pwede bang pumasok? Dito na lang ba tayo sa labas mag-uusap?" Takot ata to sakin eh ayaw umamin kahit narinig ko sinabi niya.
Sasabihin ko na sanang bawal at papauwiin ko na sana siya pero lumabas si mama
"Nak sino ba yan?" Tanong ni mama nang makalapit siya sa amin ni Hoshi
"Ah ma wala po." Sagot ko kasi ayoko papasukin si Hoshi
"Hello po tita! Friend po ako ni Jihoon" biglang sabi ni Hoshi, ngiting-ngiti pa sya.. Pabibo kay mama grrr
"Nako Jihoon may kaibigan ka pala bakit di mo sinabi! Ano pangalan mo hijo?" Nubayan si mama, inentertain pa! Mukhang wala na akong magagawa
"Soonyoung po" sagot naman ni Hoshi
"Kay gandang pangalan. O sya! Halina kayo't pumasok na tayo sa loob. Dun na lang kayo mag-usap" at tumigil ang mundo nung sinabi ni mama yun. Wala na pinish na.
"Ma baka kailangan na ni Soonyoung umuwi, wag na lang kaya?" Palusot ko
"Soonyoung kailangan mo na bang umuwi?" Tanong ni mama kay Hoshi
"Ah hindi pa naman po. Wait po ite-text ko po si mama para sabihing nandito ako sa bahay ng kaibigan ko." Sinamaan ko si Hoshi ng tingin kasi hindi niya sinakyan yung trip ko. Mas lalo akong iniinis eh!
"Ayun naman pala eh. Halina kayo sa loob." Pag aaya naman ni mama. Buset talaga eh, wala na mapipilitan akong kausapin si Hoshi kahit ayoko
Nasa loob na kami at sabi ni mama maghahanda daw siya ng makakain namin.
"Ma! Dun na lang kami muna sa kwarto ko habang naghihintay!" Sigaw ko mula sa sala since nasa kusina si mama
"Sige nak! Ihahatid ko nalang dun yung pagkain pag natapos" sigaw ni mama pabalik
Hindi na ako sumagot at hinila na lang si Hoshi paakyat sa kwarto ko.
Maayos naman ang kwarto ko kaya walang problema dahil ayoko ng makalat.
Nang makarating kami sa kwarto ay umupo ako sa kama habang siya umupo sa isang upuan sa may desk ko.
"Hoy Hoshi, bakit ka nandito? At pano mo nalaman bahay ko ha?"
"Sinundan ka. Di ko akalain na magtatagumpay ako, swerte ko lang talaga" proud pa ang loko, ngumiti pa pero ampanget naman. Walang mata tskk
At muli, inirolyo ko lang ang mata ko. Ayoko sumagot eh. Nagsasayang lang ako ng energy sa walang kwentang taong 'to (A/n ang harsh namannn.. di bale, destined kayo uy!)
"Woozi grabe ka ah! Di mo na nga ako sinagot, todo rolyo pa yang mata mo. Bad ka!" Psh daming alam, la namang mata
"Di waw. Lakompake" cold kong pagkasabe kasi wala naman talaga akong pake.
Natahimik siya. Isa ata itong blessing dahil natahimik ng sandali ang paligid ko, ngunit sabdaling sabdali lang kasi ang daldal niya.
"Haist ang sama mo pero ayos lang. Sana talaga ibigay mo na facebook mo" di ako nakinig kasi walang kwenta pinagsasabi niya
"Woyyyy reply naman diyan!" Pinipilit pa ko magsalita eh ayako nga
"Edi shing. O ayan ayos na ba? Nag reply na ko." Yes Jihoon ang taray mo. Good job self!
"Pwede na rin kesa naman irolyo mo uli mga mata mo." Ngumiti pa siya nang sinabi niya yun
"Manahimik ka na muna gagawa lang ako ng assignment." Syempre masipag ang isang Lee Jihoon, scholar ei! Dapat mataas grades at hindi bumabagsak.
"Okay boss" reply niya at kinuha niya ang cellphone niya. Sa wakas, payapa nanaman ang paligid.
Maya-maya pa ay dumating na si mama na may dala-dalang pagkain at inumin. Nagpasalamat kami at bumalik ako sa pag gawa ng assignment habang si Hoshi nag c-cellphone pa din.
▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄
Next chap ay Soonyoung's POV about dun sa fb ni jehun
Muli, pasensiya dahil ampanget niya. Sa mga nagbabasa (kung meron man) maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғ
FanfictionJihoon and Soonyoung are childhood friends. But then one day they had to part and so they promised each other to never forget their friendship and that one day they'll find their way back to each other. Author: hello po! Kung sino ang magbabasa tha...