Seventeen (세븐틴)

62 4 39
                                    


*time skip--one week later*
(Ang bagal kasi ng story na to huhu kaya time skip tayo)

Jihoon's POV

Isang linggo na ang nakakalipas at wala pa ring ganap sa buhay ko. Pati sa school walang ganap.

Yung grades ko, ayos naman, syempre smart si acou ;))

(A/n wahhhh gaizzz ewan ko na ano isusulat!! Ang bagal ng takbo nung story nakakasad)


"Jihoon!" Hulaan niyo sino 'to

"Pst!! Labas tayooooooo!! Hoyyyy!"

Kwon Soonyoung A.K.A Hoshi in da haus -.-

Ayun nasa labas ng bahay, nagsisisigaw. Walang hiya 'tong mokong na 'to. Akala mo walang mga kapitbahay na makakarinig sa mga sigaw niya e 'no!

Sabado kasi ngayon (A/n di ko na alam yung time set neto jusq hahaha tagal na kong di nagsulat ei pasensiya na po) kaya nandito yung siraulo.

Binuksan ko yung bintana tsaka siya sinigawan, "Pwede ba wag kang sigaw ng sigaw! Tsaka tsupe ka! Shooooo! Matutulog ako ngayon!" Sigaw ko sa kanya mula sa kwarto ko sa itaas

"Ikaw din naman sumisigaw eh! Tsaka halika na! Arte ka pa, ikaw na nga 'tong niyayaya! Libre ko, ano? Payag ka na!" Sigaw niya pabalik sakin. Lagot ako neto sa mga kapitbahay, ang ingay ih. Pero di bale, takot sakin mga yun hehe.

"Ayoko nga eh! Matutulog sabi ako! Kaya alis na! Byeeee!!" Sabi ko at sinara na ang bintana. Nakikita ko pa kung pano siya nagsasalita at kahit naririnig ko, kunwari di ko siya naririnig kasi nga sagabal siya

Tulad pag may inuutos sayo, kunware di mo rinig kasi matigas ulo mo huehue :)) ganyan si acou

DEJOKE

Going back,

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Kakatapos ko lang mag breakfast at ngayon matutulog ulet ako. Sleep is layp gaiz!

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko sabay rinig ng isang boses na ayaw ko.

"Jihoo-- este Woozi! Lika na! Ligo ka na tas bihis ka tas labas na tayo!" Pvta.

"Anong ginagawa mo dito ha?" Tanong ko sa pesteng taong sumira sa pagtulog ko sana

"Malamang para pilitin kang umalis. Kaya bangon ka na!" Sabi ni Hoshi na nakangiti pa ng nakakaloko.

"Pano ka nakapasok dito? Tangina Hoshi sabing matutulog ako eh" sabi ko kay Hoshi habang papalapit siya. Ay putek na yan. Alam ko na anong gagawin neto e.

"Di na importante yun. Dalian mo na!" Sabi niya habang HINILIHA AKO PAPUNTANG CR.

"Ligo naaaaa!" Sabi niya nang maipasok niya ako sa CR.

"Naligo na ako" sabi ko sa kanya habang paalis ng CR

"Ah ganun ba. Edi magbihis ka na!"

"Ge" maikli kong tugon kay Hoshi

"..."

"..."

"..."

"..."

"Ahm. Woozi? Bat humihiga ka? Akala ko magbibihis ka?" Tanong niya sakin habang ako'y nakahiga sa kama

"Wala akong sinabing magbibihis ako. Ge alis na" pagtataboy ko kay Hoshi ng nakapikit. Matutulog na nga kasi ako

"Di pwede. Aalis ako kasama ka!"

Laking gulat ko ng buhatin niya ako papunta uli ng CR..

"Hoshi anuba! Ibaba mo nga ako!"

"Payag ka muna"

"Oo na tsk"

Pagkasabi ko nun ay ibinaba na niya ako. Bakit kasi ang lakas niya? Wala tuloy akong laban -.-

"Dalian mo ha!" Sabi niya habang sinasara yung pinto ng CR

"Teka! Tanga ka ba? Wala akong dalang damit pamalit! Kuhanan mo nga ako!" Sabi ko kasi dinala niya ako dito pero walang damit. Anong use diba? Tanga lang -.-

"Shigeee"

Isinara ko na uli ang pinto at naghintay na lang kay Hoshi.

Soonyoung's POV

Ayt galeng! Pipili ako ng damit ni Wooziiiiii!! Kung sinuswerte ka nga naman oh!

Nagpunta na ako papunta sa damitan niya. Closet naman ata to eh kaya binuksan ko.

Nakita ko ang mga damit niya. Di naman masama. Magaganda naman.. Tulad niya ahe~

Kumuha ako ng pants tsaka t-shirt na may nakalagay na "cute ako" kasi bagay sa kanya hihi

Pero pano yung ano... Yung..

Underwear? Shettt

Hays bahala na nga.

Dahil di ko naman mga damit ito, di ko alam san nakalagay mga underwear niya. Naghanap pa ako jusq. Tumitingin ako sa bawat drawer o lalagyanan na makikita ko kasi baka nandun yung mga underwear niya

Napadako ako sa isang maliit na lalagyanan sa may cabinet. Mukhang pang mga accessories niya. Matignan nga..

"Hoshi anuba?! Antagal naman?" Ayan sumigaw na yung masungit

"Ay sorry! Weyt ka lang naghahanap pa ako ng.. Uhm.. Un.. U-underwear m-mo" galeng. Nautal ako. Takte ang weird kasi

"Ah sige. Nandiyan lang yun. Hanap ka lang. Tinatamad ako magbigay ng directions kung nasan e. Bilisan mo lang" sabi niya bago isara uli ang pintuan ng banyo

Ayun isasara ko na sana yung lalagyanan na may mga accessories niya nang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na bracelet.

Kinuha ko ito at pinagmasdan..

Meron ako nito e..

Ito yung.. Bracelet na.. Bigay ng

Childhood friend ko

Yung kaibigan kong hanggang ngayon hinihintay ko at hinihiling na sana makita ko na.

Siya na kaya yun?

Pero wag assumera Soonyoung. Baka nagkataon lang.

Pero di ako pwedeng magkamali. Ito yun eh. Parang ganto yung akin..

Haysss ewan ko na. Bahala na si batman.

Ibinalik ko na ang bracelet at naghanap ng underwear ni Woozi.

Mga ilang hanap pa ay nakita ko na ang mga ito. Ang neat ng pagkakatiklop ah. At ang weird kasi nakita ko mga underwear niya lol. Atleast diba? Wag ka na nga mag-isip ng kung ano-ano Soonyoung!

Nang matapos ako ay pumunta ako sa banyo at kumatok.

*tok tok*

"Woozi! Eto na damit mo o!" Sigaw ko mula sa labas. Nakakarinig ako ng agos ng tubig kaya siguro nagsimula na maligo yun.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.


Hubad siya wow.



Pero top lang kita ko. Natatakpan siya ng pintuan eh. Sayang! DEJOKE!

"E-eto n-na" nauutal kong sambit kasi huwaw nakascore nanaman ako!

"Salamat." Sabi niya na may ngiti pa bago isara ng tuluyan ang pinto.

Grabe magkaka-heart attack ata ako sa kanya e.

   ▄▄▄▄▄▄▄  ♡  ▄▄▄▄▄▄▄

Dapat ko pa bang isulat yung mga events sa pupuntahan nila? Kasi diba aalis sila?

Tagal ko ng di nagsusulat hahaha

Madami akong ideas pero di ko alam pano siya isulat :< kaya ayun pasensiya dahil muntanga po ako

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon