Tennn (10:10)

52 4 99
                                    

Jihoon's POV

Hindi pa ako nakakarating sa table kung nasan ang mga kaibigan ko ay naririnig ko na ang mga malalakas na boses nina Seungkwan at Seokmin.

"You iz very not pun" hulaan niyo sino yan (A/n di ko talaga kaya pano maliin yung english hahaha)

"Shunga! Fun kasi yun! F! Hindi p! Tsaka ano ba yang pinagsasabi mo? LT KA EH NO" sabi ng isang malakas na boses na nanggagaling kay Seokmin

Dumating na ako dun sa table kaya nagsitahimik sila

"Oh? Anyare sa inyo? Bakit natahimik kayo?" Tanong ko. Pano ba naman ang ingay-ingay kanina tapos nung dumating ako nagsitigil.

"Wala hyung. Wala na kaming mapagusapan eh" sabi ni Seokmin

"Kelan pa kayo nawalan ng paguusapan? Halos magdamag nga kayong nagiingay pag magkakasama tayo eh" sabi ko kina Seokmin at Seungkwan

"Ngayon lang hehe" sabi naman ni Seungkwan

"Ewan ko sainyo. Kumain na nga lang tayo." Sabi ko. Akmang susubo na ako nang biglang may sumigaw

"SEUNGKWAAAAAAAN NASAAN KAAAAAAAAAA" sabi nung amerikanong manoo, which is yung boypren ni Seungkwan. Taray diba? Ang bata pa may boypren na.

"Hoy Seungkwan! Patigilin mo nga yung boypren mo! Nakakahiya" naasar na sambit ni Wonwoo hyung. Kasi naman kumakain kami dito tas may mag-iingay at mangiistorbo.

Kelan ba ako mawawalan ng mga istorbo sa buhay?

"Opo hyung. Going iz me lang kay vernon gais. Byeeee" sabi ni Seungkwan at pinuntahan si Vernon. Ayan natahimik na muli ang table. Thank God!

Kumain nalang kami muli nina Jeonghan hyung, Wonwoo hyung, at Seokmin. Wala si Minghao kasi may gagawin daw siya kaya hindi siya nakasabay.

Tapos ng kumain ang mga kaibigan ko kaya natira akong mag-isa dito. Patapos na rin naman ako kaya ayos lang maiwan (A/n sanay ka na naman maiwan eh DEJOKE)

Patayo na ako nang biglang may sumulpot sa aking harapan. Hulaan niyo kung sino?

Si Hoshi.

"Hi! Pupunta ka na ba ng classroom? Tara sabay na tayo!" Masigla niyang sabi sakin.

"Wag na. Kaya ko ng mag-isa" sagot ko sa kanya
(A/n hindi mo kaya mag-isa Jihoonnnn kailangan mo si Hoshi huehue)

"Hindi ako tumatanggap ng 'hindi' bilang sagot, kaya halika na!" At ayun, hinila niya ako. Bakit kasi ang lakas lakas niya? Wala akong laban sa kanya eh :<

Hila-hila lang ako ni Hoshi hanggang sa marating na namin ang classroom. Buti nalang at hindi kami napansin ng mga kaibigan ko kasi big deal nanaman 'to sa kanila.

Binitawan na ako ni Hoshi at nagpunta na kami sa sarili naming mga upuan. Ay weyt- magkatabi pala kami -_-

"Woozi!" Pagtawag sakin ni Hoshi

"Ano nanaman ba?!" Pagalit kong tanong. Sobrang nakakaasar na kasi 'tong lalaking 'to.

"Ah eh... Ano ba kasi yung facebook mo? Hindi rin kasi alam ng mga kaibigan mo eh!" Kaya palaa..

Nginitian ko lang siya bago sumagot ng "bahala ka jan."

Ang DP ko kasi ay gitara tapos yung pangalan ko Jihoon lang, walang last name. Hindi naman sobrang hirap hanapin pero ewan ko bakit si Hoshi hindi mahanap-hanap yung facebook ko.

"Ihhh sige naaaaa!! Pleaseeee?" Pagmamakaawa niya na may pa cute pang nalalaman. Di niya ako madadala sa mga ganun!

Tumahimik na lang ako at tumingin sa ibang direksyon para hindi ko na makita yung panget na mukha niya. Tsk.

Soonyoung's POV

Tinalikuran ako ni Woozi. Nice.

Sinusubukan ko lang naman uli kung makukuha ko facebook niya ehhhh! Mukhang wala na akong magagawa. Di bale, may plano naman ako.

Gagawa ako ng fake account at iibahin ko yung pangalan, syempre alangan ilagay ko totoo kong pangalan eh fake nga diba? So moving on, ica-chat ko yung mga Lee Jihoon na makikita ko sa facebook. Pag may umamin na siya si Jihoon, edi ayun! Bingo! Dibuhh.. Sana lang may umamin na siya si Jihoon huhu

Nasa klase pa ako ngayon, kaya mamaya ko nalang gagawin. Makikinig muna ako kasi dapat good boy ako :))

*time skip, still Soonyoung's POV*

Tapos na rin sa wakas ang klase.

(A/n nakakatamad kasi magsulat tungkol sa school kaya baka puro time skip hahaha)

Nakita ko si Woozi na nagliligpit na rin ng gamit. Sasabayan ko siya pag uwi kaya kailangan ko rin bilisan magligpit.

Nang matapos ako ay saktong paalis na si Woozi kaya sumabay ako sa kanya.

"Hatid na kita" sabi ko at tumabi sa kanya

"Hindi na. Kaya ko na sabi mag-isa. Di ako bata" sabi ni Woozi na ngayo'y nagtataboy sa akin

"Hay nako wag ka ng maarte. Ikaw na nga itong sinasamahan eh! Tsaka mukha ka namang bata kaya baka makidnap ka, kaya sabay na tayo para may magtanggol sayo" ay patay. Lagottttttt!! Bakit kasi di ako nagiingat sa mga salita ko eh!

"Anong sinabi mo?" Ayan galit na po si Woozi nakuuu! Takbo naaaaa

"Ah wala. Lika na kasi, sabay na tayo!" Pagpupumilit ko sa kanya. Ayaw pa kasi pumayag 🙄 dejoke

"Nako Hoshi akala mo hindi ko narinig yung sinabi mo? Grabe ka talaga mangasar eh no? Pasalamat ka wala ako sa mood manghampas"

"Hehe sorry na. Pero sabay na kasi tayo!" Sabi ko

"Sabay mo mukha mo" sabi ni Woozi at nagsimula na siyang maglakad. Luh, ang hirap naman mapapayag netong taong 'to

"Oy teka sandali!" Pagtawag ko sa kanya at tumakbo na rin para maabutan siya

Ayun dahil wala ng maisip si Nicole, (A/n ako po yannn) di na niya ikukwento kung anong nangyari habang naglalakad sila Woozi at Hoshi. Long story short, hinatid ni Hoshi si Woozi tapos umalis din si Hoshi agad at umuwi sa bahay niya. Yun lang yun, wala namang masyadong ganap

   ▄▄▄▄▄▄▄  ♡  ▄▄▄▄▄▄▄

Verkwan yung nilagay kong mag boypren jan kasi SOLID yun eh. Hindi naman sa hindi solid yung iba, basta verkwan is reaaaal.

Tapos si Seungkwan naman hindi naging patay gutom (kasi nga dibuh nasa canteen sila kanina)

And nagtagalog po si vernon hahahah la lang baka gusto niyo englishero siya eh hindi ko ginawang english

Last note: di ko po talaga alam kung paano ang college so kung ano po yung masulat ko pakiintindi nalang thank you!!

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon