Eighttt

60 6 23
                                    

Jihoon's POV

Malapit ko nang matapos ang mga assignment ko kaya tinignan ko si Hoshi. Nakabusangot ang loko. Nakatitig lang sa cellphone niya si Hoshi at sa tingin ko sinusubukan niya pa rin hanapin ang facebook ko. Pero dahil sinabihan ko ang mga kaibigan ko, hindi niya ito malalaman. Haysss bakit ko nga ba yun iniintindi? Tatapusin ko na lang yung mga assignment ko.



"Woozi." Pagtawag ni Hoshi sa akin

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya

"Aalis na ako. Mag gagabi na rin kasi baka hanapin na ko ni mama. Bukas na lang uli" pagpapaalam niya sakin. Oo nga no, late na pala, di ko namalayan.

"Sige. Salamat sa pagpunta kahit ayaw kitang makita" sabi ko sa kanya

"Ay wow. Ok na sana hanggang dun sa 'salamat sa pagpunta' eh. Dinagdagan mo pa " sabi ni Hoshi na may pag pout pa.

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na ampanget mo pag nag pa-pout ka." Pagtataray ko sa kanya. Akala mo naman kasi ikinagwapo niya yung pag pout niya. AMPANGET KAYA

"Haist ang sama mo talaga Woozi. Di bale, sanay naman na ako. Sige na nga paalam na!" Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto ko. Makakatulog na rin ako sa wakas.

Kinabukasan

Soonyoung's POV

Maaga akong gumising ngayon para masabayan ko si Jihoon. Alam ko na kasi bahay niya so kayang kaya ko siya puntahan hehe

Natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin kaya nagpaalam na ako kay mama.

"Ma! Papasok na po ako!" Sigaw ko

"Sige! Mag ingat ka ha! Galingan mo sa school!" Sigaw ni mama pabalik (A/n buti pa yung mama ni sunyang may pa-ganyan huehue)

"Opo ma! Babye po!" At lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa bahay ni Woozi

Ilang minuto lang naman ang nilakad ko dahil hindi rin naman malayo ang bahay ni Woozi.

Noong nasa tapat na ako ng gate, kumatok ako tulad kahapon. Inaasahan kong si Woozi ang magbubukas pero iba ang nagbukas.

"Oh Soonyoung diba? Ikaw yung kaibigan ni Jihoon kahapon. Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah" sabi ng mama ni Woozi

"Ah tita, gusto ko lang po sana sumabay kay Jihoon pagpasok. Andiyan pa po ba?" Tanong ko kay mama (A/n abuh soonyoung nakiki-mama ka na rin ah.)

"Nagbibihis lang pero patapos na rin ata. Halika pasok ka muna, sa loob ka na maghintay" sabi ni mama at pinapasok na ako sa bahay nila

"Akyatin mo na nga yung batang yun. Matagal kasi talaga yun. Sabihin mo sa kanya bilisan na niya at baka ma-late pa kayo" sabi sakin ni mama. At dahil masunurin ako, ginawa ko ang sinabi niya.

Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni Woozi. Hindi naman nakasara kaya siguro tapos na siya mag bihis. Pumasok ako sa kwarto niya ng walang sabi dahil bukas naman.

Laking gulat ko nang madatnan ko si Woozi na wala pang suot na pang itaas. Naka pantalon lang siya.

"AY LETSE HOSHI! BAKIT DI KA MANLANG KUMATOK?" Gulat na sabi niya sabay hablot ng t-shirt niya at agad itong sinuot.

"Ahm sorry na. Nakabukas kasi yung pinto kaya akala ko bihis ka na. Sorry na" nakatakip ako sa mata ko nang sabihin ko iyon. Kahit nakatakip ako ng mata, kita ko pa rin siya

"Sa susunod kasi kumatok ka. Sino ba kasing nagpapasok sayo't nandito ka ha?" Sabi niya sakin

"Sorry na nga eh. At tsaka pinapasok ako ni mama." Tinanggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa mata ko dahil kita ko namang bihis na siya.

"Kelan mo pa naging mama ang nanay ko? Maka mama ka akala mo nanay mo eh. Mama mo? Mama mo?" Pagtataray niya sakin.

"Pag kasal na tayo magiging mama ko na rin siya, diba?" Tugon ko na medyo nangaasar

"Siraulo" huli niyang sabi bago ako lagpasan. Pinanood ko lang siyang umalis sa kwarto niya at nang makababa siya ay bumaba na rin ako.

"Ma mauna na po kami" sabi ni Woozi sa mama niya bago kami lumabas at maglakad papuntang eskwelahan

Habang naglalakad ay may naiisip nanaman ako. Sana gumana ^_^

Unti-unti kong inabot ang kamay ni Woozi at dahan-dahan itong hinawakan.

"Hoshi magtigil ka kung ayaw mo masapak" kalmado niyang sabi

"Eh paano kung ayoko?" Tanong ko habang hinihigpitan ang hawak ko sa kamay niya

Hindi na siya sumagot kaya akala ko ayos lang yung ginagawa ko. Yun pala babatukan ako kaya siya natahimik. Masaket siya mambatok ah!

"Aray ko naman!" Pagmamaktol ko sa kanya

"Dapat lang yan sayo tsk" abuh umirap pa 'tong pandak na 'to

"Pagbigyan mo na kasi ako! Minsan lang naman eh!" May paawa effect pa ako kasi kailangan ko siyang mapapayag

"Tumigil ka kung ayaw mo mabatukan uli" sabi ni Woozi sakin

"Bahala ka. Di kita bibitawan" sabi ko sabay kuha uli sa kamay niya and this time hindi ko na 'to bibitawan

"Hoshi anuba! Bitawan mo ko!" Pagpupumilit niya at sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Syempre hindi niya matatanggal kasi hihigpitan ko!

"Ayoko" maikli kong sagot habang patuloy na nakahawak sa kamay niya

"Bwiset. Pasalamat ka wala akong laban sayo" mahina niyang sabi na halos bulong na lang pero rinig ko pa rin

Ayun hindi na niya pinilit alisin yung kamay ko kasi nga wala siyang laban saken hihi

Pagkatapos nun ay tahimik nalang kaming naglakad dahil walang nagsasalita sa amin. Hinayaan ko nalang na maglakad kami ng tahimik kasi feeling ko wala sa mood si Woozi makipagusap. Ilang minuto lang ay narating na rin namin ang eskwelahan.

▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄

Wala akong magandang maisip hahahaha

11:20pm na jusq! wala share ko lang

ANYWAYS salamat uli sa pagbabasa!

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon