"Filler Chapter"
Soonyoung's POV
Naglakad na kami ni Woozi papuntang canteen.
Na e-excite ako hihi kasi syempre magkasama kame 😍
Landi ko pwe. HAHAHAHA
"Sige mauna ka na at umupo ka na sa table." Sabi ko kay Woozi
"E ikaw?" Tanong naman niya
"Bibili pagkain. Alangan namang magtitigan lang tayo diba? Pero pwede rin naman hihi" sagot ko muli sa kanya at hininaan ko ang boses ko sa huling bahagi. Syempre baka marinig nya, mahirap na.. Masapak pa ko ee..
"Ano yun? May sinasabi ka pa e"
"Weh? Wala na kaya"
Hindi niya ako sinagot at akma na sana syang aalis ngunit pinigilan ko.
"O bakit?" Tanong niya sakin habang walang ka emo-emosyon
"Ano bang gusto mong pagkain?"
"Wala"
Ay. Di ba to nagugutom? Huwaw namernnnn
"Gusto mo ako nalang? *wiggles eyebrows*" pabiro kong sabi ngunit biglang umalat ang ekspresyon nya kaya natakot na ako.
Tama nga ako, dapat ako matakot. E pano, pinaghahampas ba naman ako?
At ayun na nga, lumayas na sya sa paningin ko.. Ako naman ay bumili na ng makakain namin. Hayyy bahala na kung ano mabili ko sa kanya, basta edible hehe!
Nang makabili ako, hinanap ko sya at nakitang sa may dulo sya naupo.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa kanya habang nakangiti. Ang weird ko nga lang tignan kase nakangiti ako tas yung taong nginingitian ko e nakatalikod. Haysss
Ayun na nga, nakarating ako sa lamesa at umupo sa tabi nya.
"Oi!"
"Ano?"
"Anong akala mo ha, Hoshi? Akala mo ba pwede tayong magtabi?"
Loko tong pandak na to e.
Ay hehe joke, di yan pandak! Cute lang hehe!
Hinarap ko siya bago sabihing "Bakit ba? Ano masama dun? Ang swerte mo kaya na nakatabi mo ang isang gwapo't seksi na Kwon Soonyoung"
"Di ka naman masyadong makapal noh?" Sabi ni Woozi at nirolyo ang kanyang mata. Masyadong mataray tong batang to jusq..
Di ko na siya sinagot subalit nginitian ko na lamang siya.
Nagsalita ako muli habang iniaabot sa kanya ang pagkain na kinuha ko.
(Wag niyo na tanungin anong pagkain yon dahil wala akong maisip.) "Lika na nga, kumain na tayo."Sinimulan na niyang kumain, at ako naman, pinagmasdan ko muna siya sandali bago magsimula na rin kumain.
Hays napakagandang nilalang talaga netong pandak na to :(( kaso wala akong chance HAHA OUCHKase feeling ko type niya si Seungcheol dahil mas malapit na ata to sa kanya-
"Jihoon?"
Tangina.
Punyemas naman oh! Kumakain kami tas biglang susulpot yung gilagid na yan? qaqo.
Tinaas ni Jihoon ang ulo niya upang tignan kung sino ang nagsalita. "Oh, Cheol?"
A. May nickname na pala ngayon si Seungcheol sa kanya. Galeng.
Hindi bale, mas maganda naman nicknames namin :>
"Kumakain ka na pala, aayain sana kita sabay kumain e."
"Ah oo. Inaya ko kase si Soonyoung kumain. Bukas nalang tayo magsabay ulit."
Ay. Sila nanaman. Naknamputcha.
So sabay sila bukas? Tsaka, ano daw? Ulit? Luh? So lagi ba silang sabay? Bitter ako punyeta.
"Ah sige sige. Bukas ah?" Sabi ni Seungcheol bago umalis sa harap namin.
"Lagi ba kayong sabay kumain nun?" Tanong ko kay Woozi KO
Ay di nga pala sya akin.
"Oo e."
Dalawang letra, sapat na para malumbay ako. Kaya pala di ko na nakakasabay to, kasama pala yung punyetang gilagid na yun!
"Ah ganun ba."
Sad ako huhu bat kase nakabuntot yung Seungcheol na yun ha?? Di sila bagay pwe. Kami lang ni Woozi dapat!
KASO MAS MALAPIT SILA BAT GANUN????????
"Hoy okay ka lang?" Nawala ako sa pag mumuni-muni ko nang magsalita si Woozi
"Mhmm, oo. Sorry natulala ako"
"May bumabagabag ba sayo?" Tanong nya na may makahulugang tingin sakin
Oo, si Seungcheol. Iniisip ko kung may gusto ka ba dun. Or kung may namamagitan sa inyo. Tangina kase, nagseselos ako!
Ayan. Ayan gusto kong sabihin. Ngunit di ko magawa.
"Wala to."
"Ge sabi mo e."
Hays. Kelan mo ba ako bibigyan ng oras mo? Yung medyo matagal-tagal. Nakakainggit kayo ni Seungcheol e.
:"<
▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄
656 words. Huhu parang ang ikli? Huehue oks lang walang kwenta naman to e hehehehe 😅
Tsaka, di masyadong tinatawag ni Hoshi si Seungcheol ng "hyung" kase selos yun dun kaya bat sya gagalang? HAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғ
FanfictionJihoon and Soonyoung are childhood friends. But then one day they had to part and so they promised each other to never forget their friendship and that one day they'll find their way back to each other. Author: hello po! Kung sino ang magbabasa tha...