Soonyoung's POV
Kakatapos lang ng break time namin kaya heto ako ngayon, hinihintay si Jihoon. Pano ba naman, iniwan ako kanina. Di niya sinabing may sasamahan pala siyang iba kumain.
Bumukas ang pintuan ng classroom at iniluwa nito si Jihoon. Matutuwa na sana ako kaso biglang may umepal.
"Jihoon!" Pagtawag nung Seungcheol na bago naming klasmeyt
"Oh Seungcheol hyung! Bakit?" Sabi naman ni Jihoon. Hala, bakit parang nag-iba siya? Parang close na close sila nung Seungcheol? Bakit ngiting-ngiti 'tong si Jihoon? Langya naman Jihoon, pinagpalit mo na ba ako :< dejk wala namang kami ;((
"Halika! Bilisan mong umupo para makausap na kita" sabi muli ni Seungcheol
Tch. Epal kang Seungcheol ka. Inaagaw mo oras ng Woozi Ko eh.
Possesive na kung possesive, basta gusto ko sakin lang si Jihoon. Akin lang.
Ayun umupo na nga si Jihoon sa tabi ni Seungcheol, which is sa gitna namin so naging katabi ko rin siya. Saklap lang kasi di ako pinapansin.
"So Jihoon, san ka galing?" Rinig kong tanong ni Seungcheol kay Woozi. Kung makapagtanong akala mo siya yung nagco-controll sa buhay ni Woozi eh tsk (A/n Sunyang ang OA mo ah, chill ka lang)
"Sa canteen. Kumain ako kasama si Jeonghan hyung" sagot ni Woozi
"Ah ganun ba.. Sana sinama niyo ako! Mas masaya siguro kung kasama ako" sabi ni Seungcheol
Feelingero ka uy! Baka nga masira pa araw ng Woozi Ko dahil sayo eh! Dapat lang na di ka sumama!
"Di ka naman nagsasabi eh" sagot naman ni Woozi na siyang ikinagulat ko. Bakit parang ang gaan ng loob niya kay Seungcheol pero pag sa akin na, dedma? Unfair naman Woozi Ko!
Nag-usap pa sila ng nag-usap at dumating sa point na di ko na kinaya ang pagiging OP ko.
"Ehem ehem. Hi Jihoon!" Sabi ko na nagpatingin kay Jihoon sa akin
"Oh?" Tugon niya na parang wala siyang pake at di interesado
"Wala naman.. Wala kasi akong makausap ehh"
"Edi manahimik ka na lang"
"Ouchies. I'm hurt" sabi ko na may pa hawak pa sa dibdib na kunwaring nasaktan yung puso ko. Actually masakit naman talaga dahil kay Woozi huhu
"K" grabe ang tipid niya sumagot ahhh mashaket na talaguh
Tinalikuran niya ako at humarap siyang muli kay Seungcheol. Lagi nalang si Seungcheol tsk
Wala akong nagawa kundi manahimik nalang. Napagpasyahan kong umiglip sandali bago dumating and prof namin.
~~
Natapos na ang klase para sa araw na ito at wala namang ganap pwera lang sa hindi ako pinapansin ni Jihoon dahil lagi siyang kasama nung Seungcheol.
Habang nagliligpit ng gamit ay nakita ko si Jihoon na papalapit sakin. Syempre masaya ako kasi finally lalapitan niya ko :))
"Soonyoung!" Tawag niya sakin
"Oh?" Maikli kong tugon
"Gusto ko lang sabihin na.."
"Na mahal mo ko? Ayieeee alam ko yun ei!" Pagtutuloy ko sa sinasabi niya
"Tanga hindi" malutong naman na pagkamura ni Woozi sakin
"Grabe ka naman huhu tagos sa puso yung mura mo eh" madrama kong sabi, kasi mga bes masakit mamura!
"Share mo lang?" -.-
"Jihoon nakakainis na!" Sabi ko na medyo may pagmamaktol kasi muntanga yung reply niya
"Edi mainis ka" tanginuh netong si Woozi e no, ginagago ako
"Ampota Jihoon!" Pasigaw kong sambit. Ayan gigil na si acou!
"Ano kasi pwede makinig ka? Di ko masabi yung dapat kong sabihin ei" sabi ni Woozi at tingin ko chill na siya ngayon, mahinahon na magsalita ei
"Ikaw kase eh ang bad mo hmp" sabi ko na parang batang naagawan ng kendi kasi mukang bata ako nung sabihin ko to
"Di waw lakompake" at muli, nanggigil ako sa tugon niya
"Haist buset talaga! Naiinis na talaga ako! Pwede sabihin mo na yung sasabihin mo kasi inis na inis na ko baka di ako makapagpigil at-"
"At ano?" Pagpuputol ni Woozi sa sinasabi ko
"At....wala hehe"
"Tsk. Pero eto na nga, gusto ko lang sabihin na di ako sasabay umuwi sayo" ayan buti straightforward siya
"Hala baket?" Tanong ko naman sa kanya na medyo shookt pa
"Kasi-" magpapatuloy pa sana siya pero nagsalita akong muli
"Ay wait! Sinabi mong hindi ka makakasabay sakin umuwi? Ibig sabihin nun tinanggap mo yung fact na sabay tayo naglalakad pauwi? Omigashhhh big achievementtt!!" Sabi ko na may pag ngiti pa
"Oh ano naman meron dun at sobrang saya mo?" Naguguluhan niyang tanong sakin. Tsk slow din 'to eh
"La lang hihi pero may rason din ako kung bakit ako ganto hihi"
"Nakakatangina yung hihi mo" pagmumura niya sakin
"Ang harsh mo naman babe" yieeeet may pa 'babe' nako ngayon huehue
"Hoshi tangina mo po. Kelan pa naging 'babe' ang pangalan ko?" Waw nakakailang mura na 'tong si Wooziq ah
"Ngayon lang hihi kasi ikaw yung babe ko" reply ko sa kanya
"Ewan ko sayo. Sige mag imbento ka lang, la naman akong pake eh" sagot ni Woozi na siyang nagpalungkot sakin. Pano ba naman wala daw siyang pake -.-
"HMP!" Sabi ko na kunwaring nagtatampo
"Oh sige na alis na ko!" Sabi niya uli
"E sino kasabay mo pauwi?" Tanong ko naman kasi nga delikado pag siya lang mag-isaaaa
"Si Seungcheol hyung"
O_o P-puta? Bakit yung kupal na yun nanaman?! Ayoko na sa earth :((
"A-ah ganun b-ba? Geh a-alis na ko.." Nauutal kong sagot kasi speechless ako dun sa sinabi niyang si SEUNGCHEOL yung kasabay niya. Dati kasi ako yun eh! Epal talaga nung gilagid na yun!
"Luh alis ka na agad?" Pahabol niyang tanong kasi naghahanda na akong umalis (A/n naghahanda na akong umalis sa buhay mo)
"Oo eh. Sige ingat na lang" matamlay kong sagot bago nagsimulang maglakad coz ayoko na ma-hurt pag makita ko pa siyang kasama si Seungcheol..
Haist Soonyoung umayos ka nga! Ano crush mo lang ba talaga si Woozi? Gulo mo rin kasi e 'no.
▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄
Ayern buset talaga ng school eh :< ayoko na pumasok mga beshieeee
Pero excited pa rin ako and looking forward kasi malapit na birthday ng Woozi ma labs ko!! Bilis ng araw huhu di ko nga feel yung pasko eh haysss skl
BINABASA MO ANG
Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғ
FanfictionJihoon and Soonyoung are childhood friends. But then one day they had to part and so they promised each other to never forget their friendship and that one day they'll find their way back to each other. Author: hello po! Kung sino ang magbabasa tha...