Di ko na ipu-publish yung tungkol sa lakad nila Jihoon at Soonyoung sa last chapter huehue
Jihoon's POV
Monday.
Lunes nanaman :(( nakakatamad pumasok..
6:40am na pala. Nakahanda na naman akong pumasok pero mamaya na ako maglalakad, tinatamad pa ako e.
Nagcellphone na muna ako pampalipas oras.
Ilang sandali lang ay may nagdorbell,
ay joke wala nga pala kami nun! Ulitin natin.
Ilang sandali lang ay may narinig akong kumakatok.
"Jihoon! Sabay na tayo pumasok!" Sigaw ni Hoshi mula sa labas
At dahil nandito na rin naman siya, papayag na lang akong sumabay, kawawa naman siya e...
Pumunta ako sa gate namin at pinagbuksan si Hoshi.
"Hi Woozi! Salamat sa pagbubukas" sabi ni Hoshi na may malawak na ngiti sa kanyang mukha
"Wala naman na akong magagawa kundi ang pumayag na sumabay sayo e." Tugon ko kay Hoshi
"Tama, tama. Kaya halika na! Lakad na tayo, baka malate pa tayo e" sabi ulit ni Hoshi sa akin
Tinanguan ko lang siya bago pumasok sa loob para kunin ang gamit ko. Nagpaalam na ako sa nanay ko at sinabing kasabay ko si Hoshi pumasok.
Lumabas ulit ako at nakita ko si Hoshi na nagaantay sakin.
"Lika na" sabi ko sa kanya habang nagsisimula na maglakad
"Uy teka! Eto naman, laging di nanghihintay!" Wika niya habang unti-unti na siyang papalapit sakin
"Ayoko manghintay e. Ano magagawa mo?" Mataray kong sambit sa kanya nang maabutan niya ako. Bale sabay na kami ngayon at katabi ko siya.
"Sungit" narinig kong bulong niya.
"Ansabe mo?" Tanong ko
"Wala. Sige lakad ka lang" tugon niya ulit kahit alam ko naman yung sinabi niya. Pasalamat siya wala ako sa mood manapak kundi baka kanina pa siya nasapak.
Nagpatuloy lang kaming maglakad hanggang makarating kami sa school.
*time skip* lunch.
"Jihoon!" Tawag sakin ni Hoshi.
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen at kumakain kami ng maayos nang may singkit na dumating.
"Oh? Ano nanaman ba?" Inis kong sabi sa kanya kasi kumakain ako e tas dadating siya -.-
"Pwede ka bang makausap?" Tanong sakin ni Hoshi
"Kausap mo na nga ako e, nagtanong ka pa. Isip-isip din" medyo mataray kong sagot sa kanya.
"Oy Jihoon hyung! Bakit naman ang sungit mo sa kanya?" Sabat ni Minghao na katabi ko lang dito sa table.
"Oo nga Ji! Pwedeng kalma lang at maging mabait?" Singit muli ng isa kong kaibigan na si Jeonghan Hyung
"Okay lang yun. Sanay na ako. Mahal ko pa rin naman siya e" sambit ni Hoshi habang tumitingin sakin na may ngiti sa labi.
"Di waw. Ano bang alam mo sa pag-ibig ha? Wag ka ngang nagloloko" sabi ko na ikinalungkot ng ekspresyon ni Hoshi
"Aray ko naman Jihoon! Masakit sa damdamin mga sinasabi mo huhu" sabi ni Hoshi na mukhang nasasaktan
"Ge lampake" tugon ko sa kaartehan ni Hoshi kasi akala niya nakakatuwa kahit hindi.
"Hmp! Change topic na nga! Kasi nga gusto kitang kausapin, kaya lika na!" Sabi ni hoshi sabay kuha ng kamay ko at hinila ako papunta sa rooftop ng school.
Sa rooftop..
"Dito mo talaga gusto mag-usap? Hanep ah" sabi ko nang makarating kami sa rooftop. Pumunta ako sa isang upuan sa may rooftop at umupo habang hinihintay siyang sumunod sakin.
"Oo. Wala kasing tao dito kaya tahimik. Mas okay mag-usap dito" sabi niya habang umuupo sa tabi ko.
"Ah okay. So ano na ngang meron? Bakit mo ko gusto kausapin?" Tanong ko at humarap sa kanya
"Sumali kasi ako sa dance club ng school. Yung time na di kita sinamahan umuwi, nag audition ako para sa leader na posisyon ng dance club. At dahil swerte ako, natanggap ako. Pero eto na nga. May music club sa school kung saan may mga vocalists at may gumagawa ng kanta." Saglit siyang tumigil at tumingin din sakin
"Baka lang kasi gusto mo sumali dun. Alam ko namang may potential ka. Tsaka makakasama pa kita! O diba? Double benefits!" Masiglang pagkasabi ni Soonyoung habang nakatingin sa mga mata ko
"Sus. Asa ka pang gusto kitang makasama. Pero sige pag-iisipan ko" tugon ko sabay iwas sa tingin niya. Awkward kasi.
*time skip ulet* uwian na
"Jihoon!" Narinig kong pagtawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito para malaman kung sino ang tumawag sakin.
"Oh Jeonghan hyung, ano sadya mo dito?" Tanong ko sa kanya nang makaharap ko siya.
"Ano kasi.. Sasali si Seungcheol sa music club ng school, specifically sa hiphop team" sabi sakin ni Jeonghan hyung.
"O tapos? Ano naman pake ko dun aber?" Wika ko sa kanya na may pataas pa ng kilay
"Diba mahilig ka naman sa music at hobby mo ang mag compose? Edi sumali ka nalang din sa music club! Tapos pwede mo bantayan si Seungcheol para sakin, pwede mo rin siyang makausap or samahan habang wala ako sa tabi niya. Sali ka na! Please?" Mahabang pagsasalaysay ni Jeonghan hyung
"Hyung"
"Oh?"
"Nahihibang ka na ba?"
"Siguro?"
"Hay nako. Alam mo sinabihan na rin ako ni Soonyoung tungkol diyan. Sumali din kasi yung walang matang yun. Tinanong din ako kung pwede ako sumali, pero ang tanging tugon ko sa kanya ay na pagiisipan ko muna" sabi ko kay Jeonghan hyung habang deretsong nakatingin sa kanya
"Yun naman pala e! Ayaw mo nun? Kasama mo si Soonyoung?"
"Ayoko" malimit kong sagot sa tanong ni hyung
"Luhh.. Pero sumali ka na para sakin. Please!! Sige ka, babawiin ko yung sinabi kong sagot ko lunch mo" sabi ni hyung na may pananakot pa sa boses. Psh akala mo talaga matatakot ako e. May pera naman ako, nagiipon lang kaya nakakapanghinayang gumastos.
"Hyung ok lang. May pera naman ako," sabi ko habang nakangiti "ayoko kasi talagang sumali" pagpapatuloy ko
"Ihhh dali naaaaa! pleaseeeee!" Pagmamakaawa ni Jeonghan hyung sakin
"Heh tumigil ka hyung" pagtataray ko sa kanya habang nagaayos na para makaalis na ko
"Sige ka... Gusto mong.."
"Ano nanaman yang iniisip mo ha? Lagi kang may panakot sakin e no?" Sabi ko kay hyung at sinamaan siya ng tigin. Dami kasi niyang ginagawa para lang mapapilit akong gawin ang isang bagay.
Ngumisi naman siya bago magpatuloy,
"Gusto mong i-set up ko kayo ni Soonyoung? Or sabihin sa kanya na mahal mo siya? O sabihan ko siya ng ibang mga sikreto mo? Hmm ano pa ba.. Basta gagawa ako ng paraan para matakot ka, at sa lahat ng mga naiisip ko, damay dun lahat si Soonyoung" pagtatapos ni hyung na may malawak at nakakalokong ngiti. Buset siya. Hays di ko na alam gagawin ko dito sa kaibigan kong to. Minsan gusto ko na lang siyang ibalibag, kaso mahal ko siya e (as a friend ha) kaya di ko siya kayang saktan.
O diba, be like jihoon. Ayaw saktan ang mga taong mahal niya :))
Pero ayaw nga ba? May masasaktan kaya siya sa kwento?
▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄
It's already the eighteenth chapter yet nothing great is happening :<
Ampanget niya huhu
Pero la na kong pake huehue bahala na si batman
BINABASA MO ANG
Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғ
FanfictionJihoon and Soonyoung are childhood friends. But then one day they had to part and so they promised each other to never forget their friendship and that one day they'll find their way back to each other. Author: hello po! Kung sino ang magbabasa tha...