Twelveee

36 5 37
                                    

Soonyoung's POV

Ayun na nga;

Nag message sa akin yung Jihoon at sigurado akong siya na talaga yung Lee Jihoon na hinahanap ko (A/n pano mo nasabi?)

Nagpakilala ako at ginamit ko ang fake name ng account ko which is si Tenten. Ikinagulat ko naman ang naging tugon niya. Nagpakilala nga siya at SOBRANG SHOOKT AKO. Kasi nga parang naka jackpot ako! Sabi niya kasi siya daw si Lee Jihoon, like omy gash! (Waw ambakla naman pero whatever) Matatahimik na rin ako sa wakas kasi nahanap ko na yieeeeet

Bigla naman akong kinilabutan nang mag chat siya na kung may kilala daw ba akong 'Kwon Soonyoung'. Magrereply sana ako ng "oo, ako yun eh" pero ang bobo ko naman kasi diba iba yung identity ko dun sa FB... Kaya ayun nag log out na lang ako kasi di ko alam sasabihin.

Kinabukasan
So bale 3rd day of school na..

Jihoon's POV

Nagising ako ng maaga dahil tunog ng tunog yung phone ko. Anubayan! Ke aga-aga, may nambubulabog agad?!? Pesteng buhay. Gusto ko lang makatulog ng maayos pero bakit laging may hadlang??

Binuksan ko ang bwiset kong cellphone para tignan kung sino man yung nagpapatunog dun.

Tenten
•active now

Tenten: HELLOOOOOO

Tenten: Good morningggggg!!

Tenten: Papasok ka na ba?

Tenten: Kamusta tulog mo?

Tenten: Woyyyyyyyy

Tenten: Jihoonnnnnn!!! Gising naaaaaaaaa

Tenten: Baka ma-late ka ng pasok!

Tenten: PSTTTTTTTTT

Tenten: JIHOOOOOOOOOOON

Tenten: Huyyy wer na uuuu

Tenten: J

Tenten: I

Tenten: H

Tenten: O

Tenten: O

Tenten: N

Tenten: Haist baka tulog ka pa hehe sorna

Jihoon: Puta?

Jihoon: Nang dahil sayo, naabala yung tulog ko letse!

Tenten: Ay sorry! Di ko sinasadya! Ganito lang talaga ako hehe

Seen

Tsk. Nagsasayang lang ako ng oras kausap 'to kaya naghanda nalng ako para pumasok.


Muli, heto ako naglalakad papuntang school, at kasabay ko nanaman si Hoshi. Wala eh, mapilit kasi siya. Tsaka wala nga akong laban sa kanya diba? Hay buhay..

Habang naglalakad daldal lang siya ng daldal at ako nakikinig lang pero wala naman talaga akong pake. Hinayaan ko siya magkwento ng magkwento ngunit di ako tumutugon sa kanya, sayang laway eh wala namang kwenta pinagsasabi niya

Sa wakas ay narating na rin namin ang school. Nagpunta na kami sa classroom namin kasi parehas naman kami ng schedule at ng classroom; so bale lagi ko siyang kasama. Ang malas ko naman at nagkataon pang parehas ang course namin. Gusto pa sanang mag explain ni otor (A/n naksss hahaha di po ako author pero trip ko ilagay eh) tungkol sa college especially about kina Jihoon at Soonyoung pero dahil zero knowledge siya, yan lang kinaya niyang sabihin- na parehas sila ng course, classroom, and schedules.

Sa classroom, medyo marami nang tao kasi hindi ako maagang nagising at ewan ko dito kay Hoshi kung bakit willing siyang maghintay kahit minsan late ako gumising (A/n willing siyang intayin na mahalin mo na siya yieeee)

Nakita ko uli ang dalawa kong kaibigan na parehas ang course sakin, sina Wonwoo hyung at Jeonghan hyung. Baka magtanong nanaman sila kung bakit sabay uli kami netong si Hoshi pumasok. Ayoko na ma-interview uli ng mga kaibigan ko :( help me :(

"Uyyy Jihoo- ay ano yan? May kasabay ka pumasok? Himala." Sabi ni Jeonghan hyung nang tawagin niya ako.

"At si Soonyoung pa yung kasabay niya..." Pagdagdag ni Wonwoo hyung sa sinabi ni Jeonghan hyung

"Oo nga. Jihoon, umamin ka, crush mo ba siya?" Pagtatanong ni Jeonghan hyung sakin

"O baka MU?" Singit ni Wonwoo hyung. Nakakapanibago si Wonwoo hyung, singit ng singit. Parang interasado siya sa topic which is tungkol samin ni Hoshi. Bakit ganun? Bakit ngayong may umaaligid saking lalaki- si Hoshi- tsaka siya naging interesado?

"Oo! MU kami! Diba Jihoon?" Singit ng isa pang lalaki. Si Hoshi. Ang kapaaaaaaaaal talaga ng mukha, di na nahiya. MU daw? Baka siya lang yun, kasi Magisang Umiibig ang meaning nun, kaya Magisa lang siyang Umiibig awtsu

Binatukan ko nanaman siya kasi ang daming kalokohan ang lumalabas sa bibig niya.

"Sira! Walang MU dito, at mas lalong wala akong crush jan sa pesteng lalaking yan!" Sabi ko sa kanila ng pagalit kasi nga ang kulit kulit nila! Gigil si acou!

"Defensiveeee pero sige kung yan ang sabi mo. Alam na naman namin ang totoo eh kaya bahala ka jan mag deny." Sabi muli ni Jeonghan hyung. Mga loko-loko talaga 'tong mga kaibigan ko. Kaibigan pa ba ang tawag sa kanila? Dejoke mahal na mahal ko mga yan <3

Tinalikuran ko nalang silang tatlo at nagpunta sa pwesto ko. Naiinis ako kapag nandun ako eh. Sanay naman na silang lumalayas ako sa scene dahil ako'y wala namang pake.

"Pst! Jihoon!" Ay napakakulit talaga ng isang 'to. Nakalimutan kong magkatabi pala kami.

"Hoshi magtigil ka. Wala ako sa mood tangina mo" sabi ko na may mura pa; coz Lee Jihoon isn't innocent, Lee Jihoon is very savage, alright? Di lang ako masyadong nagmumura ngayon kasi ayaw ni otor, pero since lumalabas na naman ang totoo kong kulay, kailangan ni otor maglagay nung mura

Nanahimik naman siya sa sinabi ko. Aba dapat lang 'no. Ano gusto niya? Isang katutak na mura bago siya tumahimik? Buti naman at isang mura lang e tumahimik na.

Nagpatuloy lang ang klase at ako naman ay nakikinig ng mabuti dahil bawal bumagsak (A/n buti pa si Jihoon.. Ako laging inaantok sa klase e)

*time skip*

Uwian na. Ang pinaka magandang parte ng pagpasok ang paguwi, kaya heto excited na akong makauwi.

Nagsimula akong maglakad papuntang bahay. Mag-isa lang ako ngayon dahil wala si Hoshi. Himala diba? Walang nanggugulo ngayon. Sabi niya kasi may kailangan siyang kausapin para sa dance club ng school. Siya pala kasi ang dance club president, pero kahit dati pa ako dito, ngayong last year ko na dio tsaka ko lang nalaman na siya pala yung dance club president. Galing dibuh?

Di pa ako nakakalayo sa school ay may tumawag na ng pangalan ko. Hindi pamilyar ang boses kaya nilingon ko ito. Nagulat naman ako sa taong tumatawag sakin.

   ▄▄▄▄▄▄▄  ♡  ▄▄▄▄▄▄▄

10:20pm na at sabog na sabog na ako hehe di na po gumgana utak ko

Ang slow ng takbo ng story wahhh sorry! Continuation po ang susunod na chapter

Sana ayus lang 'tong chapter
Thanks uli sa mga nagbabasa!!

Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon