Soonyoung's POV
*time skip, recess na*
Nung nagring yung bell na signal na recess na, nilapitan ko uli si Jihoon. Aayain ko siya mag recess together ayieeeee
"Jihoon? Pwedeng magtanong?" Grabe soonyoung dami mong alam ha
"Soonyoung, nagtatanong ka na." Ay sungit ah! Bakit kanina parang ang bait niya? Anyare dito? Ganito ba talaga 'to?
"Ay sorry naman hehe. I was just wondering," oy english yan! "Pwede ba tayong mag recess together?" Kinakabahan ako pero di ko alam kung bakit. HAYS JIHOON nakakabakla ka.
"Kasama ko mga barkada ko eh. Kung gusto mo sama ka nalang sa akin. Papakilala din kita" pagkasabi niya nun ay napangiti ako. Syempre papayag ako, bakit naman hindi?
"Sige ba!!" Excited kong reply kaya napasigaw ako ng slight hehehe
"Grabe Soonyoung ha.. Ibang klase yang boses mo. Ang lakas lakas!"
"Sorry! Na-excite lang!"
"Oh, halika na. Sabay na tayo papuntang canteen." Ayieeee sabay daw kami!
"Sigeeeee poooo" cute kong pagkasabi. Cute naman kasi talaga ako ahe~
So ayun naglalakad kami ngayon papuntang canteen at ang tahimik. Di pa kasi masyadong close so hindi pa rin kame super comfortable sa isa't isa. Pero dahil sadyang maingay ang pagkatao ko, nagsalita ako.
"Jihoonnnn! May nickname ka ba? Kasi ayoko ng Jihoon lang. Gusto ko special ang tawagan natin" ayan ang lumabas sa bibig ko. O diba? Siguro kinikilig na 'tong kasama ko.
"Meron akong isang nickname. Pero walang ibang nakakaalam neto. Yung childhood friend ko kasi nagpangalan sakin neto. Gusto mo yun na lang?" Tanong niya.
"Kung okay lang sayo. Ano ba yung nickname na yun?" Pabalik kong tanong
"Woozi." Tinignan niya ako pagkasabi niya nun.
Teka nga. Woozi? Parang pamilyar sakin yung pangalang yun. Yun ata yung palayaw ng childhood friend ko! Pero di ako sure eh. Antagal na nun. Siguro nagkamali lang ako ng akala.
Ganun naman kasi eh. Akala ko mahal niya ako, yun pala hanggang kaibigan lang.
(A/n ok staph sorry guys hahahaha)
"Ang cute naman nun! Mula ngayon tatawagin na kitang woozi."
"Eh paano ikaw?" Tanong niya.
"Anong paano ako?" Tanong ko pabalik. Di ko kasi gets.
"Wala ka bang nickname? Para patas." Ahhh kaya pala. Dapat ko bang ipagamit yung nickname kong Hoshi sa kanya?
"Ikaw na lang magbigay sa akin ng nickname! O ayan ha! Pinagbibigyan kita" yun na lang yung sinabi ko kasi parang ayoko gamitin niya yung Hoshi. Special kasi yun. Galing pa yun sa childhood friend ko eh.
Jihoon's POV
Hmmm... Gusto ni Soonyoung na ako ang magbigay ng nickname niya. E ano naman ang gagawin kong nickname? Kung yung palayaw nalang kaya nung childhood bestfriend ko. Naalala ko kasi kay Soonyoung si Hoshi.
┏ ┓
Flashback
┗ ┛(Kung paano nagkaroon sina Jihoon at Soonyoung ng palayaw na Woozi at Hoshi)
"Jihoon! Tara sa park! Dun muna tayo. Kasama ko naman si mama eh. Babantayan niya tayo." Sabi sakin ni Soonyoung.
6:00pm na. Nagdidilim na pero may gana pa rin 'tong si Soonyoung?
"Sige magpapaalam lang ako kay mama"
Yun na nga, nagpaalam ako kay mama at salamat na lang dahil pumayag siya.
"Soonyoung! Payag na si mama. Halika na" pagtawag ko sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa park at pagkarating namin dun, nagpaalam si Soonyoung sa mama niya na dun lang kami sa mag damuhan. Hinayaan lang kami ni tita kasi hindi naman ito malayo dun sa bench na inuupuan niya. Umupo kami ni Soonyoung sa may damuhan at nabalot kami ng katahimikan. Yun bang sinasabi nilang "comfortable silence". Hindi nagtagal ay nagsalita ako.
[bold: Jihoon; normal: Soonyoung]
"Soonyoung, nakikita mo ba yung mga bituin?"
"Oo. Ang dami nga nila ngayon eh. Sobrang ganda tuloy ng langit."
"Alam mo, para sa akin, isa kang bituin. Isang bituing nagniningning at hindi kumukupas ang ganda. Ikaw ang nagbibigay liwanag sa akin. Ikaw rin ang gumagabay sa akin. Kayanga nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Tulad ng mga bituin na yan, nagniningning lagi ang kagandahan mo; kagandahang loob man o pisikal na katangian mo. Bawat ngiti, bawat tawa, napapasaya mo na ako. Naisip ko lang na parang hindi kita masyadong napapasalamatan, kaya heto sasabihin ko na. Salamat, Soonyoung."
(A/n ang bata pa nila pero ganyan na magsalita 'no? Hahahah)
"Jihoon naman! Mapapaiyak mo ako ng wala sa oras eh!"
"Kasi nga gusto ko malaman mo na ang swerte ko dahil kaibigan kita."
"Ako rin naman eh. Swerte ako sayo Jihoon."
"Gusto ko sana bigyan ka ng nickname. Naalala kasi kita tuwing nakikita ko ang mga bituin."
"Sige ba. Ano ba yung pangalan na yun?"
"Hoshi."
"Star ang meaning niyan in japanese."
"Ang ganda naman Jihoon! Eh pano ikaw? Ano ang ibibigay kong nickname?"
"Bahala ka. Kahit ano ayos lang. Kahit walang meaning. Basta galing sayo, lahat maganda."
"Jihoon kinikilig naman ako sayo! Sige mag-iisip ako para sayo."
"Sige lang. Take your time."
After ng ilang minutes...
"Alam ko na!"
"Oh ano?"
"Woozi."
(A/n WOOZY- affected with dizziness, mild nausea, or weakness; credits to merriam dictionary. Di ko alam kung may sense ba yung idadahilan ko pero whatever hehe)
"Galing yan sa salitang WOOZY na ang meaning ay (yung sinabi ko kanina). Woozi kasi I feel woozy around you, in a good way. Nahihilo ako in a good way. Like tuwing nandiyan ka parang umiikot ang mundo ko...sayo. Sayo lamang ako nakapokus (A/n AYIEEEEE) at tila ba tumigil ang mundo nang ika'y aking masilayan. Sayo lang lagi iikot ang mundo ko, woozi. Jihoon pasensiya na mukhang ewan tong pinagsasabi ko, pero wait ipagpapatuloy ko ha. Ayun, Ikaw ang weakness ko. Pagdating kasi sayo lumalambot ako. Gusto ko maibigay yung mga gusto mo, at gusto ko lagi kang masaya. Kapag malungkot ko o mahina, nasasabay ako. Ayoko kasing nakikita kang malungkot, para akong konektado sayo kaya tuwing nalulungkot ka, malungkot din ako. Kapag may times na ganun, papasayahin kita at magiging star ng buhay mo. Sisiguraduhin kong masaya ka lagi."
"Soonyoung, nakakatouch ka naman. Salamat ah. Ikaw na ang nag-iisang Hoshi ng buhay ko."
"Salamat din, Woozi ng buhay ko."
End of flashback
*still Jihoon's POV*
Naalala ko si Hoshi kay Soonyoung kasi parehas silang masayahin, parehas palangiti, parehas na maligalig. Nasaan na kaya si Hoshi? Miss ko na yun eh.. Haysss sa ngayon kailangan kong bigyan ng palayaw si Soonyoung para daw special ang tawagan namin.
"May naisip na ako." Nakangiti kong sabi
"Ano?" Tanong ni Soonyoung
"Hoshi. Cute ba?" Pagkasabi ko ng Hoshi ay nakita kong nagulat siya. Hala panget ba?
▄▄▄▄▄▄▄ ♡ ▄▄▄▄▄▄▄
So ayun 1069 words to HAHAHAHA sana ayus lang ^_^
BINABASA MO ANG
Childhood Friends ~ sᴏᴏɴʜᴏᴏɴ ғғ
FanficJihoon and Soonyoung are childhood friends. But then one day they had to part and so they promised each other to never forget their friendship and that one day they'll find their way back to each other. Author: hello po! Kung sino ang magbabasa tha...