Chapter 8

4.2K 170 6
                                    

Maaga siya nagtungo sa BSC para mag-ensanyo ng dalawang oras bago magsimula ang pagtuturo niya sa mga trainee niya sa Martial Arts.

Binitawan niya ang panghuling palaso pero hindi iyun nakarating sa target niya dahil may biglang pumigil doon. Nakangisi na hawak-hawak iyun ni Valerie. Ang anak ng dating panginoon na kakambal ng panginoon nila ngayon na si Zayne.

"Nice one!" anito. Napailing siya.

"Naligaw ka ata?" aniya habang tinutungo ang kinaroroonan ng mga palaso niya.

"Alam mo naman daig ko pa ang mensahero," tugon nito.

"Hmm," aniya habang tatango-tango.

"Nakabalik na ang dalawang prinsesa sa mundong-Colai,sina Prinsesa Mia-Ashly at Prinsesa Alexiz Ann," anito.

"Masaya ako kung ganun,natagpuan na pala nila ang mate nila," sinsero niyang saad.

Tayo rin naman eh! Babalik na rin ba tayo o dito tayo?

Natigilan siya. Mula ng umapak siya sa mundong ito marami na ang nangyari sa kanya na hindi niya naranasan sa mundong-Colai..pero sa tuwing naaalala niya ang sinabi sa ama na babalik siya sa mundong-Colai nahahati ang kalooban niya. Masaya siya rito pero gusto niya makasama ang kanyang ama at ina.

"Anong iniisip mo,prinsesa?" pukaw sa kanya ni Valerie. Agad na ngumiti siya rito at umiling.

"Alam ko na kung ano?" nakangisi nitong saad.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Yung mate mong MMA,noh?" tudyo nito.

Napabuga siya ng hangin. Nalaman kaagad ni Zei ang tungkol kay Frances sa unang sulyap pa lang nito na ito ang mate niya nang nakaraan gabi ng makita nito ang lalaki sa labas ng BSC. Well,nakalimutan lang siguro niya na makapangyarihan ang dating diyos ng mga lobo.

"Paano niyo nalaman na siya ang mate ko?" gulat niyang tanong rito.

Ngumisi ito at bahagyang sumulyap sa kinaroroonan ng tinutukoy niya. Nakatalikod siya rito pero agad din niya naramdaman ang presensya nito.

"Naririnig ko na hindi normal ang bilis ng tibok ng puso mo,mahal na prinsesa,iyan ang senyales na natagpuan mo na siya," anito.

"Umaaligid na ba siya sayo?" mapanudyo pa rin nitong turan.

"Ganun ba dapat?"

Tumawa ito. "Oo naman noh,kung siya ang mate mo,paniguradong na love at first sight agad yun sayo kasi kayo ang itinakda sa isa't-isa."sabi nito.

Naalala mo yun ng gusto ka niya makilala ng gabi iyun? Na-Love at first na sight na siya nun!

"Hindi ko alam," aniya sabay kibit ng balikat.

"Ey,iniisnab mo siguro?" akusa nito sa kanya. Napailing na lang siya.

"Well,be ready,mahal na prinsesa!  kasi may mainit na damdamin kayo mararandaman,i mean,yung in heat!"

Nangunot ang nuo niya sa sinabi nito pero hindi na nito nilinaw pa dahil bigla na lang ito umalis.

In heat?

Kanino? Sa mate niya?

Wala silang ideya ng wolf niya pero kung ano man yun mukhang kailangan nilang paghandaan iyun.

Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng in heat na yun. Iyun ang mararanasan nila mga lobo sa oras daw matagpuan na nila ang kanila mga mate.

Parang ang exciting niyun..

Gusto niyang matawa sa sinabi ng wolf niya at makaramdam na rin ng hiya.

Masyadong sagrado ang tinutukoy nila.

Magaling kaya siya?

"Stop it,wolf..don't act like a innocent,okay..that's  not a joke,"sita niya sa kanyang wolf.

What?

Umiling na lamang siya. Ayaw niyang makipagtalo sa wolf niya.

Inayos na lamang niya ang pagkakasalansan ng mga harness niya sa isang pahabang lamesa.

Nang matapos siya roon. Nilisan na niya ang silid niyun. Baka may mga trainee ng dumating at naghihintay sa kanya.

Isa sa pinakasasabikan niya ang turuan ang mga istudyante niya sa martial Arts. Napamahal na ang mga ito sa kanya kaya kung sakali man magpasya siya bumalik sa mundong-Colai ay sobrang mamimiss niya ang mga ito ng sobra.

Sana at umaasa siya na hindi siya mahirapan mamili sa pagitan ng dalawang magkaibang mundo na naging parte ng buhay niya.



The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon