Hindi niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa mainit at malambot na kamay ni Cassandra habang naglalakad sila sa park kung saan inaya niya itong maglakad-lakad pagkatapos nilang maghapunan.
Para pa rin siyang nakalutang sa alapaap na kasintahan na talaga niya ang dalaga.
Hinding-hindi niya hahayaan na magkahiwalay sila ng dalaga magkamatayan na.
Napangisi siya sa isipin iyun. Yeah,hell..mamamatay muna siya bago sila magkahiwalay ng dalaga.
Talagang patay na patay ka sa kanya,Ynico!
Nakangisi na sinulyapan niya ang dalaga na nakatingin rin pala sa kanya.
"Hmm,napag-isipan mo na ba yung tungkol sa pagpunta mo sa America?" pagbubukas niya ng paksa.
Agad na rumihistro sa maganda nitong mukha ang pagkakaalala roon.
"Mas maganda ba dun kaysa rito?" pagtatanong nito.
Amuse na nginitian niya ang dalaga. Alam niyang kung sakali man na makapagdesisyon ito iyun ang unang beses nitong makakarating roon at talaga naman napakaswerte niya dahil siya first nito! Her first boyfriend and first kiss. He's so fucking lucky man!
Masuyo niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mata nito dahil sa hangin na tumatama sa kanila.
"Well,maganda pa rin naman ang pilipinas pero dahil first time mo makakarating dun masasabi kong magugustuhan mo dun," aniya.
Tumango ito. Umaasa siya na makasama niya ito sa lugar na pinanggalingan niya.
"Hindi ba nagbabakasyon ka dito? Ayokong masira ang pagbabakasyon mo rito kung gusto kong pumunta roon agad," anito.
"Hawak ko naman ang oras ko,I have a plenty time for you,Babe..lahat ng oras ko ibibigay ko sayo," aniya.
Natuon ang mga mata niya ng kagatin ng dalaga ang pang-ibabang labi nito at natutukso siyang angkinin muli ang mga iyun.
Damn,get a grip,Ynico!
"Kung ganun,bukas pwede?"
Napukaw siya sa sinabi nito.
"Ahm,pwede naman kahit kailan kang pwede," tila napahiya nitong pagbawi sa sinabi.
"Pwede ako bukas..wait," aniya sabay dukot sa celpon niya na nasa bulsa niya.
Pinanuod lang siya ng dalaga habang may kinakausap siya sa kabilang linya.
"Thanks,I owe you,man.." nakangiting niyang pagtapos sa kausap niya.
"Pwede na tayong umalis bukas ng hapon," inporma niya rito.
Napamaang ito at hindi na niya napigilan ang sarili na halikan ang bahagyang nakaawang nitong bibig.
"I'm excited to be with you in my birthplace,Cassandra,"masuyo niyang saad rito.
Nginitian siya nito bilang tugon. Masaya siyang inakbayan niya ito at pinagpatuloy muli nila ang paglalakad sa parke hanggang sa marating nila ang kinaroroonan ng ihaw-ihaw ni Aling Lora.
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Werewolf#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration