Hindi umalis sa tabi ni Frances si Cassandra. Agad na sumama siya rito palipad ng america para samahan ito. Walang imik ang kasintahan mula ng makarating sila ng hospital kung saan nakaconfine ang ama nito na kasulukuyan nasa loob ng ICU.
"Mr.Ynico.."
Sabay nila nilingon ang doktor na siyang nakaassign sa ama ng kasintahan.
"Doc.."maiksing tugon ng kasintahan. Agad na pinisil niya ang braso nito ng sulyapan siya nito. Hindi man aminin ng kasintahan alam niyang nag-aaalala ito para sa ama nito kahit na naging malayo ang loob nito sa huli.
Tahimik lang sya nakinig sa mga sinasabi ng doktor. Comatose pa rin ang ama ng kasintahan. Sa biglaan pag-atake sa puso nito nabangga ang minamaneho nito kaya naging isa iyun sa sanhi kung bakit comatose ang ama ng kasintahan. Balot ng benda ang ulo ng huli. Nagkainternal injured ito kaya naman mas naging malala ang kalagayan nito.
" I hate him pero hindi ko minsan hiniling na ranasin niya ito,"wika ng kasintahan habang nakatitig pa rin sa ama mula sa labas ng ICU.Maraming tubo ang nakakabit rito.
Niyakap niya ito mula sa likuran nito. "He needs you now.." usal niya rito habang nakapatong sa balikat nito ang baba niya.
Pinisil nito ang braso niyang nakapulupot sa katawan nito at nanatili iyun roon. Marahas itong bumuga ng hangin. Pumihit ito paharap sa kanya.
"Cassandra.."
Nakangiti na hinaplos niya ang nag-aalala nitong mukha.
"Ayokong magkahiwalay tayo..hindi ba kailangan mo ng bumalik sa mundo niyo? Cassandra,ayokong iwanan mo ako,"napalitan ng pangamba ang nag-aaalala nitong anyo. Marahas itong umiling at mariin na napapikit. " Pero..h-hindi ko pwede agad iwan siya..w-wala titingin sa kanya..kung pwedeng ipagliban muna natin ang pag-alis hanggang sa maging okay siya,"anito na hindi alam kung paano ang gagawin desisyon. Alam niyang nahahati ang kalooban nito para sa kanya at para sa ama nito.
Masuyo niyang nginigtian ang kasintahan. Mahigpit na hawak-hawak nito ang mga kamay niyang nakasapo sa magkabilang pisngi nito.
"Mahalaga ang pamilya kahit na bang naging malayo ang loob mo sa kanya,ama mo pa rin siya. Kailangan ka niya,Frances.."
"P-pero..mahalaga ka rin sakin mas higit pa sa pagpapahalaga ko sa sarili ko,ayokong magkalayo tayong dalawa.."nahihirapan nitong anas.
"Frances,look at me.." aniya habang sapo-sapo pa rin niya ang mukha nito.
Nang tumingin sa kanya ang mga mata nito na puno ng pangamba at hirap sa sitwasyon na kinahaharapan nito ay masuyo niya itong nginitian.
"Hindi tayo magkakalayo,Frances.."
Naguguluhan na napatitig ito sa kanya. "Hindi ako aalis sa tabi..I can stay here with you..kahit habam-buhay pa," nakangiting saad niya.
"W-what do you mean?"
"Nasa aking desisyon kung saan akong magiging masaya dito man sa mundo niyo o sa mundo na pinanggalingan ko..pipiliin kong manatili dito sa mundo mo..para sayo,Frances.."
Isang mariin na halik ang tinugon ng binata sa kanya.
"I don't know what to say but damn,I'm relief!"anito na nakasapo rin ang mga kamay nito sa magkabila niyang pisngi.
"But how about your father? Papayag ba siya na manatili ka rito?"
"I'm his princess at susuportahan nila ako kung ano ang magiging desisyon ko," nakangiti niyang saad.
Muli siyang siniil ng halik ng kasintahan.
Suportado kita,princess!
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Werewolf#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration