Muntik ng mapamura si Frances sa gulat ng makita kung sino ang nakasandal sa gilid ng lockers niya pagkasara. Nangunot ang nuo niya bakit hindi niya ata narinig pumasok ito?
Ngumisi ito sa kanya. "Kamusta?"
Napailing na lang siya saka niya ito sinagot. "Good," aniya. Tss,ang lalaking pinagselosan niya at nagpahiya sa kanya na hindi nito alam.
Tumango ito. "Gusto lang kita ulit iwelcome dito sa BSC,ito tanggapin mo para sayo yan," anito sabay abot sa kanya ng kulay asul na bote na may gintong takip.
"Salamat,Sir.." pagtanggap naman niya roon. Isa sa magandang hakbang upang mapalapit siya sa dalaga ay maging close sa taong malapit rito.
"Espesyal na inumin yan,"saad nito.
Pinagmasdan niya ang hawak na bote. It's look weird parang may kakaiba nga sa bote.
" Pero hindi mo agad maiiinom yan hanggat hindi yan nabubuksan ng taong itinakda sayo,"mahiwaga nitong saad na kinakunot ng nuo niya.
"Ha?"naguguluhan niyang saad.
Tinapik nito ang balikat niya. "Sana hindi mo na patagalin ang pagtanggap mo sa prinsesa," muli nitong saad na lalong nagpalalim sa pagkunot ng nuo niya.
Hindi agad siya nakareak sa sinabi nito ng lingunin niya ito wala na ito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Muli niyang tinitigan ang hawak na bote. Muli nag-echo sa kanya ang sinabi ni Zei.
Hinawakan niya ang gintong takip at gaya ng sinabi ni Zei hindi niya mabuksan iyun gayun hindi naman kailangan gamitan ng pangbukas ang bote. Ginamit niya ang buong lakas para mabuksan iyun pero nakaramdam na siya ng pagkairita ng hindi niya iyun mabuksan.
"What the fuck?!" singhal niya sa bote.
Anong klaseng inumin ba itong binigay sa kanya?
Muli nag-echo sa kanya ang sinabi ni Zei at paulit-ulit iyun. "Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya," bulalas niya na magsink in na sa utak niya na mahiwaga talaga ang bote.
Binitbit na lang niya iyun palabas roon. Gusto man niya iyun itapon pero hindi niya magagawa dahil mula sa taong malapit sa dalaga ang nagbigay niyun. Ayaw niyang madismaya sa kanya na kahit sino na nakakakilala rito.
"Kaninong galing yan?"agad na bungad ng Uncle Toni niya ng puntahan niya ito sa opisina nito para magpaalam.
"Kay Zei," sagot niya.
"Talaga? Madaya yun ah,ni minsan hindi ako nabigyan ng kahit ano mula sa kanya ah!" reklamo nito.
Natawa siya sa pagrereklamo nito.
"Tikman natin yan!" anito.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko mabuksan,"tugon niya agad.
"Ha? Sandali,may pambukas ako rito,"untag nito na agad tinungo ang maliit na kusina sa opisina nito.
"Akina," anito pagkabalik. Agad naman niya ibinigay rito ang bote.
Pero nakailang subok na ang uncle niya hindi pa rin iyun nabuksan. Pinagkibitan niya ng balikat ito ng tumingin sa kanya na tila hindi makapaniwalang hindi iyun mabuksan. Pinagpapawisan na rin ito gayun malakas ang aircon sa loob ng opisina.
"Ano bang klaseng bote 'to? Langya,Zei yun,magbibigay lang pahirapan pa,kasingweird na hindi siya tumatanda ang boteng 'to,"litanya ng Uncle Toni niya ng hindi na nito buksan ang bote.
"Matanda na po ba siya?"biglang kuryuso niyang tanong kasi sa itsura ni Zei mukhang magkasing-edad lang sila pero may pamilya na raw ito.
Nag-isip ito na tila kinakalkula sa utak nito ang edad ni Zei.
"Alam ko magkasing-edad kami o baka matanda pa nga siya sakin,nasa 50's na yun!" sagot nito.
Tumango siya batang tingnan kaysa sa tunay na edad nito marahil masaya ito sa pamilya na meron ito o pamumuhay kaya ganun.
"Patikimin mo ko niyan kapag nabuksan mo na,naubos lakas ko dyan," untag nito sa kanya.
Natawa siya sa sinabi nito.
Muli niyang tinitigan ang bote saka napailing na lang.
"Kamusta ang unang araw mo rito?"untag sa kanya ng Uncle Toni njya pagkaraan.
Napangisi siya. "Mas maeenjoy ko ang pagbabakasyon ko rito,Uncle Toni,masaya ako na makapagturo sa mga bata,"sinsero niyang sabi rito.
Napangiti naman ang Uncle Toni niya.
"Hmm,akala ko naman sasabihin mo ,inspired ka ngayo kasi araw-araw mo na makikita love one mo,"may panunudyo nitong sabi na kinatawa niya.
"Isa na rin sa dahilan yun at dahil iyun sayo,Uncle Toni. Mabuti na lamang naalala kita kaya dito ko gusto magbakasyon,"matapat niyang sabi rito.
Inabot nito ang balikat niya at bahagyang pinisil siya roon.
"Salamat,pamangkin. Na-touch ako dun!"
Napapailing na natawa siya sa reaksyon nito. Marahil dito na rin niya namana ang pagiging kwela na minsan hindi niya magawa sa kinagisnan niyang lugar.
"Sana pala noh,may chicks ka din para sakin!"sabi nito.
Ngumisi siya rito. "Marami ako kilala sa amerika,gusto mo ba?"
Umakto itong nag-iisip. "Pinay pa din gusto ko,maalaga saka mapagmahal!"anito sabay kindat sa kanya.
Mabuti na lamang ganun ang kakilala niyang iyun na babagay sa Uncle Toni niya.
"O siya,sabay na tayo umuwi.."untag sa kanya nito. Nililigpit na nito ang mga gamit na nasa ibabaw ng desk nito.
Hinintay niya ito hanggang matapos at sabay nila nilisan ang lugar na iyun.
"Ingat sa pagdrayb ah,"paalala nito bago nito tinungo ang sarili nitong sasakyan.
"Kayo din po,Uncle Toni. Mamahalin pa po kayo ng right girl niyo!"
Tumawa ito ng makasakay na ito sa likod na manobela.
"Oo naman noh! Gusto ko pa magkaanak!"
Sabay sila natawa at sumaludo siya rito ng pausadin na nito ang kotse at nauna na umalis.
May ngiti sa mga labi niya na sumakay na rin siya sa kotse.
Sinulyapan niya ang bote na bigay ni Zei na nakapatong sa passenger seat.
"Mabubuksan din kita,"saad niya qt binuhay na ang makina ng sasakyan.
Totoong masaya siya at makasama ang mga tao na alam niyang may pake sa kanya. Ang Uncle Toni niya...si Cassandra.
Kahit na medyo ilag ito sa kanya o wala man siya epekto rito alam niyang kaibigan na rin ang turing nito sa kanya.
Pero hindi naman kaibigan lang ang gusto ni Ynico.
Napangisi siya habang nasa daanan na.
"Bagay naman kami. Maganda siya at gwapo ako..damn! Bagay na bagay kami!"
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Manusia Serigala#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration