Chapter 2

4.6K 173 10
                                    

Hindi pa man umaabot sa pangatlong round napatumba na ni Frances Ynico ang kalaban niyang amerikano sa Mix-Martial Arts. Naghiyawan ang mga tagasuporta niya sa buong paligid ng ihirang siyang muling kampyon sa taon iyun.

Pawisan at pagod na pinilit niyang ngitian ang mga tagasuporta kahit hindi naman niya gawain na ngumiti ng walang dahilan para sa kanya sanay na siya na nananalo at hindi na bago yun sa kanya. Ginagawa lang niya ang karera niyang ito dahiL iyun ang gusto ng kanyang ama na siyang nakikinabang sa napapalunan niya although na hati sila pero siya ang naghihirap at halos mabalian ng buto pero ganun ang hatian ng kita. Shit! Kung hindi lang niya nirerespeto ang ama na siya dating isang Martial Arts Artist nunca na sundin niya ang yapak nito pero dahil kilala ang ama ng lahat kailangan niya maging maingay din dahil dala niya ang apelyido ng ama.

Tsk,maniwala man ang ama o hindi mas iniidolo niya ang hall of famer champion martial Arts artist na si Russel Emilio.

Yeah,Russel Emilio is one of a hell championship in the whole world!

"Congrats! Paniguradong tuwang-tuwa na naman ang daddy mo," salubong sa kanya ng trainor niyang si Melchor at inabutan siya nito ng isang boteng tubig.

May ilang tagamedia ang gusto lumapit sa kanya pero agad naman hinarangan ng mga kasamahan nila sa team niya at iyun ang isa sa kondisyon niya sa ama na hindi siya haharap sa mga ito. Para saan pa? Ayaw niyang ipagyabang ang bawat panalo niya dahiL para sa kanya isa lang yun responsiblidad bilang anak ng dating Martial Arts artist.

Tinapon niya ang naubos na tubig sa nadaanang trash can habang sinusundan pa rin sila ng mga tagamedia.

Gusto na niyang magpahinga. At nasasabik na siyang magrelax ulit bago siya ulit bigyan ng panibagong laban ng kanyang ama. Ibinibigay ng ama ang bakasyon na yun sa kahit saan lugar na gusto niyang magpunta para magrelax pagkatapos ng ilang buwan na pag-eesanyo.

Inayos niya ang pagkakabuhol ng kulay asul na roba niya habang tinutungo ang silid na inuukopahan niya.

"Anong oras ang flight ko pa-Pilipinas?" pagtatanong niya kay Melchor.

"Bukas ng alas sais ng umaga,nakahanda na ang tutuluyan mo dun,"agad na sagot nito.

Tumango siya. "Gusto ko ng umuwi,"bored niyang saad.

"Sige,tatawagan ko na ang driver mo," agad nitong talima.

Nang makapasok sa silid na pinagamit sa kanya ay agad na umupo siya at ipinikit ang mga mata.

Damn shit! Sumasakit na ang kalamnam niya sa buong katawan!

This is so fuvking hellish feeling again!

Sanay na siya roon pero may pagkakataon kasi na ayaw makisama ng isip niya sa katawan kaya damang-dama niya sakit.

"Damn,I hate my life," nakapikit niyang bulalas.

Wala naman siyang choice dahiL sa respeto niya sa ama. Hindi rin naman niya gusto na suwayin ito dahil ang ama na lamang niya ang kasama niya sa buhay. Naging sunod-sunuran siya dito hanggang pati ang buhay niya ang planado na nito.

Wala siyang sariling plano sa buhay. He love his father pero...makasarili ito. Wala itong ibang iniisip kundi ang makilala siya sa buong mundo na hindi nito nagawa noon.

Pero mahirap sa kanya. Mahirap ang isang bagay na alam mong hindi para sa kanya pero kinailangan niyang gustuhin para sa ikakasiya ng kanyang ama.

Pero paano siya? Kailan siya magiging malaya na magkaroon ng desisyon sa buhay at magplano para sa sarili niya?

Ganun siya kabait na anak sa kanyang ama.

"Nakahanda na ang sasakyan,Frances"pukaw sa kanya ni Melchor.

Idinilat niya ang mga mata at patamad na tumayo para lisanin na ang silid na yun.

Pagkarating ng bahay nila agad na dumeretso siya sa banyo habang bumubuhos ang tubig mula sa dutsa ng shower nakalapat ang kaniyang mga palad sa puting pader.

Ang tamang init ng tubig na bumubuhos sa buo niyang katawan ang siyang nagpaparelax sa nananakit niyang mga kalamnan.

Tangin ang warm water lang ang nagbibigay sa kanya ng comfort pagkatapos ng laban niya.

Ni minsan mula ng isabak siya sa karerang iyun ni hindi man lang siya kinamusta ng ama pagkatapos ng mga laban niya.

Ang tanging inaalala lamang nito ay ang kinita niya sa laban. Ang ipagyabang siya sa mga kakilala nito bukod doon hindi man lang naisip nito kung ano na ang lagay niya.

Itiningala niya ang mukha sa tapat ng shower.

Sana isang araw matanto ng ama na kailangan din niya ng pag-aalala mula rito.

Nang matapos siya. Inayos na niya ang mga gamit niya sa isang maleta na dadalhin niya papuntang pilipinas. Excited na siyang magbakasyon roon. Excited na rin siyang makita ang pinsan ng kanyang ina na si Uncle Toni.

Ang sabi nito ng huli niya itong nakausap ay may pinapatakbo itong negosyo isang sports club. Ayon rito nasa malayong lugar raw ang totoong may-ari niyun kaya ito na muna ang nagmanage niyun.

Malaki ang tiwala ng amo nito sa Uncle Toni niya.  Mabuti pa ang Uncle Toni niya may isang amo na pinagkakatiwalaan nito at naniniwala sa kakayahan nito.

Sana...ganun ang kanyang ama.

Dinampot niya ang passport niya na nakapatong sa ibabang sidetable niya.

Nakaipit na rin roon ang plane ticket niya.

Sa oras na makatuntong siya ng pilipinas hindi na muna niya iisipin kung anong klaseng buhay ang meron siya sa lugar na ito. Sa pilipinas sisiguruduhin niya na magiging malaya siya roon. Walang pipigil sa kanya sa kahit anong gusto niyang gawin. Ang pagpapakalayo niya sa lugar na kinagisnan niya ay iyun lamang ang pagkakataon na nagiging malaya siya.

Pinatay na niya ang ilaw at nilapat na ang nanakit na katawan sa malapad at malambot na kama niya. Sa silid niyang ito bago matulog saka lamang siya nagkakaroon ng kalayaan na mamahinga.

Darating din ang araw na ititigil na niya ang pinasok niyang karera. Sapat na siguro ng mga oras na yun na binigyan niya ang ama sa kagustuhan nito at gagawin naman niya ang gusto niya para sa sarili niya.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon