Chapter 11

3.9K 148 3
                                    

Panay ang ngiti niya habang hinihintay ang Uncle Toni niya sa isang coffee shop sa labas lang ng BSC. Hindi niya makakalimutan ang nangyari kahapon ng magmatch sila ni Cassandra.

Damn! She's one of a hell woman in the whole world!

Isa pa na masyado siyang nadala ng damdamin niya kahapon kaya lakas-loob na nagsabi siya rito ng in love siya rito!

"Sino nagpapangiti sa pamangkin ko ha?" pagsulpot ng uncle Toni niya sa harapan niya. Masyado ata siyang nawala sa sarili sa kakaisip sa dalaga kaya hindi niya namalayan na dumating na ito.

Ganun kalaki ang epekto ng dalaga sa kanya. Tila nagkakaroon siya ng isa pang mundo na si Cassandra lamang ang kasama niya.

"Hulaan ko,babae yan..at malamang ang anak ng boss ko yan?" dere-deretso nitong saad na lalo kinangiti niya. Napailing naman ang uncle Toni niya.

"Ayos lang na magustuhan mo siya pero sinasabi ko sayo iba ang babae dito kaysa sa America kaya kung fling lang ang kailangan mo pwede kita ihanap," bigla pagiging protektado nito sa dalaga.

Napasimangot siya sa ibig nitong sabihin at naiintindihan naman niya iyun. Lumaki nga naman siya sa lugar na ang mga babae ay liberated.Sumeryuso siya sa sinabi nito. Nakikita niyang hindi siya hahayaan ng uncle Toni niya na masaktan ang anak ng boss nito sakali man na may mamagitan sa kanila ng dalaga.

At paano ka naman nakakatiyak roon,Ynico? May mamagitan?

"Don't worry,Uncle Toni..hindi fling ang intensyon ko sa kanya," aniya sabay buntong-hininga. Hindi na siya mahihiyang magsabi rito ng totoo kung gusto niya makuha ang tiwala nito."Na-love at first sight ako sa kanya..remember na pinakilala mo kami? Nagkita na kaming dalawa ng gabing nagpasundo ako sayo dahiL naligaw ako at doon ko nakita si Cassandra sa isang pangyayari na hindi ko makakalimutan,she's so damn amazing woman,Uncle..that's why I fall in love with her,"seryoso niyang saad na may pagkamangha ng maalala muli ang nasaksihan niyang iyun.

"Siguruduhin mo lang,pamangkin ..kung hindi ako ang makakalaban mo para ko ng anak si Cassandra," matiim na turan at may himig na pagbabanta anang ng Uncle Toni niya.

"Ayokong madeport,uncle kapag nangyari yun baka hindi ko na siya makita kahit kailan," aniya na may ngisi na sa mga labi niya.

Napangisi na rin ang Uncle Toni niya. "Sige,usapan lalaki yan..nga pala anong importanteng sasabihin mo?"paalala nito sa kanya lung bakit nakipagkita siya rito.

"Gusto ko magturo sa BSC..payag ako kahit walang bayad,"agad na sagot niya rito.

"Bilyon ang napapanaluhan tuwing nanalo ka kaya libre ka lang talaga," tugon nito na kinatawa niya.

"Payag kayo?"

"Sige,iinporma ko muna si Cass,siya pa din ang boss ko," anito.

Tumango siya.

"Siguruduhin mong pagtuturo ang gagawin mo ha,baka binabantayan mo lang si Cass?"panghuhuli nito sa kanya. May duda sa gusto niyang mangyari.

Natawa siya. "May umaaligid ba sa kanya?"

"Marami,maganda si Cass at talented pa kaya marami nagtatangka manligaw sa kanya ," tugon ng uncle Toni niya na kinasimangot niya.

Hindi naman posible yun pero madamot siya.

"Kung ganun,wala ng makakalapit sa kanya..I'm here now," aniya.

Napailing ang uncle niya. "Huwag masyadong pasaway ha," anito.

"Don't worry,uncle..hindi ako makikipagbasag-ulo sa magtatangka lumapit sa kanya,gusto ko magustuhan niya ko ng walang problema," aniya.

"Ayos yan,susuportahan kita.."

Napangiti siya sa sagot nito.

"Thank you,uncle,sana nga ikaw na lang naging ama ko,"mapait niyang saad ng maalala ang sariling ama.

Napabuga ng hininga ang uncle Toni niya.

"Habang nandito ka,ama mo ko at anak kita na pamangkin pa,kaya huwag ka ng magdrama dyan,ipagdasal mo na pumayag si Cass na magdagdag ng bagong trainor sa BSC," anito.

"Supporter naman kita kaya mapapayag mo siya,Papa," nakangisi niyang saad rito.

"Putsa,nakakakilabot pala tawagin mo akong papa!"hilakbot nitong turan.

Natawa siya sa tinuran nito.

"Kapag naging kami ihahanap kita ng mapapangasawa mo,Uncle,"nakangisi niyang sabi rito.

Napailing na lang ito sabay tawag sa waiter.

Naiexcite na siyang makasama at makilala pa ng mas mabuti ang dalaga at araw-araw na niya ito makikita.

Napangiti siyang muli sa kawalan na mistulang nagdi-daydream siya sa katapatan ng init ng tanghali.

Isang pitik ang pumukaw sa kanya. Ang Uncle Toni niya. Natawa siya ng mahina ng makita ang paglukot ng ilong nito.

"Huwag ko lang malaman na baka iba na yan iniisip mo sa Boss ko ha! Umayos ka,Frances Ynico!"babala nito sa kanya.

Muli siyang natawa sa sinabi nito.

"Kayo lang malisyoso,Uncle Toni. Wala naman akong iniisip ng ganyan,hindi niyo ba nakikita nagniningning ang mga mata ko dahil in love?"aniya sabay ngisi niya rito.

Napailing-iling naman ito sa kanya.

"Mabuti na lang namana mo sa iyong ina yang ugali mo na yan kaysa dun sa tatay mong kano na masyadong perfectionist,"sabi nito na sinabayan muli ng pag-iling.

Isang malungkot na ngiti na yun ang nakaguhit sa mga labi niya. Bumuga siya ng hininga.

Hindi rin naman niya gugustuhin na mamana niya sa ama ang ugali nito. Kung magkakaanak man siya sisiguruduhin niyang ibibigay niya ang kalayaan nito kung ano man ang gusto nito sa buhay.

Napangisi siya sa naisip na yun.

Sino ang ina,Ynico?

Lalo siyang napangisi ng maalala ang magandang mukha ni Cassandra. Ang kulay bughaw nitong mga mata.

Sana mamana ng kanilang magiging anak ang mga mata nito!

Talagang pinanindigan ah!

Isang mahinang tawa ang kumawala muli sa kanya.

"In love talaga ang pamangkin ko,sana all,"komento ng Uncle Toni niya.

Muli siyang natawa sa nakitang hopeless ng Uncle Toni niya. Binata pa rin ito mapasa-hanggan ngayon. Nagkakaroon naman daw ito ng ka-date o karelasyon pero hindi nagtatagal dahil na rin sa abala ito sa trabaho at marahil hindi pa raw nito natatagpuan ang babae na makakasama nito habam-buhay.

Bigla siyang may naalala isang tao sa isip niya. Malapit iyun sa kanya at...tulad ng Uncle Toni niya at single din ito.

Hmm..para naman pareho sila may love life. Sana makasunod na sa kanya ang taong iyun sa kanya dito sa pilipinas.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon