Ganito pala pakiramdam kapag kasama mo si mate!
Dinampot niya ang isang basong tubig at uminom roon. Hindi talaga magandang ideya na pumayag siya na sumama ito sa kanya sa pribadong silid niya kung saan siya nag-aarcher.
Hayaan mo na,prinsesa!
Hindi maganda ang pakiramdam ko!
He-he..yun lang,in heat is real!
Nasaid niya ang isang basong tubig. Nag-iinit talaga ang katawan niya.
"Ayos ka lang ba?" pukaw sa kanya ni Frances. May mababanaag na pag-aalala sa gwapo nitong mukha.
Tumikhim siya at kinalma ang sarili.
"Ayos lang,"tugon niya rito na hindi makatingin ng deretso sa mga mata nito.
"Mahirap bang mag-Archer? I want to try," anito na kinatitig niya rito.
Bakas sa gwapong mukha nito na gusto nitong subukan ang pag-Aarcher. Interesadong-interesado na matutunan iyun at nasisiyahan siya roon.
Palihim siyang humigit ng hangin.
Water,please!
Tumikhim siyang muli bago niya ito tinugon.
"Depende kung determinado kang matuto..at talagang gusto mong matutunan,"kalmante niyang sagot.
Ngumiti ang binata at tumango na kinaawang ng mga labi niya. Lalo lang siya nag-init sa ngiti nito. Naikuyom niya ang mga palad.
" I..rest room lang ako"mabilis na paalam niya.
Naghilamos siya ng makapasok siya sa rest room.
Namumula ang magkabila niyang pisngi! Mariin siya napapikit ng mga mata.
"Hindi dapat kami magkasama..siguradong palaging ganito ang mararamdaman ko," kausap niya sa sarili sa harap ng salamin.
Iiwasan mo siya?!
That's a good choice,wolf!
Pero mate natin siya..sa tingin mo kahit hindi natin siya kasama hindi tayo makakaramdam ng ganito? Di ba nga nagsimula yan ng makita natin siya?!
Nakagat niya ang pang-ibaba labi ng matanto iyun.
Ilang katok ang pumukaw sa kanya.
"Cassandra,you okay?"may pag-aalala na mahihimigan sa boses nito.
Agad na nagrigodon na naman ang lahat sa kanya ng marinig ang boses ng binata.
Marahas siyang humugot ng hininga.
"Lalabas na ko," tugon niya.
Tila nakahinga ito ng maluwag ng lumabas siya mula sa loob ng rest room.
"Sorry kung pinuntahan kita,you look bothered and tense?" may pag-aaalala nitong bungad sa kanya.
Ohh,he feel it! Nag-iinit din kaya siya?!
"Uh,ayos lang .." aniya.
Pinakatitigan siya ng binata muna bago ito tumango.
Nang makalabas siya. Kalmante lamang siya na pinaliwanag niya rito ang mga kagamitan sa pag-aarcher. He's so attentive sa lahat ng sinasabi niya at unti-unti nasisiyahan na siya na makausap ito.
Aww,close na kayo niyan paglabas niyo rito,mahal na prinsesa.
Pero..bago sa kanya ang pakiramdam na ito kaya kailangan muna niya ng oras bago niyang hayaan na mapalapit sila sa isa't-isa ng binata.
Ramdam niya ang pagtataka ni Frances sa pakikitungo niya rito. Iniiwasan talaga niya na magkalapit sila kaya malayo ang distansya niya rito. Mabuti na lang hindi ganun kainsensitive ang binata dahil tahimik lang ito nakamasid sa kanya.
Hmm..saklap naman ng ganitong pakiramdam..nakakadismaya!
Napailing na lang siya at mabilis na tinungo niya ang practice room niya sa pangalawang palapag. Doon naging payapa naman siya mula ng mahawakan niya ang kanyang archer na minana niya pa sa kanyang ina.
"Ang sama ko ba?" kausap niya sa sarili ng dumaplis ang isang palaso niya.
Hindi naman..di ba nga huwag agad bibigay basta-basta? Reyna Darlene's golden rule!
Marahas siyang bumuga ng hangin at saka pinukos na muli niya ang atensyon sa pag-eensanyo.
Siguro naman totoo ang sinabi ng binata sa nararamdaman nito para sa kanya?
Kahit pakitunguhan niya ito gaya ng pinapakita niya ngayon ay hindi basta-basta na lang mawawala iyun.
Kung seryoso ito na siya ay para rito lamang. Iyun ang pinanghahawakan niya habang hinihintay niya ang tamang oras na mapalapit siya rito.
Kung totoo din siya sayo kaya niya magtyaga at maghintay sayo,mahal na prinsesa.
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Werewolf#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration