Chapter 14

3.8K 164 9
                                    

Hindi mapakali at pabalik-balik siya sa banyo para maligo at ilang beses na niyang ginawa yun pero hindi maibsan ang kakaibang init na yun.

Natitigilan siya sa tuwing pumapasok sa isip niya ang imahe ni Frances at lalo lang siya nag-iinit.

Ano ba 'to?

Marahas siyang napabuga ng hangin. Kailangan niyang makausap muli si Valerie. Wala siyang ideya kung ano ba talaga ang nararamdaman nila ng wolf niya. Hindi kasi siya sigurado sa tinutukoy ni Valerie.

"You're in heat,my princess," pagsagot ni Valerie.

"Nangyayari yan sa oras na matagpuan mo na ang mate mo,"mapanudyo ang ngiti nitong saad.

Naging mas malinaw na rin sa kanya ang huling sinabi nito.

Hindi siya nakaimik.

Kaya naman pala mas lalo tayo nag-iinit kapag naiisip natin siya!!!

" Si Frances lang ang makakapunan ng nararamdaman niyo,mahal na prinsesa,"muling saad nito na mapanudyo sa boses nito.

Nakagat niya ang pang-ibaba labi.

Pero saan nga ba sila hahantong ng lalaking itinakda sa kanya? Madali lang ba siya nito o nila ng kanyang wolf na tanggapin nito?

Sa anyong lobo niyang kulay asul tinahak nila ang gitna ng kagubatan pagkatapos nilang puntahan si Valerie at dumeretso sila ng wolf niya sa kagubatan kung saan mabilis sila makakabalik sa condo niya.

Pero natagalan sila roon at nang marating nila ang bukana agad na nagbalik siya sa anyong tao niya at kinuha ang isang backpack na sinabit niya sa isang puno na may laman na damit niya.

Pabagsak na humiga siya sa kanyang kama. Mag-uumaga na,nalibang pa kasi sila ng lobo niya na maglibot-libot sa kagubatan kaya naman natagalan bago pa sila nagpasyang umuwi na.

Mainit pa rin ang pakiramdam niya. Isa ba itong sumpa sa kanila mga lobo? Ganito din ba ang pinagdaanan ng kanyang ama ng matagpuan nito ang kanyang ina?

Marahas siyang napabuntong-hininga at hindi niya namalayan napapikit na pala siya.

Hapon na ng magising siya. Hindi na siya nakapunta sa BSC at buti na lang may bagong trainor na hahalili sa kanya ang lalaking itinakda sa kanya. Ngayon lang nangyari ito sa kanya at dahil iyun sa lalaking iyun.

Bigla siyang napahinto sa pagsalin ng tubig sa baso niya ng biglang umingay ang doorbell niya.

Agad na gumalabog ang dibdib niya.

Sana siya!!!

Napailing na lang siya. Stop assuming,wolf..sawata niya rito.

Pero nagdiwang ang wolf niya ng masilayan ang lalaking itinakda sa kanya.

"Hi," bungad bati nito at matiim na nakatitig sa kanya.

Agad na hinamig niya ang sarili. "Ikaw pala," casual niyang saad.

Papasukin mo siya,bilis!

"Pasok ka," aniya.

Huli na para pagsisihan niya ang ginawa niyang iyun. Agad-agad? Nasaan yung sinasabi niyang 'Huwag agad bibigay?'

Eh,ngayon lang saka sayang naman ang effort niya na puntahan tayo!

Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng single sofa na katapat ng inuupuan nito sa mahabang sofa.

"Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo rito?" casual lang ulit niyang saad.

"Ahm,Oo..hindi ka kasi nakapasok kanina sabi ni Uncle Toni, ito ang unang beses na hindi ka nakapunta sa BGC ," matiim ang titig nito sa kanya habang binabanggit nito ang mga salitang iyun.

"And I'm worried that's why I came here to check you out if you are okay," deretsahan nitong saad. Puno ng kasensiridad.

Aww,so sweet...

"I'm okay,may pinuntahan kasi ko at umaga na kong nakauwi," pagdadahilan niya.

"Saan naman?"kuryuso nitong pagtatanong.

Hindi sya kaagad nakasagot. Nakikita niya na kuryuso ito kung saan nga ba siya nagpunta.

"Sa..isang kaibigan," nanantiyang sagot niya rito.

Tumango ito na matiim pa rin nakatingin sa kanya.

"Basta hindi mula sa isang date
..you are mine,Cassandra,"saad nito na tila bang aware ito sa sinasabi nito

Oh,that's so possessive!

Tumikhim siya at humalukipkip. "Wala akong oras sa bagay na yan,Frances.."

Tumango ito na seryoso ang mukha. Tila nagustuhan naman nito ang sinabi niyang iyun.

Nagtama ang mga mata nila at namagitan ang katahimikan sa paligid nila. Tanging ang paghinga at pagtibok ng puso nila ang nauulinigan niya.

"May sasabihin ka pa?"untag niya rito pagkaraan.

Napakamot ito sa batok na tila ba saka lamang ito napahiya sa sinabi nito kanina.

Aww,look! He's so cute,mahal na prinsesa!

Agad na pinigilan niya ang nagbabantang ngiti sa mga labi niya.

"Uh,wala na. Ahm,gusto lang kita makita kung okay ka lang..and I'm glad you're okay,"anito saka tumayo na mula sa pagkakaupo nito.

Tumango-tango siya.

"Salamat,Frances.."

Ngumiti itong muli. "Walang anuman,basta ikaw!"

Hindi na niya napigilan pa ang mapangiti na saglit na kinatigil ng binata pero agad din ito nakabawi at mas lalo pang nilakihan ang pagkakangiti nito.

Grabe,nakakahawa yung ngiti niya eh!

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon