Chapter 9

3.9K 141 2
                                    

Manghang-mangha si Frances habang pinapanuod niya ang pagtuturo ni Cassandra sa mga bata na gustong matuto ng martial arts. She's a good trainor of them. Detilyado ang bawat galaw nito na mabilis naman naaadopt ng mga bata na nasa kinse ang bilang at nakapalibot ang mga ito pabilog kung saan nagdidemonstrate ang dalaga kasama ang isang trainee na kasulukuyan tinuturuan ng dalaga na nasa gitnang bahagi.

She's so amazing woman!

Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti. Namamangha talaga siya sa dalaga. Hindi lang yun. Ang sexy nitong tingnan sa suot nitong puting uniporme ng pagmamartial art.

"Kuya MMA!!!" bigla saad ng isang batang lalaki sa kanya. Sabay-sabay na naglingunan ang lahat sa kanya kabilang ang dalaga. Agad na gumalabog ang dibdib niya ng magtama ang mga mata nila ng dalaga.

"Kuya MMA! Dito ka po! Di po ba sabi niyo kagabi ipapakita niyo samin kung paano kayo lumaban?!" naalala ng tumawag sa kanya. Pinakilala siya ng uncle niya sa mga ito ng nakaraan gabi.

"Idol po kita! Napanuod ko po sa YouTube yung mga laban niyo,kuya idol! Ang galing niyo po! Lagi kayo panalo!" sambulat ng isa pa na katabi ng naunang nagsalita.

Napamura siya ng maalala yun. Alanganin siya napangiti sa mga ito na bakas ang excitement sa mga mukha ng mga ito.

"Si Ate Cass! Pwede po kayo maglaban,sige na po!" anang muli nito. Napatingin siya sa dalaga. Nakatitig lang ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan.

"Oo nga po! Ate Cass pwede po ba kayong magmatch ni Kuya MMA?!"baling ng lahat sa dalaga.

Nagkorus na ang lahat na gusto ng mga ito na magmatch sila ng dalaga.

Kinakabahan siya na hinintay niya ang magiging sagot ng dalaga.

Damn it! Bakit ba siya kinakabahan?!

Patuloy pa rin sa pangungumbinse ang mga bata sa dalaga.

"Walang problema.."maya-maya sagot nito. Bigla siyang nakahinga ng maluwag. Damn! Paano pa kaya kung ligawan niya ito? Baka hindi na siya tuluyan makahinga sa kaba sa magiging tugon nito.

Napukaw siya ng hilahin siya ng batang lalaki at dalhin sa gitnang bahagi kung saan nakamata lang sa kanila ang dalaga.

Tuwang-tuwa ang mga bata ng magkaharap sila.

"Uyy! Bagay sila!!!" bigla panunukso ng isang babae. Agad naman sumang-ayon ang lahat para makaramdam siya ng pagkaasiwa.

"So?" untag sa kanya ng dalaga.

Tumikhim siya at relax lang siya tumindig. "I'm good with your moves," aniya na tinutukoy ay ang nakasanayan nito sa pagmamartial arts.

"Try me with your moves,then," kalmante nitong saad na kinaawang ng bibig niya.

"Uh,are you sure?" alanganin niyang saad. MMA yun! Kailangan nila magbuno at damn! Kailangan niyang mapadikit sa dalaga!

Ngumisi ito na kinamangha niya. She look so confident!

"Yun ang request ng mga bata,right?"may himig na panghahamon nitong saad.

Napalunok siya. Tila pinanunuyuan na siya ng laway sa lalamunan.

Ano kaya pakiramdam kapag nagdikit na sila ng dalaga?

Damn it! Bakit ba biglang uminit ang pakiramdam niya?!

Don't you dare to go there,self!

"Change your cloth,first," anito tinutukoy na magpalit siya ng martial arts uniform gaya ng suot nito upang mas komportable gumalaw.

Agad na tumalima siya. Kinakabahan na naeexcite siya,damn it! Ito ang unang pagkakataon na babae ang makakamatch niya!

Ang mahirap pa dun may something siya sa dalaga!

Dayum!

Something,France? For real? In short may pagnanasa ka sa kanya!

Nope, na love at first sight ka sa kanya!

Panay ang hugot niya ng hininga habang nagpapalit ng damit.

"Shit! Sana makapokus ako kung hindi ito ang unang pagkakataon na matatalo ako," kausap niya sa sarili. Nay nginig ang mag daliri. Marahil sabay-sabay na pagdagsa ng emosyon. Exciting at nervous.

Huminga muna siya ng paulit-ulit bago siyang tuluyan lumabas ng silid na iyun.

Mabagal ang bawat hakbang niya habang tinutungo ang kinaroroonan ng lahat.

Agad na nagsilingunan ang mga bata sa kanya kaya mas lalo tumindi ang kaba niya.

Shit,relax,Ynico!

Gusto mo bang mapahiya kay Cassandra?!

No way!

Alanganin na ngumiti siya sa dalaga na nakamata lang sa kanya. Humagod ang mga mata nito na kulay bughaw.

"You look cool on it,"saad nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pamuri ng dalaga. Hell,hindi niya inaasahan yun ah!

Gusto tuloy niyang kumaripas ng takbo ng maramdaman ang pag-iinit ng mukha niya.

Fuck,is he blushing?!

Upang iiwas ang mukha niya sa dalaga na mariin na nakatitig pa rin sa kanya. Humarap siya sa mga bata na naghihintay sa match nila ng dalaga.

"Panuorin niyo kami ni Ate Cass niyo at habang nanunuod kayo tandaan niyo ng mabuti ang gagawin namin bawat atake sa isa't-isa, okay ba yun,mga bata?"

Sabay-sabay agad na nagsisagutan ang mga ito sa kanya. Nang maramdaman niya na maayos na muli ang pakiramdam niya saka niya hinarap muli ang dalaga na nakahalukipkip na nakatitig sa kanya. May kislap sa mga mata nito ng pagkamangha.

Oh no,not again,Ynico!

Agad na sigaw niya sa isip na baka magblush na naman siya!

"Sigurado kang ayos ka sa gagawin kong atake?"paniniyak niya sa dalaga.

Nagkibit ito na balikat. "We're both professional,why not?"cool lang nito saad.

Hindi niya mawari pero nasiyahan siya sa sinabi ng dalaga. Iyun ang gustong-gusto niya.

Palaban!

"Alright,it is going to be hard for me but i know you can avoid my attack,right?"may pag-aalala niyang sabi rito.

"Hindi exciting kung wala masasaktan sayin,Frances.."

Napaawang ang mga labi niya. Hindi makapaniwalang hinahamon siya nito.

Humugot muna siya ng hininga.

"Okay,kokontrolin ko na lang ang mga atake ko sayo,"saad niya na may kaba pa rin siya na baka masaktan niya ito.

Nagkibit ito ng balikat na tila ayos na din rito ang gusto niyang mangyari.

Tumango-tango siya.

Pumuwesto na sila ng dalaga sa gitna. Napapalibutan sila ng mga bata habang nakaupo ang mga ito.

Napakaganda talaga nito lalo na kapag tinititigan ng malapitan!

Umayos ka,Ynico!

Be ready and be gentleman,okay!

Babae yang kalaban mo,isang napakagandang babae na hindi dapat sinasaktan!

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon