Chapter 12

4K 154 9
                                    

Isa sa hakbang ay makilala ang lalaking itinakda sa kanya kaya pumayag siya na maging trainor ang isang Frances Ynico sa BSC na walang bayad. Isa yun sa puntos,humble ang lalaki.

Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita ang binata papasok sa BSC. Ngayon araw niyng ipapaalam sa mga istudyante niya ang bagong trainor ng mga ito.

Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng pakiramdam niya.

Ice,please! anang ng wolf niya.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago siyang tuluyan pumasok na rin sa loob.

Nadatnan niyang pinagguguluhan na ng mga bata ang binata. Masaya naman nakikipag-usap ang binata sa mga istudyante niya.

Iyun ang isa sa hinahangaan niya sa lalaki. Malapit ito sa mga bata.

"Bagay kayo ni Ate Cass! " kinikilig na saad ng isang batang babaeng istudyante niya.

Nanatili siyang nakakubli sa gilid ng bukana ng pintuan.

Nakita niya ang pagngisi ng binata at sumikdo ang puso niya sa tinuran nito.

"Talaga? Bagay kami?"nay ngisi nitong turan.

Tila baga gusto nito ang panunudyo ng batang babae.

"Opo! Gwapo kayo tapos maganda si Ate Cass!"

Agad na pinigilan niya na mapangiti.

Kinikilig tayo,Prinsesa!

Nakipag-fist bump ang binata sa batang babae.

"I like you," anito sa batang babae na halatadong kinilig naman.

"Ate Cass!!!"

Agad na tumindig siya ng mapansin na siya ng mga bata. Pormal ang anyo niya na lumapit sa mga ito.

"Magandang umaga," pagbati sa kanya ng binata.

"Magandang umaga,Frances," casual niyang saad.

Napangiti ang binata na tila may nagustuhan ito mula sa kanya.

Tumikhim siya bago niya hinarap ang mga istudyante niya.

"Guys,magiging bago niyong trainor si Kuya Frances,kaya iwelcome niyo siya," aniya sabay ngisi sa binata na kinamaang nito.

Ang pagkamaang nito ay naging kuryuso ng makitang pinalibutan ito ng mga bata.

"Welcome po,Kuya Frances!"

Sabay-sabay na sinugod ng labing-anim na bata ang binata kaya nabuwal ito sa pagkakatayo ng sabay lahat na yakapin ito.

Hindi niya napigilan matawa ng makitang napangiwi ang binata ng biglaan ito mapaupo sa sahig pero agad din nakabawi. Tumatawa na itong nakipagbuno sa ilang batang lalaki.

Ang gwapo niya kapag nakangiti! Lumiliwanag ang paligid!

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Hinay-hinay lang wolf..Hindi tayo pwede basta-basta bibigay agad sa kanya.

Alam ko naman kaso nakakainlove naman talaga kasi siya eh!

Humalukipkip siya habang pinapanuod ang binata na masayang nakikipag-usap na sa mga bata.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Gwapo naman talaga ito pero..hindi lang dapat sa pisikal tumingin.

Humble kaya siya!

Tumango-tango sya.

Nahigit niya ang hininga ng magtama ang mga mata nila ng binata. Ngumiti ito at bumukas ang bibig nito na nagsasabing 'Thank you' habang pinagkakaguluhan pa rin ito ng mga bata.

Hindi niya namalayan na nginitian niya ito pabalik at huli na para bawiin niya ang tinugon niyang iyun ng makita kung paano natigilan ang binata.

Aww,kinikilig ako sa inyo!

Napailing na lang siya sa tinuran ng wolf niya. Ito ata nagmana sa ama niyang si Haring Russel!

Pinagwarm up na ni Frances ang mga bata para sa unang pagtuturo nito sa mga ito habang siya naman ay nakamasid lang sa mga ito.

Agad na gumalabog ang dibdib niya ng iwan muna ng binata ang mga bata at nilapitan siya.

Nakasuot na ito ng uniporme na kulay asul. Bagay na bagay rito iyun at lalaking-lalaki.

Nakangiti ito ng huminto sa harapan niya.

"Thank you ulit,Cassandra..mas maeenjoy ko ang pananatili ko dito kapag may kakaabalahan. Mabuti na lang..."anito.

"Sabi nga ni Toni,bakasyon ka lang dito,"aniya.

Agad na tumango ito.

"Pero kapag nasiyahan at...may dahilan na ko para manatili dito baka hindi na ko umalis dito at bumalik sa Amerika,"anito na matiim na nakatitig sa kanya.

Mas lalo dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya sa huling sinabi nito.

Tumikhim siya at tumango. Kalmante lang siya.

"Mabuti naman kung ganun..nasa sayo naman kung saan ka sasaya,"komento niya.

Ngumiti ang binata sa kanya. "Oo..dito ko lang pala mahahanap eh,"anito.

Tila huminto ang pagtibok ng puso niya sa sinabi nito.

May ibig bang sabihin roon ang binata?

Bakit titig na titig ito sa kanya habang sinasabi iyun?

Wala naman masama kung mag-assume tayo,mahal na prinsesa eh!

Napukaw lang ang atensyon niya ng marinig ang pagtawag ng mga bata sa binata na nakatitig lang pala sa kanya.

Ngumiti ito kaagad ng magtama ang kanilang mga mata.

"Salamat ulit,Cassandra. Huwag kang mag-alala marami akong ituturo sa kanila,i mean..may matutunan naman sila sakin,"anito na binuntutan ng tawa.

"Aasahan ko yan,Frances.."

Tumango ito at patakbong binalikan ang mga bata na ngayon istudyante na nito.

Napabuntong-hininga siya habang nakatingin siya sa mga ito.

Natutuwa siya ng makita ang mga bata na tutok ang atensyon sa mahusay na pagpapaliwanag ni Frances sa mga ito.

Bakit nga ba,hindi?

Mukhang masaya naman ito sa ginagawa. Iyun siguro ang tinutukoy nito.

Ayy...hindi ba pwede tayo yun,mahal na prinsesa?

Pinagkibit niya iyun ng balikat.

Not now,wolf.

Ngayon pa lang natin siya nakilala kahit siya pa ang itinakda satin. Kailangan pa rin natin makilala siya at malaman kung sino talaga siya.

Hindi niya gusto na iharap ito sa kanyang ama at ina na may hindi maganda sa pagkatao nito. Gusto niya magustuhan ito ng kanyang ama at ina hindi lamang dahil ito ang kanyang mate..kung hindi dahil totoo itong tao na may mabuting puso at may totoong...pag-ibig.

But he's already confess you,right?

Malay niya baka sa simula lang yun at nasabi lamang iyun ng binata dahil namangha lamang ito sa kanya.

Sabagay nga naman..pwede naman mabago yung feelings na yun pagtagal,di ba?

Tahimik na sinang-ayunan niya iyun habang pinapanuod ang mga ito na abala na ngayon sa pinapakitang instruction ng binata sa mga bata.

Alam niyang sa nakikita niya rito sa panlabas na anyo nito ay sa likod niyun ay kabaliktaran.

Yes,we can see and feel that.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon