Puno ng pagkamangha na nilibot ni Princess Cassandra ang mga mata sa buong paligid. Iba man sa mundo na pinagmulan niya masasabi niyang maganda rin ang mundo ng mga tao.
"Welcome sa bago mong mundo,mahal na prinsesa," pukaw sa kanya ng dating panginoon na si Zei. Ito ang unang beses na nakita niya ng personal ang dating panginoon ng mga lobo. Sa kwento ng kanyang ina at ama naging napakalaki ng parte nito sa buhay ng mga magulang niya. Sa umpisa wala daw nakaalam sa sampung prinsipe ng mga lobo na isa sa prinsipe ang kanyang ama na si Haring Russel na ito pala ang panginoon ng mga lobo.
Bahagya siyang yumukod upang bigyan ito ng paggalang.
"Handa ka na ba manatili dito?" nakangiti nitong saad.
"Matagal na kong kuryuso kung ano ang pakiramdam na manirahan sa mundo ng mga tao na pinanggalingan ni ina," matapat niyang saad na kinatango nito.
Hindi niya maiwasan na hindi hangaan ang angkin na kagwapuhan ng dating panginoon. Sana lang kasinggwapo nito o ng kanyang ama ang lalaking itinakda sa kanya.
"Sa loob ng kahon na yan ang mga kakailanganin mo habang nandito ka," pag-abot nito sa kanya ng kulay asul na parihabang kahon.
"Ipakikilala kita sa malapit na kaibigan ni Haring Russel na si Toni,ang dati din alalay ng iyong ama noong nandito pa siya at siya ngayon ang namamahala sa Blue Sports Club," anang ni Zei.
"Salamat,mahal na panginoon," aniya.
Natawa ito ng bahagya. "Zei na lang,mahal na prinsesa,isa na lamang ako ordinaryong taong-lobo sa mundong ito," anito.
Nahihiyang tumango siya sa dating panginoon.
Gaya ng kanyang mga magulang. Pinili ng dating panginoon ng mga lobo ang manatili sa mundong ito upang makapiling ang babaeng inibig nito.
"A-anak ka ni Sir Russel?" hindi makapaniwalang saad ng malapit na kaibigan at dating alalay ng kanyang ama. Maang itong nakamasid sa kanya. Kasulukuyan sila nasa BSC office na siyang pag-aaari pa rin ng kanyang ama.
Isang mahinang tawa mula sa dating panginoon ang tinuran nito sa pagkagilalas ng lalaki.
"Ahm,Cassandra," aniya sabay lahad ng palad niya rito. Ayon sa kanyang ina ganun daw ang gawin niya kapag nagpapakilala sa mga tao.
Nakamaang pa rin ito kaya tumikhim siya para pukawin ito. Agad naman ito natauhan at natatarantang nakipagkamay sa kanya.
"Wow! Hindi ako makapaniwala,ang bilis lang ng panahon,k-kamusta na si Sir Russel?" anito na nasasabik na makakuha ng balita mula sa kanyang ama.
"Okay naman po siya," maikli niyang sagot.
"Ayos lang ba talaga na maging isa ka sa mga trainee dito? Anak ka ng may-ari ng BSC,"anito. Mahihimigan sa tono nito ang hindi pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari ngayon nandito na siya sa pag-aaari ng kanyang amang hari.
Ayon kay Zei nasabihan na nito ang lalaki ang tungkol sa pagdating niya.
"Wala naman problema sakin,ayokong maupo sa apat na sulok ng silid na ito,gusto kong sanayin pa ang itinuro sakin ni ina at maibahagi na rin sa iba ang natutunan ko naman kay ama,Sir Toni, " saad niya.
"Wag mo na kong i-Sir,ikaw kaya boss ko," naiilang nitong turan na may halong tawa.
Nagkibit siya ng balikat. "kayo pa rin naman ang nakaupo sa opisinang ito,"aniya na balewala lamang sa kanya na ito pa rin ang magiging boss.
" She's cool kaya walang problema sa kanya na tratuhin mo siyang ordinaryong aspiring athlete mo,Toni,"si Zei.
"Basta ba hindi ako mananagot nito kay Sir Russel," nag-aaalala nitong saad.
"Sagot kita,"tugon ni Zei na sinabayan nito ng pagkindat sa lalaki. Tila naman naunawaan na nito ang gusto niya na maging trainor kaysa maging boss.
Pinagmasdan niya ang buong opisina. Maraming nakasabit na larawan at ang nakakuha sa atensyon niya ang larawan ng kanyang ama habang nakasuot ito ng kulay asul na uniporme ng isang martial arts habang hawak nito ang isang malaking tropeo.
" Whole of famer champion si Sir Russel ni minsan wala pang nakatalo sa kanya,"untag ni Toni.
Napangisi siya. Namamangha siya sa ama kahit paminsan-minsan may pagkachildish ito pero achiever ng wagas ang kanyang ama.
"Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang anak ni Sir Russel,talagang hinahangaan ko ang iyong ama,"puno ng paghanga nito para sa kanyang ama.
Humarap siya rito."Ayokong may makaalam kung sino ako..at gusto ko maging trainee sa Achery..para maisabit din rito ang larawan ko na may hawak na tropeo kagaya ni ama," aniya sabay sulyap sa larawan ng ama.
"Si Ma'am Darlene,isa siyang professional archerer,wow namana mo sa kanya ang skills niya at trainor siya ng mga aspiring archerer noon dito,"namamangha nitong tanong. " Kung ganun mukhang makikilala lalo ang BSC ngayon nandito na ang anak ng dating kampyeon ng World Martial Arts,"dugtong nito.
Tumango siya. She's so proud with her parents."Salamat,proud ako na naging magulang ko sila kaya gusto ko din maging proud sila sakin sa larangan kung saan hinangaan sila ng lahat,"puno ng pagmamalaki para sa magulang na saad niya.
"Mangyayari yan,anak ka ba naman ng dalawang magagaling na atleta!" mangha nitong turan na kinangiti niya.
"Good luck,mahal na prinsesa," saad ni Zei sa kanya at isang mahiyain ngiti ang pinukol niya rito.
This is the beginning of her new life. Her new world.
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Werewolf#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration