Mundong-Colai

5.3K 171 5
                                    

Swabe na pinorma ni Princess Cassandra ang mga braso habang hawak ang kanyang Archer at nakatutok iyun sa target niya ilang milya ang kayo sa kanya. Kumislap ang dulo ng palaso sa talas niyun paniguradong babaon yun kung saan man ito tatama. Naningkit ang mga mata niya at walang kurap na tinarget niya ang kanyang target.

Isang makapigil na hininga ang binitawanan niya bago niyang pinakawalan ang palaso at tila hangin iyun bumulusok sa kung saan.

Isang iglap bumaon iyun sa isang mansanas na nakasabit sa sanga ng isang puno. Sa talas ng mga mata niya nakita niya na sakto sa gitna ng mansanan iyun bumaon. Napangisi siya.

"Mas magaling ka talaga kaysa sakin,anak," pukaw sa kanya ng kanyang ina.

Nakangisi na humarap siya sa kanyang maganda at cool na ina niya. "Nagmana lang po ako sa inyo,ina," aniya. Iniidolo niya ang ina. Base sa mga kwento at pinagdaanan nito sa buhay mas lalo siya humanga sa ina. She's so unbreakable,tough and cool.

She want to be like her mother.

Masuyo nito hinaplos ang kanyang buhok. "Ikaw ang batang bersyon ko,anak..kaya nga lang mas magaling ka sakin," anito na binuntutan ng pagtawa.

"Ako pa rin ang numero unong tagahanga mo,ina.."puno ng paghanga niyang saad sa kanyang ina.

" Ako ba? Fan din ba kita?"pagsabad ng kanyang ama.

Napairap siya sa ama. "Bakit nga ba nagustuhan ka ni ina?"saad niya na tinawanan ng kanyang ina.

Napangisi ang kanyang ama. "Nagwapuhan kasi sakin ang iyong ina kaya ayan patay na patay pa rin siya sakin mapasahanggang ngayon," proud nitong saad.

Napataas ang kilay niya sa sinabi ng ama. "Sabi ni ina,stalker ka daw niya eh kaya kayo po ang patay na patay sa kanya,"supla niya sa ama.

Natameme ang kanyang ama at natawa naman ang kanyang ina na lumapit sa kanyang ama at malambing na niyakap ito.

" Totoo naman di ba? Stalker naman talaga kita,kinuha mo pa nga yung litrato ko noong pumasok ka sa unit ko,"nakangising saad ng ina.

Napapahiyang napakamot sa ulo ang Hari. Namamangha siya sa pagmamahalan ng kanyang magulang lalo na sa kanyang ina na isang tao na umibig sa kanyang ama na isa naman lobo at pinagpalit nito ang buhay sa mundo ng mga tao para sa kanyang ama. Naaamaze tuloy siya sa tulad ng kanyang ina na isang tao na hindi nila kauri. Gusto niya makita ang mundo na pinagmulan ng kanyang ina.

"Prinsesa,may mahalaga akong sasabihin sayo,"bigla pagseryuso ng Hari.

Parehong seryoso ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Bumuga ng malalim na hininga ang Hari na kinakunot ng kanyang nuo.

"May propesiya na para sayo,anak ko..at..sa mundo na pinagmulan ng iyung ina matatagpuan ang lalaking itinakda sayo," wika nito na tila ayaw pa nitong ipaalam sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng Hari. "Totoo,ama? Ina? Pupunta ako sa mundo ng mga tao?" bulalas niya na tila isang paslit na nasabik na mabigyan ng  candy.

Nagkatinginan ang kanyang magulang bago ang mga ito tumango.

"Ang totoo ayoko sa propesiya ngayon...pakiramdam ko kasi hindi ka na babalik dito lalo pa nga at gusto mo makita ang mundo ng mga tao," buntong-hininga saad ng Hari.

Malaki ang ngiti na niyakap niya ang ama.

"Babalik ako,ama..saka baka hindi kasinggwapo mo yung mate ko kaya babalik ako dito ng mag-isa,"aniya sabay ngisi.

Napailing ang Hari sa kanya. " Sana nga panget siya,"anito na kinatawa nila mag-ina.

Napapikit siya ng puno ng pagmamahal na niyakap siya ng ama at haplusin ng kanyang ina ang kanyang buhok.

"Mag-iingat ka dun ha? Lalo na sa mate mo,mapasamantala ang mga tao,hindi naman lahat pero alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo.." anang ng Hari.

"Oo naman,ama..para saan pa at namana ko sa inyo ang mix-martial Arts na tinuro niyo sakin," aniya.

Ngumisi ang ama. "That's cool,my princess!"

Natatawang niyakap niya ang mga magulang niya.

Nasasabik na siya makita ang mundo ng mga tao.

Sino kaya ang lalaking itinakda sa kanya? Cool din ba gaya ng kanyang ina?

She will know soon.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon