Habang hinihintay niya ang tiyuhin para sunduin nito ang anak ng boss nito sa practice room na nasa ikalawang palapag ay nilibang niya ang sarili na panuorin ang mga kabataan at mga trainors doon na naunang ng ipakilala sa kanya ng tiyuhin niya.
Nakatunghay siya mula sa taas pababa kung saan naroroon ang mga inbitado sa gabing iyun. Sa America sa tuwing nanalo siya nagpaparty din ang kanyang ama pero mula ng makita niya ito na may kasamang babae na sa itsura pa lang alam na niyang hindi lang ang ama niya ang lalaki nito ay hindi na niya nagustuhan at lalo iyun napatunayan ng tangkain siyang akitin ng babaeng iyun at mula noon hindi na siya dumadalo kahit patuloy pa rin ang ama sa pagbibigay ng party para sa kanya. Agad na iwinaksi niya sa isip ang mga pangyayari iyun nasa pilipinas siya para magbakasyon at ayaw niyang masira ang pagrirelax niya pagkatapos ng mahabang pag-eensanyo.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi nagtagal tinawag siya ng Tito Toni niya at agad na lumingon siya.
Napako ang tingin niya sa isang pamilyar na babae sa likuran ng Tito Toni niya.
Suddenly,pakiramdam niya nagslow motion muli ang paligid niya ng makita ang babae.
Muli.
Damn,yung babae kagabi!
Nakatitig din ito sa kanya at doon lang niya natanto na kulay asul pala ang mga mata nito. Bahagya napaawang ang bibig niya dahiL pakiramdam niya nahihirapan na siyang huminga. Tila ba pakiramdam niya ay hinihigop nito ang enerhiya sa loob ng katawan niya. Her eyes is so magnetic and...it's seem look like a ocean.
Woah,Ynico! Masyadong malalim na yang hinahayon ng isip mo!
"Huwag mong masyadong titigan," pukaw sa kanya ng Tito Toni niya sa pabulong na saad. Nasa tabi na pala niya ito. Ganun na pala siya katulala ng makita muli ang babae.
Saka lang siya nakabawi sa sarili. Bigla tuloy siyang napahiya sa naging reaksyon niya na nakita pala ng Uncle Toni niya.
Damn.
"Uh,Cassandra,meet my nephew Frances..Frances,meet Cassandra," pagpapakilala ng Uncle niya sa kanila ng babae.
Muling nagpagkit ang mga mata nila sa isa't-isa. Saka lang niya naisip bigla na ang babaeng nasa harapan niya at ang babaeng nakita niya kagabi ay anak ng iniidolo niyang si Russel Emilio!
Damn it! Sinuswerte ka nga naman!
What a coincidence!?
"It's nice to see you...again,Cassandra," saad niya sabay lahad ng isang palad niya rito.
Akala niya mapapahiya siya na baka hindi nito abutin ang pakikipagkamay niya pero alerto siya baka bigla na naman siya nitong patumbahin kagaya ng ginawa nito kagabi.
"Same here," saad nito at mabilis na nakipagkamay sa kanya.
She's so warm!
"Nagkita na kayo?" nagtatakang untag ng uncle Toni niya sa kanila.
Nagsalit-salit ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Napangiti siya. "It's a coincidence,Uncle.."
Nanatili lang walang imik ang dalaga.
"Ohh..hindi nga?" untag ng uncle niya na nakatingin na sa dalaga na tila kinokumpirma nito iyun.
Nagkibit ng balikat ang anak ng boss nito.
"Small world," maiksi nitong saad.
Bigla napangisi ang uncle niya. Alam niya kung anong ibig sabihin niyun. May panunudyo sa mga mata nito na bumaling sa kanya. Kalmante lang ang anyo niya.
"Akalain mo nga naman," anito.
Naiiling na sumulyap siya sa dalaga pero nasa ibang dako ang mga mata nito. Bahagyang nagsasalubong ang makurba nitong kilay.
She's really beautiful!
Cassandra...
Mas malinaw niya nakikita ngayon ang maganda nitong mukha.
Sabi ni Uncle Toni. Archerer ito..pero nang nakita niya ito ng nakaraan gabi hindi mo aakalain na may alam ito sa pagpapatumba sa mga lalaking iyun.
Nagtaka ka pa,Ynico!
Anak ng iniidolo mo yan!
"Saan naman kayo nagkita?"biglang pag-uusisa muli ni Uncle Toni sa kanila.
Wala naman tinugon ang babae. Tila bang pinapahiwatig nito na siya na lamang ang sumagot ng tanong iyun.
"Uh,nagkasalubong kami...at nabangga ko siya,"paghahabi niya ng kwento.
Nanatiling nakatitig sa kanya ang dalaga na tila din pinapahiwatig niyun na ayusin niya ang isasagot.
Kinabahan tuloy siya.
Hindi naman mabilis na kabahan pero hindi ng mga oras na iyun.
Damn,is that nervouse or more than that?
Hindi na siya pamilyar sa nararamdaman niyang iyun. Mula ng makita niya ang babae naging maligalig na siya at sa tingin pa lang nito pinapangapusan na siya ng hininga.
"Uh,ikukuha ko kayo ng maiinom dalawa,"saad ng Uncle Toni niya pero may kislap ng panunukso ang ngiti nito sa kanilang dalawa.
Hindi naman umiimik ang dalaga kaya ang awkward tuloy ng dating. Maya-maya pa ay tumikhim siya at agad naman napasulyap sa kanya ang mga mata ng dalaga mula sa nagkakasayahan sa ibaba.
"Ahm,yung kagabi.."maingat niyang saad. Pinapakiramdam ito kung tama bang na ipaalala pa niya iyun pero lihim siyang nakahinga ng maluwag ng makitang nanatili lang ito nakatingin sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang.
"Uh,ayos ka lang ba?"
Nasaksihan niya na natigilan ang dalaga. Marahil hindi nito inaasahan ang tanong ng iyun.
"Bakit mo naman tinatanong na ayos lang ako?"
Napalunok muna siya ng laway.
Damn,Ynico. Be the man!
"Naisip ko lang baka nasaktan ka kagabi,"aniya.
Napatikwas ang makurba nitong kilay.
Humalukipkip ito. Hindi niya tuloy napigilan na hindi bumaba ang tingin niya sa hinaharap nito.
Shit,Ynico!
Tumikhim siya at binalik ang tingin sa mukha ng dalaga at tila gusto niyang lamunin ng lupa sa kahihiyan.
Kitang-kita nito ang pagtitig niya sa hinaharap nito.
"Uh,pasensya na nga pala kagabi. Uh,yung sinabi ko kagabi,"kabado niyang sabi. Titig na tigig ang kulay bughaw nitong mga mata sa kanya.
Nanatili itong tahimik at nakatitig lamang sa kanya.
Pinagpapasalamat na lamang niya ng makita ang Uncle Toni niya na papalapit na sa kanila.
"Ito,bawal kayo na may alcohol,"anang nito.
Siya na ang kumuha sa Uncle Toni niya sa hawak nitong dalawang baso.
Lakas-loob na lang siya na inabot sa dalaga ang isang baso na may inumin. Nakahinga naman siya ng maluwag at napangiti ng tanggapin nito ang baso mula sa kanya.
"Congratulation nga pala.."saad niya bago siya uminom sa hawak na baso na may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅
Werewolf#Mate #PrincessBlueWolf #Romance #Prophecy #2ndgeneration