WILL

692 40 9
                                    

"Airah!! Ano ba! Gumising ka na! Male-late ka na naman sa school niyan eh!"

Naririnig kong sigaw ng mayordoma namin sa baba. Si nanay Ester, na para ko nang pangalawang nanay. Grabe, kahit matanda na ako ay para parin akong bata na laging ginigising at pinagsisilbihan. Kailan ba nila marerealize na nasa adolescence stage na ako at six am palang ng umaga! Gusto ko pang matulog!

"Airah!!", sigaw niya ulet.

"Opo! Gising na po!! Gosh nay!"

Hindi pa rin ako bumabangon dahil ninanamnam ko pa ang sarap ng umaga.

"Airah ano ba? Babangon ka ba? O gusto mo na namang mauna yung tatay mo sa office niya?", biglang tugon ni nanay Ester na pumasok na sa kwarto ko.

"Nay, eight am pa po ang first period ko. What's the point kung sasabay ako sa kanya ng napaka aga?", nakapikit kong tugon sa matandang dalaga na sure akong nakakunot ang noo.

"Anak.. ano ka ba, diba gusto mong magkabati na kayo ng tatay mo?", haplos ni nanay sa buhok ko.

"Kahit magkaayos pa kami hinding hindi na niya maibabalik ang kuya", malamig kong pagkakasabi na nararamdaman na naman ulit ang pait ng pagkawala ng aking kuya.

Si Sergeant Aron Dante Simeon. Ang nakakatanda kong kapatid. Nag iisang kuya at ang sundalo ng pamilya. Pinilit siya ni daddy na maglingkod sa bayan. Alam kong ayaw sana ni kuya na maging sundalo kasi gustong gusto niyang maging photographer. Lahat ng mga magagandang pictures ko sa bahay na ito ay kuha ni kuya. Mahal na mahal niya ako. Kailanman ay hindi niya ako pinabayaan. He never made me feel alone, kahit nung nasa misyon na siya. Palagi niya akong tinatawagan and he always makes sure that he will come home, that he will be home.

Hanggang sa nabalitaan nalang naming naambush at napatay siya dun sa huling misyon niya. Di ko man lang nakitang umiyak si dad noon. He is such a stone hearted guy! Kasalan niya kung bakit namatay ang kuya.

Nangilid na naman ang mga luha ko sa aking mga mata. Habang si nanay Ester ay dahan dahan na akong binabangon sa kama ko.

"Two years ago pa yun anak, di mo pa ba siya napapatawad?"

"Saan ako magsisimula sa pagpapatawad ko nay?"

"Oh siya sige.. tumayo ka na diyan at maghanda ka na. Hiniling talaga ng tatay mo na sumabay ka ngayon sa kanya"

"Fine."

Bumangon na ako at sinimulan ng maghanda para sa bagong umaga. I took the liberty to take a hot bath. The warm water runs thru my body relieving every tension that I have. Nakakarelax talagang maligo sa maligamgam na tubig. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa pagligo at nang matapos na ay nagbihis na rin ako ng aking uniporme.

Nang makababa na ako ay napansin ko kaagad ang nakaayos na hapag kainan. Maraming pagkain at sa dulo ng mesa ay andun ang daddy.

"Good morning anak, halika kain na tayo", bati ng senador na nagpapakatatay sa akin.

"So anak? Malapit na pala ang sem break nyo. Any plans?"

"Wala po"

"Gusto mo bang sumama sa mga campaigns ko?"

"No dad, thanks"

"Baka naman gusto mong mamasyal nalang tayo? How about a short vacation?"

"No it's okay dad, dito nalang po ako. Kiss is just a call away naman po if gusto kong lumabas"

"How about a trip to Siargao?"

Napatigil ako sa pagkain. Naalala kong gustong gusto namin ni kuya na mag Siargao dati. Kaso hindi na natuloy kasi namatay na siya.

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now