"Kid, ayoko na dito", pagmamaktol ko kay Kid ng matapos namin ang orientation.
"Bakit? May gumugulo ba sayo dito?",ngumiti siya sa akin habang hinahawi ang buhok niya. Shit. Ang cute.
"Hindi ko gusto dito, wala ba akong pwedeng paglipatan?"
"Kaka orient lang sayo diba Airah? Na kung nasaan kaming anim ay nandun ka na rin dapat. Para na rin yun sa safety mo Airah, pagtiisan mo nalang muna dito", he patted my shoulder at umalis na muna.
"Saan ka ba pupunta?", tanong ko sa kanya habang papalayo siya sa akin.
"May pupuntahan lang ako Airah, magpahinga ka na muna sa tent mo okay?"
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa patakaran nila. Patakaran na ayaw ko sanang pagkatiwalaan.
Naglalakad na ako patungo sa bago kong tent na titirhan nang makasalubong ko sa daan ang aroganteng si Jon.
"Iba ka sa kanya ano", bungad niya sa akin na nakasandal sa isang poste habang nakatitig sa akin.
"Ha?", ayokong maging rude sa kanya kaya sinagot ko nalang siya.
"Ang sabi ko iba ka sa kuya mo"
"Alam ko", naglakad ako ulit habang sumusunod naman siya sa akin sa may likuran.
"Pero maganda ka ha", he said straightforwardly.
Napalingon ako sa kanya.
"Alam mo, buti nalang silang anim lang ang makakasama ko sa kung ano mang misyon ang meron ang grupo niyo. Ikamamatay ko yata nang maaga pag kasama ka pa dun", full blown ang kasungitan ko sa kanya.
He silently smiled. He leaned over me and was looking at me deeply.
"Dyan ka nagkakamali Airah, actually, sa akin ka binilin ng kuya at daddy mo. Dito sa camp? Ako ang susundin mo at ako ang legal guardian mo dito"
Tinanggal na niya ang kanyang pagmumukha sa harapan ko at umalis na. Sa sobrang inis ko ay ibinabad ko ang mukha ko sa dala dala kong bag at sumigaw.
Kung andito lang si Kiss sigurado di niya rin to magugustuhan.
Hay. Kumusta na kaya sila Kiss? Yung iba kong mga kaklase? And daddy ko?
Nang makapasok ako sa tent ay wala akong ibang nakita kundi isang maliit na folding bed na may isang unan at kumot. Ang nakakaganda lang sa tent na ito ay may sarili akong comfort room. Maliit siya pero mabuti na rin kesa wala.
Inihiga ko ang sarili ko sa matigas na kama at pinilit magpahinga na muna. Gusto ko na sanang makauwi sa amin. Gusto ko sanang bumalik na sa dati ang buhay ko. Kailan ba kasi ako magigising sa panaginip na ito?
Nagsesenti na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sa wakas! Sa kung anumang dahilan ay biglang nabuhay ang cellphone ko! Yes!
Una kong tinawagan ang daddy pero walang sumasagot. It has been six hours mula ng mawalay kami sa isa't isa. Baka busy pa ang daddy sa kung anumang ginagawa niyang trabaho ngayon.
Sunod kong tinawagan si Kiss. Mahabang pagriring pa ng telepono niya bago niya ito masagot. Medyo choppy ang linya pero naririnig ko naman siya ng maayos.
"Babe! I'm so happy tumawag ka!"
Para akong biglang nag alala ng marinig kong bumubulong lang si Kiss.
"Kiss? Babe? Nasaan ka? Nasa Paris naba kayo?"
"Babe! Hindi kami nakalipad patungong Paris. Nasa bahay pa kami lahat. Babe may mga masasamang tao sa labas! Pinipilit nila kaming pasukin. Babe tulungan mo kami!"
"Ha? Ano? Sino ba ang mga taong yan Kiss?", nataranta kong pag aalala sa best friend kong umiiyak na sa kabilang linya.
"Babe, kung nasaan ka man mag iingat ka ha. Kung may mangyari sa amin sana mahanap niyo kami kung saan man nila kami dadal.."
Naputol na ang linya ni Kiss. Para ring naputol ang hininga ko dahil sa kilabot at takot sa mga narinig ko.
Ang best friend ko? And daddy ko? Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit ako nag iisa lang dito habang ang mga taong mahal ko ay unti unting nawawala?
Lumabas ako ng tent. Pinuntahan ko si Kid pero di ko siya mahanap. Sa pagkakataong ito siya nalang muna ang masasandalan ko.
Hinanap ko siya kung saan saang tent hanggang sa ma intrude ko ang meeting nilang pito, kasama si Jon.
"Airah? Anong ginagawa mo dito?"
Lahat sila tinatanong at nakatingin sa akin.
I was panting. I was hyperventilating. Hindi ako makapagsalita ng diritso. Naiiyak lang ako na para bang walang hanging pumapasok sa baga ko.
Nagpang abot ang sobra kong kaba at pag aalala. Kinapos ako sa hangin. Hanggang sa umikot ang paligid ko at nawalan na ako ng malay.
*****
"Airah lumaban ka okay? Mahal kita anak! Mahal kita Airah!"
Nagising ako. Napanaginipan ko ang huling sandali namin ni daddy bago kami nagkahiwalay.
Nang maimulat ko na ang mata ko ay nasa ibang tent ako, hindi ito ang tent na pinagpahingahan ko kanina.
"Kamusta ka na?"
Si Jon pala, nasa gilid ng kama. Nakabantay sa akin. Ewan ko kung mang iinis na naman ba ito o maglelecture.
Nung akmang tatayo ako ay bigla akong nahilo at nahiga ulit.
"Wag ka na munang tatayo. Aalis din naman ako kung ayaw mo akong nandito. Tatawagin ko lang si Kid"
"Sandali"
"Change of heart?", he smirked.
Pinigilan ko ang inis ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga.
"Thank you",bigla kong nasabi.
"Sa?", kumunot ang noo niya.
"Kung totoo ngang best friend ka ng kuya ko, salamat sa pagiging kaibigan mo sa kanya"
"Kami lahat dito ay mga kaibigan niya"
"Pero ikaw, ikaw ang best friend niya?", nakatingin lang ako sa ibabaw ng tent. Hindi ko siya magawang tignan sa mata.
"Sabihin nalang nating, ako yung paborito niyang kaibigan"
"Hindi ka niya nakwento sa akin"
"Maniwala ka't sa hindi, naikwento na niya ako sayo"
Natahimik kaming dalawa ni Jon. Hindi naman naging awkward ang pagkakataong yun, surprisingly.
"Jon, maging prangka ka nga"
"Ano?"
"Makakauwi pa ba ako sa amin? Bakit ba to lahat nagyayari? Katapusan na ba ng mundo?"
"Ang mahalaga ligtas ka. Yun ang misyon."
"Paano yung iba? Paano ang daddy ko? Yung mga taong mahalaga sa akin?"
"Magpahinga ka na muna Airah"
Aakmang tatayo na si Jon nang bigla kong maisip na pigilan siya at hawakan sa may braso niya.
"Ako? Naikwento ba ako ng kuya ko sayo?
Tinignan niya ako ng masinsinan at seryoso sa mata.
"Lagi ka niyang kinukwento Airah, magpahinga ka na muna"
Tumulo ulit ang luha ko ng sabihin niya yun. Ang sakit isiping wala na nga ang kuya ko, baka mawala pa sa akin ang daddy ko. Ni hindi pa kami nagkakaayos ni daddy, ni hindi ko pa siya napapatawad dahil sa pagkamatay ni kuya.
Gusto ko nang makita ulit ang daddy ko.
Gusto kong malaman niya na pinapatawad ko na siya.
Pero paano kung huli na?
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanfictionSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...