"May gusto ka na ba kay Jon?!"
"Wala no!"
"Eh bakit ka nacu-curious sa kung anong sekreto meron siya?!"
"Bawal bang magtanong??"
Para akong iniimbestigahan ni Dos sa loob ng kwarto ko.
Para bang may gusto siyang malaman mula sa akin at kung bakit bigla akong nagiging interesado kay Jon sa kabila nang poot ko sa kanya.
"Alam mo sizst umamin ka na, kunwari ka lang eh"
"Ha?!"
"Kunwari ka lang may iba kang gusto dito pero yung totoo nagkakagusto ka na dun sa kapitan namin eh!"
Ang landi talaga ni Dos. Lahat nalang nagagawa niyang gawan ng storya na may malisya.
"Alam mo Dos tatampalin na talaga kita dyan eh! Gusto ko lang naman malaman kung may tinatagong sakit yang Captain Barber niyo?!"
"Bakit nga? Para magantihan mo siya?! Huyy sizst! Wag na wag mong gagawin yun, bad yun!"
"Kaloka ka talaga sira ka Dos! Gusto ko lang talagang malaman kung anong sinisekreto nyang Jon na yan!"
"Ikaw ang kaloka! Actually kayung dalawa ang kaloka mga pabebe kayo nagtataguan ng feelings! Ano to? PBB teens?! "
Ang hirap pala talagang makipagtalo sa bakla, lalo pa at sundalo rin siya.
Nang mapansin ni Dos na wala na ako sa mood para biruin ay binawi niya agad ang mga pinagsasabi niya.
"Ano ba kasi ang gusto mong malaman siszt?!"
"Narinig ko kasi sila nang doctor kanina, something about sa heart ni Jon?!"
"Well, to be honest wala talaga akong alam diyan sissy. Mamatay man lahat ng butiki dito ay wala talaga akong alam diyan. Ang mabuti pa siya nalang ang tanungin mo"
"No way!"
"Eh di wow! Wala kang makukuhang impormasyon sa attitude na yan siszt!"
Ayoko naman talagang usisain pa ang tungkol kay Jon, lalo pa at may galit pa talaga ako sa kanya.
Pero para bang tinutulak ako ng pagkakataon at lalo akong nacu-curios sa kanya.
Nang dumating ang oras na mag tatanghalian na kami ay di ko namalayang nakatulog pala ako sa may cafeteria.
Pinilit ko mang labanan ang antok dahil sa takot na bangongotin ako kay Jake ay napatulog ako sa sobrang pagod ng katawan ko.
Hindi ko na namalayan na may mga tao nang kumakain sa paligid ko.
Ni hindi man lang ako ginising ni Dos para sabihing kaharap ko na pala si Jon sa table na tinutulugan ko.
"Kumain ka na", boses ni Jon ang una kong naulinigan.
Nang harapin ko siya ay nakita kong muntik na niyang pagtawanan ang mukha kong may laway pa yata.
He smirked at me, confidently na inaakala niyang napatawad ko na siya.
"Kumain ka na"
"Neknek mo"
"Galit ka pa pala"
"Tingin mo?"
"Okay"
"Yun lang yun Jon? Okay lang sayo yun lahat?"
"Wala naman na akong magagawa diba? Hindi ko na maibabalik pa yung nawala sayo diba?"
Napakagat labi ako sa galit.
He was too insensitive!
Lahat yata akala niya laro para sa akin.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanfictionSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...