"Babe? Kailangan ba nating gawin to?", nangangatog kong tanong kay Kiss nang pumila na kami patungong clinic.
May maraming sundalo ng nakapalibot sa clinic. May mga armadong lalaki rin na nagbabantay sa labas. Ano ba talaga ang meron?
"Babe ang cute nung isang soldier oh!", pangiti ngiting sabi ni Kiss na nasa isang officer nakatoon ang atensyon.
"Kiss?! Naririnig mo ba ang heart beat ko?? Kinakabahan talaga ako eh!"
"Babe ano ka ba? Eenjoy mo nalang to okay? Ang daming cute oh"
Di ko talaga makausap ng matino tong si Kiss. Nadistract na yata masyado dun sa mga nag gwagwapohang sundalo.
"Next!"
Sigaw nung isang sundalo sa amin ni Kiss.
"Hi cutie", kaway ni Kiss sa gwapong sundalo na nasa pinto.
"Hello po ma'am, kayo na po ang susunod", sagot ni private Rick Marlin. Kilala ko siya kasi yun ang nakasulat sa badge ng uniporme niya.
Nang matapos ng kunan ng blood sample si Kiss ay parang ang easy lang sa kanya. Wala man lang bahid ng takot o panghihina man lang sa mukha niya.
"Babe? Ikaw na ang susunod.. dali na", tulak ni Kiss sa akin na pinaupo na ng isang officer sa harap niya para makuhaan ng blood sample.
"Ah.. ma'am pwede pong dahan dahan lang po? Di pa po kasi ako natutusok ng karayom dati eh", pakiusap ko sa nurse na sundalo.
"Relax ka lang miss. Matatapos rin to.", ngisi niya sa akin. Parang may pagka sadista tong babaeng to.
Nang itinusok na niya ang karayom ay sobra akong nasaktan. Yung nangingilong sensation na tagos sa balat at laman mo.
Himalang hindi ako nawalan ng malay at di man lang sumigaw pero namutla naman ako ng grabe.
"Babe? Okay ka lang ba? Hoy?",usisa ni Kiss sa akin na nanlalamig na habang papatayo.
"Halika alalayan na kita palabas", offer ni private Rick na siyang nagustuhan naman ni Kiss.
"Awwe.. you're so sweet naman sir. Hi, ako nga pala si Kiss, Kiss Maniego", pagpapa cute ni Kiss sa mamang umalalay sa akin.
"Private Rick Marlin ma'am, Philippine Army", bati ni Officer Rick sa kaibigan kong nainlove na yata at first sight.
"Painumin mo ng tubig ang kaibigan mo, baka himatayin pa yan", sabi ng officer na nakangiti sa kaibigan ko.
"Sige salamat sir, gwapo na mabait pa"
"Sige ma'am, hanggang sa muli", paalam ng officer.
"Oh my gosh babe! I think I'm inlove!!", tili ni Kiss na halatang halata ang kilig.
"Oh my gosh babe! I think I'm dying!", tugon ko na para bang nanghina sa injection na aking natikman.
"Eto naman ang oa! Parang karayom lang eh!"
"Please ilayo mo na ako dito Kiss. Baka maisipan pa nilang kumuha ng dugo ulit.. ayoko na", dali dali kong pagtayo sa kinauupuan ko at naglakad papalayo sa may clinic.
"Tingin mo babe? Nagustuhan kaya ako ni Private Rick?", nakangising tanong ni Kiss sa akin.
"Sa ganda mong yan? Bulag siya kung hindi babe", sagut ko kay Kiss habang nagpapahid ako ng pawis.
"Sana magkita pa kami ulet ni Rick! I wanted to know him more babe!", tili ulit ni Kiss na kinikilig pa rin.
Nang matapos ang mga army sa pagkuha ng blood samples namin ay agad na rin silang nag impake at umalis. Lahat ay nagtaka sa biglaang check up. Lahat ay may kanya kanyang haka-haka at ideya kung bakit nandito sila kanina.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanfictionSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...