HEART

449 34 19
                                    

Airah's POV:

"KISS!!!!!"

Nagising ako bigla sa bangongot na napanaginipan ko.

Basang-basa ako nang pawis. I can't even breath properly.

Nasa clinic parin pala ako at nagising ko rin si Heaven na nataranta ng marinig akong nagsisisigaw.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari Airah? May masakit ba sayo?", natataranta niyang tanong.

Mangitak ngiyak na ako sa takot.

"N-Nasaan si Jon? Nasaan siya?", I was panting, I can't breath in panic.

"Lumabas lang saglit para kumuha nang kape. Ayos ka lang ba?"

"K-Kiss...", paulet ulet kong bulong sa sarili ko.

Tumayo na ako  na parang wala sa sarili.

Hinablot ko ang IV line ko at naglakad palabas ng aking kwarto sa clinic.

"Saan ka pupunta Airah? Bumalik ka sa higaan mo!", lalo pang nataranta si Heaven ng makitang tumutulo ang na dugo galing sa IV site ko.

"Kailangan kong hanapin si Kiss. Kailangan niya ako", I said firmly as I stepped out the room.

Di ko alam ang gagawin.

Sinundan ko lang ang biglaang instinct ko na hanapin ang kaibigan ko.

"Kiss!! Nasaan ka na??"

Nagsisigaw na ako sa lahat ng hallway na mapuntahan ko.

Hindi ako napigilan ni Heaven kaya tumawag na siya nang back up para matulungan siya.

Nagsilabasan ang iba pang sundalo pati na sina Dos at Ck ay nandun na rin para umawat na.

"Airah halika na panaginip lang yun okay? bumalik na tayo sa kwarto mo", alalay ni Ck sa akin.

Habang si Dos naman ay pinipilit akong kargahin pabalik pero nagpumiglas ako.

"Bitawan niyo ako! Kailangan ako ng kaibigan ko! Kiss!! Nasaan ka?!!"

Naramdaman ko ang pamamaga ng litid ko sa leeg ng dahil sa pagsisigaw ko.

Hindi pa rin ako naawat nina Dos at Ck.

Nang makapiglas ako ay tumakbo ako kung saan-saan para hanapin pa rin ang aking kaibigan.

Nababaliw na yata ako.

"Kiss! Nasaan ka?! Nandito na ako!", patuloy ko sa pagsigaw.

Hanggang sa makita nga ako ni Jon at sinubukan niya akong pakalmahin.

"Airah? Ano bang nangyayari? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?", he asked me in the most calm way.

Medyo nakahinga ako ng maluwag, my panic slightly sets off when I saw his face.

"Si Kiss, hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita", I stuttered.

"Bumalik na muna tayo sa kwarto mo Airah, tumatagos na ang dugo mo sa kamay mo"

Napalingon ulit ako sa aking kamay at nakitang halos magkamantsa-mantsa na ang patient gown ko sa aking dugo.

"Kailangan ako ni Kiss Jon. Tulungan natin siya"

Nakita ko ang panlulumo bigla ni Jon. Nakita kong nasaktan siya bigla nang sabihin ko yun sa kanya.

He sighed deeply.

"Okay, sige ganito nalang. Pag pumayag kang bumalik sa kwarto mo ngayon ipapangako kong sasabihin ko sayo kung nasaan siya okay?"

May lungkot sa mata niya ng sabihin niya yun sa akin. Guilt was plastered all over his face.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now