Jon's POV:
Nakangisi pa rin si Airah sa amin.
Hindi yata siya makapaniwalang sa wakas ay muli kaming nagkita.
"Bakit ba may sugat ka sa mukha mo?", kunyaring tanong ko sa kanya nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.
"Wala to, gawa lang nung bakulaw na si Draco", nahihiyang paliwanang niya.
"Pag nakita ko talaga yang Draco na yan Airah tatabasin ko ang pagmumukha niyan!", agad namang sagut ni Dos na sinusuklay ang buhok ni Airah.
"Pero ang galing diba? Ang daling maghilom nang mga sugat mo Airah, kagaya nung sugat mo sa ulo dati", usisa naman ni Ck na pinagmamasdan ang mukha ni Airah.
Nagkatinginan kami ni Airah.
Alam kasi namin pareho kung bakit ganun nalang kabilis maghilum ang mga sugat niya.
"Ck, Dos pwede bang lumabas na muna kayo? May pag-uusapan lang kami ni Airah", hiling ko sa kanila.
"Aysus. No prob Cap! Sige enjoy!", pambubully ni Dos na kumikindat pa kay Airah.
"Sige Cap, tawagin mo nalang kami ulet pag kailangan mo na kami. Punta lang kami dun sa gym. Ingat kayo rito ha", tugon ni Ck na nakangisi rin sa akin.
Isinara ko na muna ang pinto nang makaalis ang dalawa.
Agad ko namang binaling ang atensyon ko kay Airah na bumalik na sa kama niya at nahiga.
"Hmm, bakit?", naitanong niya nang bigla akong natahimik.
"Bakit?", wala akong masagut. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Gusto ko lang talagang mabantayan ko siya nang mag-isa. Gusto ko siyang ma solo.
"Bakit ganyan ka makatitig sa akin Jon? May something ba sa mukha ko?", tanong niya ulet.
Umupo na ako sa tabi ng kama niya. Nagbuntong hininga saka naglakas loob na magsalita ulet.
"Simula ngayon, ayokong nawawala ka sa paningin ko. Ayokong sumasama ka sa kahit kaninong tao dito sa headquarters. At ayokong basta-basta ka nalang nagtitiwala sa kung sino-sino", mariin kong tugon sa kanya.
"Paano sila Dos at Ck? Bawal din ba yun?", she asked sheepishly.
Napaiwas tingin ako na parang nahihiya.
"Kung wala permiso na galing sa akin ay hindi rin pwede", tumayo ako at naupo sa mas malayo, umiiwas sa kanya ng bahagya.
"Kababalik ko palang Jon, pero mas mahigpit ka pa ngayon sa akin", reklamo niya.
"Nung nagtiwala ka kay Kid, anong napala mo?", nagtaas ako kaunti ng boses.
Nakita ko ang panandaliang sakit na puminta sa mukha niya.
I sighed in defeat.
"Basta Airah, wag kang magtitiwala kaagad. Sa ngayon ako, si Ck at Dos lang mga tunay na nag-aalala sayo", tugon ko na bumalik sa upuan malapit sa kanyang kama.
Hindi siya agad nagsalita ulit.
I felt stupid na kailangan ko kaagad siyang pangaralan matapos ang traumang nadaanan niya.
Pero kailangan niya yun, nang saganun ay hindi na maulit pa ang nangyari.
"May balita naba kayo sa daddy ko?",muli niyang pagsasalita.
"Wala pa. Sa ngayon ay hindi pa namin ma trace si senator. Ginagawa na namin ang lahat para ang daddy mo naman ang mailigtas namin.
"Si Kiss? Nakita na ba siya? Hindi ko kasi siya nakasama dun sa lugar na nilipatan namin. Baka naiwan siya dun sa warehouse!", nag-aalalang tugon ni Airah.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanficSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...