Airah's POV
"Anong nangyari sayo?!", nagtatakang tanong ni CK habang nakatitig sa suot kong layer by layer.
"Please wag ka nang magtanong, disguise ko to", matamlay kong sagot sa kanya.
Bumaba na kami sa inn para simulan ang mahaba naming byahe patungo sa lugar na pagdadalhan nila sa akin kung saan makikita ko na ulit ang daddy ko.
Sa lobby ng inn ay may isang malaking t.v. na malakas na nag bro-broadcast ng isang napaka mahalakagang anunsyo.
"What the..", sabay na napabulong ang mga kasama kong sundalo ng mapanood nila ang balita sa tv.
"Isang malagim na pangayayari sa araw na ito ng Pinas. Kumalat na sa buong bansa ang isang nakakamatay na sakit na hanggang ngayon ay hindi pa tukoy ang pinagmulan at kung papaano masusugpo. Isang malawakang kilusan ng mga militar ang pinausad ng pangulo at ng gobyerno ngayon. Makikita rin nating nagkakagulo sa lahat ng sulok ng Pilipinas ngayon. Samot saring patayan at giyera sa kadahilanang baka nga raw ay isang 'biological' weapon ang pumapatay sa sangkatutak na mga Pilipino ngayon"
Lahat kami natigilan. Lahat kami nanlumo sa mga footage sa t.v. kung saan nagkakagulo ang buong Pilipinas dahil sa epedemyang kumakalat ngayon.
Maraming nagkakasakit. Maraming nagpapatayan. May mga giyera at kilusang militar.
May koneksyon ba itong lahat sa mga nangyayari din sa amin nila daddy at Kiss?!
"Airah tara na", mahinang hila sa akin ni Dos at ng iba kong kasamahan na lumabas na sa inn para iwan na ang bayan na ito.
Hahakbang na sana ako ng may isang malaking pagsabog ang naganap sa kabilang dulo ng bayan.
Yumanig ang lupa at tila ba guguho ito sa lakas ng pagsabog.
"Si Airah!", sigaw ni Jon na agad naman kaming ipwenisto sa isang ligtas na eskinita.
Hindi ako makapagsalita dahil sa paghihingal. Naghahalong kaba at takot. Sumasakit na ulo at umiikot na paningin.
"Ayos ka lang ba ha?", usisa ni Kid sa akin na tinignan ako ng buo kung may natamaan ba sa akin.
"Bomba ba yun?", tanong ni Dos.
"Maaring bomba nga yun, ano bang nangyayari?", sagut ni CK na nakapwesto sa may likuran ko.
"Full alert boys", tugon ni Jon na dahan dahang sinilip ang nagkakaguluhang mga tao sa may daan.
"Umalis na tayo dito!", hudyat niya.
Nagmadali kami at nakita ko ang mga taong sugatan sa daan.
Mga ina at anak na walang malay. Mga lola at lolong nakahandusay at sugatan.
Gusto kong huminto para tumulong kaya lang ano ba ang magagawa ko?!
"Ipikit mo ang nga mata mo", tugon ni Jon na hawak hawak ako sa braso at kinakaladkad niya papalayo sa pangayayari.
"Bakit ba to nangyayari?", mahina kong tugon sa kanya habang naglalakad ng mabilis.
"Hindi ko alam. Terorismo siguro. Sa ngayon maging alerto ka, wag mong ilalayo ang sarili mo sa amin Airah. Maliwanag?", strikto niyang pagkakasabi sa akin.
Tumango ako at sinundan lang sila na hinahanda ang mga armas nila.
Walang mga rumisponde sa pangyayari. Walang mga pulis. Walang sumaklolo.
Pero bigla naming nasalubong ang isang militar na parang kasama nina Jon.
Huminto kami at nakipagharap sa kanila na walang choice.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanficSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...