Jon's POV
"Paano tayo nagawang utakan at traydorin ni Kid?!", pagdadabog ni CK na hinihimas ang ulong pinokpok ni Kid ng baril niya.
"Cap, sundan na natin sila. Baka mapano si Airah", pag-aalala naman ni Dos.
Wala akong matinong ideya na maisip dahil sa sobrang galit ko kay Kid nung oras na yun.
Nakatitig lang ako sa kawalan. Pinipilit kong makaisip ng magandang paraan para mabawi si Airah.
Pero saan ako magsisimula? Ni hindi ko alam na plinano na pala ito ni Kid.
Walang hiya talaga yung taong yun. Napaka traydor.
"Barber! Ano tong nalaman kong kumaliwa sa atin yung kasama niyo?? Siya ba yung sumugod sa amin sa laboratory?", nagagalit na tanong ni heneral Leo.
"Siya nga po yun sir", may pait sa aking pananalita.
"How could your own man betray us? May alam ba siya tungkol sa kalagayan ni Ms. Simeon?"
"Yes sir. Malalim na ang alam niya dahil simula't sapol kasama na namin siya sa grupo. In fact, siya ang unang nilapitan ng papa ni Airah para sa misyon nato", may pagsisisi sa aking tono.
"God damn it! Anong plano niyo? Hindi pwedeng masaktan si Ms. Simeon sa retrieval operations, mahalaga ang batang iyon Barber at alam mo yun!"
"Yes sir. Alam ko po."
"Barber, wag na wag kayong padadalos sa kung ano mang pinaplano niyo. Inform me ahead once you have a solid plan! Remember, Airah is our priority! Hindi siya dapat malagay sa panganib!"
"Sir yes sir!"
Muntik nag magulo ang isip ko.
Saan ako magsisimula sa pagtre- trace kay Kid?
Paano kung malagay ang buhay ni Airah sa panganib?
Paano kung nasa panganib na siya ngayon?
"Cap!"
Naputol ang pag-iisip ko ng may iabot si CK sa akin.
Isang loptop na may maraming mapa na ipinapakita.
"Ano ba yan CK?"
"Cap, chineck ko kung gumagana pa ba yung serial code ng mga baril natin. And ito! Ito yung nakita ko!"
"Ano ba yang tinuturo mo?!"
"Cap, yan ang exact location ni Kid ngayon! Baka nandyan din si Airah!"
Napangiti ako. Muntik ko na yatang mayakap sa sobrang saya si CK.
"OMGEEE!!! You're so smart talaga baby loves!"
Napalingon kami pareho ni CK kay Dos na biglang nag transform sa harap namin.
"I..I mean.. ang talino mo talaga tol!", dali daling bawi ni Dos na tinatapik sa balikat si Ck.
Binalewala nalang muna namin siya.
"So.. ano nang plano mo Cap?", tanong ni Dos sa akin.
"Babawiin natin ang prinsesa natin, pero wag muna ngayon. Pag isipan na muna natin ang dapat nating gawin. Wag tayong padalos dalos. Baka mapahamak pa si Airah pag natiktikan tayo ng mga bandidong yun."
"Sana mali ang paratang natin kay Kid Cap", dagdag ni Ck.
"Sana nga, dahil kung hindi, mapapahamak talaga si Kid sa akin"
Mariin kong sinabi dahil sa kaibuturan ng puso ko, alam ko na that time na hindi talaga kaibigan si Kid.
Pero kahit papaano ay pinagdadasal ko pa rin na itinakas niya lang talaga si Airah at hindi niya dinala sa mga bandido.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanfictionSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...