BEAUTIFUL

266 36 17
                                    

"Parang may kulang pa dyan sa suot mo, hmm", tugon ni Dos na inaayusan akong magsuot ng disguise at tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"Sure ka bang may kulang pa?! Hello? Mukha na nga akong toron sa mga suot ko eh!", I laid on my bed complaining.

Sa kapal ba naman ng pinasuot sa akin ni Dos ay parang di na ako makahinga.

"At tsaka bakit ko pa kailangang mag disguise? Nasa loob na tayo ng inn, matutulog na nga tayo diba?!", bumangon ako at pinatuloy ang pagco-complain.

"Hay naku! Daming satsat mo gurl ha! Nagkaka migraine na ako! Kalurky! Captain's order! Kaya shut up ka nalang at sumunod ka, okay?!", napapilintik si Dos ng kamay niya sa akin.

Napahinto kaming dalawa pareho sa kaartehang inasal niya.

"Whoah! What was that attitude Dos?! Are you..", bigla niyang tinakpan ang bibig ko baka sakaling may makaring sa amin.

"Shut up ka nalang siz please, wiz ng mag ask, nakakalerke ka naman eh", bumigay na ang napaka "muscle" ng grupo.

Nanlaki ang aking mga mata. I was in disbelief.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko na may puppy eyes at pouty lips.

"Are..you..gay Dos?", mahina kong tanong.

Napaupo siya sa higaan ko at nagtakip ng mukha.

Napaupo naman ako sa sofang nasa harap niya lang at hinintay ang paglalantad niya.

"Gosh! Kalurky na talaga this gurl! Wiz na kasing magtanong eh! I'm getting emotional oh!", umiyak siya ng bahagya, at parang alam ko na ang sagot sa tanong ko sa kanya.

"Sorry.. alam ba nila?!"

"Wiz sizteret. Baka masira ang reputation ko, ang lalaki pa naman ng mga muscles ko sa katawan, baka anong sabihin ni CK, majujumbag ako nun!", nagpahid ng luha si Dos.

"Crush mo..si..CK?!", I had a disbelieving face.

"Sizteret stop it! You make me blush!"

"Oh..my..gosh!", I squealed silently.

Kinilig ako sa revelation ni Dos. Parang nahanap ko bigla ang bestfriend kong si Kiss sa katauhan niya.

Si Kiss na namimiss ko na talaga.

Si Kiss na laging nandyan para sa akin. Kamusta na kaya siya?

"Sizzy Airah, pwede favor?"

"Yes? Anong favor Dos?"

"Oh em gee. Please wag mong sabihin sa mga guys. Especially captain and my love CK, pwede?"

Napatitig ako sa kanya na may ngiti sa aking mukha.

"Sa akin ka ba unang nag open up nito?"

Tumango siya.

"Bakit ngayon mo to sinasabi sa akin?"

"Kasi naman sizzy, I almost died out there oh! Baka naman it's time to be a beautiful butterfly na after this mission. And feeling ko maiintindihan mo naman ako eh, you won't judge me naman diba?"

Tumango ako.

"So please, wiz ka na muna mag tell sa kanilang jokla ako.. "

"Bakit ko naman sisirain ang tiwala mo sa akin Dos?"

Ngumiti siya at napayakap sa akin.

"Ay!! Bongga na this! I love you sizter!!"

Natawa kaming pareho at agad naming pinag usapan kung gaano na niya katagal dinadala sa kaloob looban niya ang pagiging butterfly.

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now