Mahihigpit na mga tali sa kamay at paa ko.
Makapal na duct tape sa aking bibig, at mga bandidong nakapaligid sa akin na pinaupo nila sa ibabaw ng isang metal na mesa.
Si Kiss ay inilagay rin nila sa isang maliit na kulungan na nasa tapat ko lang.
Nang buksan nila ang ilaw ay natanaw ko na ang buong paligid.
Nasa isang tagong morgue pala kami. Morgue na daig pa ang isang laboratory sa dami ng mga nakapaligid na mga gamit pang syensya.
Umuungol ako sa likod ng makapal na duct tape na ito. Gusto kong makawala pero hanip magtali si Kid
Yup. Si Kid.
Si Kid na walang kasing traydor sa akin at sa mga kasama niya.
Nilapitan niya ako at tinitigan.
I was shooting daggers at him.
Gusto kong kalbuhin ang lalaking napagkamalian kong bahagian ng special feelings!
"Hala galit ka ba sa akin Airah? Bakit? Niligtas naman kita kina Jon ha?!", Kid was mocking me.
Gusto ko siyang suntukin pero wala akong magawa.
"Ayus lang yan Airah, at least ngayon kasama mo ang best friend mo oh!", dagdag na pang iinis ni Kid sa akin. He smirked at me.
"Tama na yan bunso! Ako na diyan!", tugon ng lalaking may highlights sa buhok.
WTF!!! Kapatid pala niya si Kid ?!/#?
"Nagulat ka no? Hindi ba halatang magkasing gwapo lang kami ni Kid?"
Inirapan ko siya.
Nang mukha siyang mainsulto sa ginawa ko ay hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko at idiniin papalapit sa kanya.
"Alam mo Airah, buti nalang talaga at papakinabangan pa kita. Kasi kung hindi, matagal na kita pinatay", banta niya sa akin.
"Kuya.. relax.. hindi mo talaga siya pwedeng saktan, ngayon pa at napatunayan nang positibo nga siyang nagtataglay ng milagro sa dugo niya", dagdag ni Kid na hinihimas ang likod ng kuya niya.
"Job well done bro!", natatawang sagut ng lalaking may topak.
"So pwede ko na palang paumpisahan ang pagkukuha sa dugo mo ngayon Airah. Akalain mo, yung hindi ko nakuha kay Sgt. Aaron Dante dati ay sayo ko pala talaga makukuha Airah"
Naguluhan ako. So dati pa pala talagang may binabalak ang magkapatid na ito sa akin. Sa amin ng kuya ko.
"Sayang kasi yun si Dante, nagpaka hero kaya maagang namatay! Buti nalang at may kapatid pa siyang wala ring kamuwang muwang sa kung ano ang meron siya"
Tumawa sila ng malakas.
Yung tipong tawa na lubos ang ligaya.
Napansin niyang nakatitig lang ako ng masama sa kanya kaya kinuha niya ang duct tape ko sa bibig.
"Bwesit ka!! Wala kayong puso!! Traydor ka Kid!!!"
Isinigaw ko lahat ng galit ko sa kanila.
"Magbabayad kayo!!! Ilabas niyo kami dito!! Ilabas niyo ang daddy ko!!"
"Ang ingay mo Airah! Takpan mo nga yan ulit Draco!", naiinis na sambat ni Kid.
Agad namang ikinatuwa ni Draco ang pagtatakip ng bibig ko.
"Hoy Airah ang kuya mo ang traydor! Walang pakisama!", sumbat ni Kid.
"Tama na yan bro, magpahinga ka na muna. Ako na dito", sabat ng kuya niyang may toyo.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanficSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...