LONGER

315 40 22
                                    

Nagising ako bigla sa kalagitaan ng gabi ng biglang naputol ang music na pinakikinggan ko sa walkman ni Dos.

Nang bumangon ako ay agad na tumambad sa aking paningin ang nakatitig na si Jon.

"Oh? Bakit?!", agad kong naitanong sa kanya na nakatitig pa rin sa akin.

"Nanaginip ka?", tanong niya sa akin na kalong kalong parin ang armas niya.

Siya lang ang gising sa aming lahat.

"Wag kang mag alala, kahit tulog sila safe ka parin prinsesa", sarkastiko niyang pagkakasabi sa akin pero may halo ng kaunting paglalambing.

Wala pa rin akong imik sa kanya habang tinatanggal ko ang earphones sa mga tenga ko.

"Bakit hindi ka natulog?", nagsalita na rin ako bago pa maging awkward ang pagtitinginan naming dalawa.

"Sino ang magbabantay sa mahal naming prinsesa kung matutulog ako?", this time alam kong nagbibiro na siya.

Nakangisi siyang tumitig ulit sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Nanaginip ako", dagdag ko.

"Ano naman ang napanaginipan mo?"

"Dinurog mo raw ang cellphone ko", ngumisi ako sa kanya.

Himala namang napatawa ko siya ng mahina sa joke ko.

"Totoo?", he gave me a smirk.

"Napanaginipan ko ang kuya ko"

"Si Dante ba lage ang napapanaginipan mo?"

"Hindi naman lage, pero madalang lang. Siguro masyado ko siyang nami- miss"

"Alam mo. Malayong malayo ka talaga sa kuya mo ano? Mabait yun eh"

"At ako?"

"Well, isa kang prinsesa"

"What's that supposed to mean?!"

"Hindi ka sanay mahirapan, ang sosyal mo kaya", nagbiro siya ulit pero this time hindi ako natawa.

"Alam mo Jon, siguro kung marunong ka lang makipag usap sa mga babae siguro maiintindihan kita. Kaya lang nakakinis ka eh"

"So naiinis ka sa akin?"

"Palagay mo?!", itinaas ko ang kilay ko sa kanya.

"Naiinis ka o nagwagwapuhan ka sa akin?", pangisi niyang sagut sa akin na inaayos ang buhok niya at yung hikaw niya.

"You're nervous aren't you?!", bigla kong naitanong sa kanya while squinting my eyes on him.

"Ha?"

"Kinakabahan ka nga"

"Ako? Bakit?"

"Napapansin ko kapag parang balisa ka o kinakabahan ka, sabay mong inaayos ang buhok mo at hikaw mo", I gently smiled.

"Ang sabihin mo napopogian ka talaga sa akin", inilapit niya ang sarili niya sa akin.

"Am I making you nervous Jon?", may panghahamon sa tinig ko.

Nagkasubukan kami sa titigan. Pero pinili niya agad iwasan ang titig ko.

Nang masabi ko yun ay para ba siyang biglang na conscious at biglang tumayo.

"Oh saan ka pupunta Jon? Di pa ako tapos eh?"

"Dun lang."

Naglakad siya papalayo at sinubukang takasan ang awkward moment namin.

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now