NO

272 32 17
                                    

Malayo na ang narating namin. Kumakabog pa rin ang dibdib ko sa sobrang takot sa nangyari sa amin.

"Captain saan tayo pupunta ngayon?, nag aalangang tanong ni Kid sa mukhang naguguluhan ring si Jon.

"Wala pa akong ideya, CK tignan mo nga ang mapa at alamin mo kung may ibang kampo pa sa kabilang bayan", utos ni Jon kay CK.

"Trinaydor tayo nina Benjo at Eli, bakit nila nagawa sa atin yun?", nanggagalaiting tanong ni Dos habang nagmamaneho ng armoured van na sinasakyan namin.

Tulala pa rin ako. Wala akong matinong maisip.

Bakit may gustong pumatay sa akin? Sa amin?

"Ayos ka lang ba Airah?", tanong ni Kid sa akin na napansin yata ang pamumutla ko sa takot.

"Gusto ko ng umuwi sa daddy ko Kid", wala akong ibang nasagot.

"Hindi pa pwede. Nacompromise ang mission namin. Hanggat hindi pa natin alam kung sinong mga ahas ang may pakana nito, hindi ka pa namin pwedeng ibigay sa iba", mariin na sabat ni Jon.

"Wag kang mag alala Airah, nandito naman kami. Andito ako, handa ka naming protektahan.", pinangako ni Kid.

"Bakit ba kasi nila ako gustong patayin? Ano ba kasing meron ako na gusto nilang makuha? Kung pera ang hanap nila wala ako nun, malamang wala naring pera ang daddy ko sa sitwasyon namin ngayon!"

"Pwede ba Airah! Tumahimik ka na nga muna! Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon eh!", galit na bungad ni Jon na masama ang tingin sa akin.

"Cap, easy. Nasa shock stage pa siya, hayaan muna", sabat ni Kid na tinapik ang likod ni Jon.

"Cap! Sa bandang unahan pa may mararating tayong kagubatan, malayo pa ang susunod na bayan mula rito. Dun na muna tayo magpahinga at ng makapag plano tayo ng maayos", bulalas ni CK sabay turo sa mapa na hawak niya.

Hininto ni Dos ang sasakyan sa may paanan ng bundok. Katabi lang nito ang isang masukal at madilim na kagubatan.

"Maglakad nalang muna tayo papasok ng kagubatan", tugon ni Dos na lumabas na ng van.

"Boys, alerto lage. Bantayan ang prinsesa", utos ni Jon na may halong pangungutya sa akin.

"May problema ka ba sa akin?! Sabihin mo lang! Hindi ako natatakot sayo!", hindi ko mapigilang magalit na sa kanya.

"Puro ka pasaring eh!", dinagdag ko pa.

Hindi nakapagsalita si Jon. Sa halip ay nginitian niya ako at sarkastikong sumaludo bago tumalikod sa akin.

"Tama na yan Airah, walang magandang maidudulot ang bangayan niyo eh", tugon ni Kid na inihanda ang mga armas niya.

"Sa wakas! Nakahanap rin ng katapat ang kapitan namin! Ayos to ha!", pang aasar ni CK sa akin habang binibitbit ang mga gamit niya.

Hindi ako natuwa sa pang aasar nila.

Wala ako sa mood na makipagbiruan sa kanila dahil parang unti-unting nagiging impyerno ang buhay ko pag kasama ko sila.

Well, maliban kay Kid na alam kong genuine ang pag aalala sa akin.

Nang makarating na kami sa gitna ng gubat ay napagpasyahan nilang doon na muna magpahinga at magpalipas ng gabi.

"Dos, natabunan mo ba ng maayos ang sasakyan natin?", tanong ni Jon na kunyari hindi ako nakikita sa harapan niya.

"Tapos na Cap! Tinabunan ko na ng mga sanga at malalaking dahon"

"CK, tulungan mo nga akong magsiga ng mga kahoy ng di naman malamigan ang bisita natin. Tara maghanap tayo ng panggatong!", saka niya lang ako tinignan ng magpasaring na naman siya. Tumawa lang silang dalawa at nangahoy na.

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now