"Dad? Bakit po nag iba tayo ng driver? Nasaan so manong Red?",usisa ko agad agad ng makarating ako sa bahay habang nadatnan kong nagbabasa ng kung ano ano si daddy sa laptop niya at may kausap sa telepono.
Di niya agad ako pinansin.
"Dad?! Hello?!"
"Oh anak? Andyan ka na pala?"
Kaninang kanina pa nga ako dito at ngayon pa lang niya ako napansin.
"Ano yun ulit anak?", he demanded to hear again what I've just said.
"Nasaan si manong Red? Bakit si special agent Kid ang driver ko kanina?!"
"Manong Red is relieved from work muna anak, he had to deal something with his family sa Bacolod", hindi pa rin nakatoon sa akin ang full attention ni dad.
"Dad, ten years na nating driver si Manong Red, why so sudden? Is he fired? May ginawa ba siyang mali?", pangungulit ko sa daddy ko na nakaharap pa rin sa laptop niya.
"Anak mamaya na okay? Busy pa kasi ako eh. Mag uusap tayo mamaya promise, okay?"
"Ganyan naman kayo dad eh, busy na nga sa labas pati dito sa loob ng bahay busy pa rin"
Nag walk out na ako sa harap ng daddy ko, iniwan ko na rin doon si agent Kid na laging nakabuntot sa akin.
Ano kaya ang meron at biglaan lahat ang pagpapalit dito sa bahay?
Umakyat na muna ako sa kwarto ko para magpahinga saglit bago kumain ng hapunan, yun ay kung meron pa akong ganang kumain kasama ang tatay kong wala namang paki sa akin ngayon.
"Airah, nandyan ka na pala. Nagkausap na kayo ng daddy mo?", pag usisa ni nanay Ester.
"Eh busy daw siya nay eh, hayaan nyo na"
"Di ka ba nagtataka?"
"Sa alin po nay?", napabangon ako sa kama.
"Yung daddy mo nag half day lang kanina sa office niya. Nang umuwi dito kinausap yung mga security dito pati si Red. Tapos parang may pagkakaintindihan na sila o may napag usapan na dati at pagkatapos nun nagpaalam na sila Red pati yung dati nating mga guard dito sa bahay ay nagpaalam na rin. Hindi mo ba napansing bago lahat ang drivers nyo at mga sundalo na nakabantay sa bahay?"
"Hindi ko po napansin yung mga sundalo sa labas ng bahay nay, pero yung driver ko si special agent Kid daw siya", I smirked sarcastically.
"Naku ano ba yan, ano kayang meron anak?"
"I seriously don't know nay, akala ko nga si manong Red lang ang umalis dito eh."
"Sinubukan mo bang tanungin ang daddy mo?"
"Kanina po pero parang marami siyang ginagawa dun sa loptop niya. Ang nakakapagtataka pa po nay, sunod ng sunod sa akin yung Kid, laging nakabuntot parang bodyguard. I mean may mga bodyguard ako pero hindi ganyan ka lapit magbantay, medyo oa."
"Ay ewan ko, basta subukan mong itanong sa kanya mamaya kung ano ang nangyayari dito. Baka sa susunod kami naman ang aalis",biro ng matanda na may kaunting pag aalala.
"Nay, hinding hindi ka niya ilalayo sa akin", nilambing ko si nanay Ester at napayakap sa kanya.
"Hindi naman ang trabaho ko ang pibag aalala ko kung sakaling malalayo ako. Ikaw. Ikaw ang priority ko eh. Oh siya sige na bumaba na tayo at kakain na"
"Opo nay, susunod na po ako, love you!", paglalambing ko pa kay nanay Ester na bumaba na agad.
Nang sumunod na ako sa baba para kumain ay nagulat ako ng makita ko ang mga bagong mukha sa mahabang hapag kainan.
YOU ARE READING
Affliction (A MayWard Sci-fan fiction)
FanfictionSet in a near future setting where epidemics and other diseases are supposed to kill many people. Airah Dale Simeon, a senior high student finds her life in danger when government men are after her. Why? Is it because she's the daughter of a prestig...