LOVE

326 41 13
                                    

Dagumbol ng puso ko ang tangi kong naririnig habang nakasakay sa armoured van. Nangilid ang mga luha ko kasi ni isa wala akong kakilala sa mga sundalong katabi ko maliban kay Kid.

Wala akong ibang dala kundi ang bag ko na naglalaman ng kung ano anong mga damit ko, cellphone ko at yung wallet ko.

Nakahawak lang ako sa kwentas na binigay ni daddy. Sekretong nananalangin na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan at sana magkasama na kami ulit.

Sinubukan kong I on ang cellphone ko pero nakapatay parin, hindi ko alam kung bakit pero baka may kinalaman ang mga nangyayari ngayon sa amin.

"Ahm, excuse me Kid? Saan niyo ba ako dadalhin?", tensyunado kung tanong kay Kid.

"Sa malayo at ligtas na lugar Airah. Wag kang mag alala, walang mananakit sayo dito. Lahat kami dito ay mga guardians mo, lahat kami dito kakampi mo", he smiled trying to reassure me.

"Eh yung daddy ko? Saan ba siya papunta?", nangilid parin ang luha ko.

"Wag kang mag alala Airah, ilang araw pa at makakasama mo ulit si senator Simeon, magpahinga ka na muna. Mukhang di ka nakatulog na maayos eh"

Hindi ako mapakali kahit sa mga sinabi ni Kid sa akin. Parang may kakaibang pakiramdam ako, para bang matatagalan pa bago ko makita ulit ang daddy ko.

Nang mapansin ni Kid ang pagkabalisa ko ay agad naman siyang nagsalita ulit.

"Ganito nalang Airah, isipin mo lilipat lang tayo ng location. Parang sa isang safe house? At yung daddy mo susunod rin sa atin makalipas ang ilang araw, may aayusin lang siya."

Tumango ako. Pinilit ko ang sarili kong maniwala sa lahat ng assurance niya. Pero yung masamang pakiramdam sa loob ko ay nandun parin.

"Siya nga pala, para mas makilala mo pa kami at mawala ang kaba mo, isa isa kaming mag iintroduce sa iyo. Boys!"

Agad namang nagsalita ang limang sundalo na kasama namin sa van.

"First lieutenant Arvy"

"First lieutenant Benjo"

"Second lieutenant CK"

"Second lieutenant Dos"

"First lieutenant Eli"

"At ako naman si first lieutenant special agent Kid"

Sumaludo silang lahat sa akin, seryoso ang mga mukha at parang nakahanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa daan.

Sobra ang pag aalala ko sa lahat ng mga bagay na nangyayari. Wala ang daddy ko sa tabi ko, wala si nanay Ester, di ko matawagan si Kiss at higit sa lahat napapalibutan ako ng mga di ko kakilalang mga sundalo.

Kung sakali mang merong mangyaring masama sa amin ngayon, sino ang tatakbuhan ko sa kanila?!

Narinig kong tumunog ang radyo ni Benjo, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng sundalo sa kabilang linya pero nasabi niyang hinihintay na raw ako sa camp.

Camp? Anong camp? Bakit sa camp?

Lalo pa akong kinabahan. Tumatakbo na sa isip ko yung mga sinasabi ni Kiss sa akin kagabi. Yung tungkol sa mga nawawalang teenagers at mga viruses? Paano kung may virus pala ako kaya ako inihiwalay kay dad? Paano kung kinukuha pala ako ng mga ito para I detain? Paano kung ang camp na sinasabi nila ay di naman talaga kampo? Pero isang laboratoryo para pag aralan ang virus na meron ako?

Mababaliw na yata ako sa kakaisip. There's a million things running loose in my mind.

Sana magising na ako sa masamang panaginip na ito!

Affliction (A MayWard Sci-fan fiction) Where stories live. Discover now