Part 2

3.6K 70 2
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Laurisse pagkalabas niya ng office of the president. As usual, katakot-takot na sermon na naman ang sumalubong sa kanya pagdating niya ng St. Peter's Medical Center. Nakarating na naman sa kanyang ama ang pagiging late niya ngayong araw. Bigla niyang nahilot ang kanyang sentido. Paulit-ulit na lang. Tuwing may pagkakamali siya kahit gaano pa kaliit iyon ay hindi nakakalagpas sa kanyang ama na lagi na lang atang mainit ang ulo sa kanya.

Pagdating niya sa kanyang clinic ay napatungo na lamang siya sa kanyang mesa. Paano ba siya matatanggap ng kanyang ama? Paano ba matatanggap ng kanyang ama na siya ang naroon na kasama nito?

"Pasensya na. Sinubukan ko namang pagtakpan ka, e. Hindi ko alam na didiretso siya sa mga guard at titingnan ang attendance mo."

Iniangat niya ang ulo at pilit na nguniti kay Jessie na malungkot ang mukha. "It's okay, Jessie. Wala kang kasalanan. Nagkataon lang talaga na may nangholdap sa sinakyan kong UV. Malas lang talaga siguro ngayong araw."

Bigla naman itong naupo sa patient's chair at lumapit sa kanyang mesa. "Oh. Kumusta nga pala? Hindi ka ba nasaktan? Hindi ka ba napahamak. Naku, baka may sugat ka. Ano? Tawag na ba ako ng doctor?"

"Kalma," aniya sa pagkakataranta nito. "I'm fine. Hindi naman ako nasaktan."

"Sigurado ka?" Sinuri pa nito ang buong katawan niya mula ulo hanggang sa paa.

"See? Wala naman akong benda."

Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon. "So, ano nga? Anong nangyari?"

Nagkibit-balikat lamang siya. "Inagaw ko 'yung baril ng holdaper," kaswal na sagot niya.

"What?!" singhal nito sa kanya. "Nang-agaw ka ng baril?!"

Napatitig naman siya sa nanlalaking mga mata ni Jessie. Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Jessie! Nakakalimutan mo na ba? Nag-aral ako ng Tae Kwon Do. So, I did what my sense told me. Sinipa ko 'yung kamay niya para mabitawan niya 'yung baril."

"Buti hindi ka inatake ng holdaper na iyon?"

Napahinto siya sa tanong na iyon ng sekretarya niya slash bestfriend. Naalala niya tuloy ang guwapong mukha ng lalaking tumulong sa kanila kanina. Oh by the way, his name is Erik. Biglang umusli ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang pangalan ng binata at ang naging pag-uusap nila bago sila maghiwalay ng landas kanina sa himpilan.

"So, sino nga 'yang lalaking 'yan?"

Napabalik naman siya sa tunay na mundo nang marinig ang boses ni Jessie at nang bumaling siya dito ay may panghuhusga na itong ekspresyon sa kanya. "Anong lalaki ka d'yan?"

"Girl, don't me. Nakangiti ka d'yan. Sino 'yan, ah?"

"Wala."

"Anong wala? Ngiting-ngiti ka d'yan. Panigurado lalaki 'yan."

"Bakit lalaki naman agad?"

"Kapag 'yan dahil sa lalaki, ililibre mo ko ng lunch mamaya."

"Ha! Grabe naman!"

"Oh, defensive! It means lalaki 'yan."

Napatigil siya sa sinabi ni Jessie. Mukhang wala talaga siyang takas sa kaibigan niyang ito. Lakas mang-asar at lagi siyang nako-corner.

"So, sino nga? Anong pangalan?" usisa pa nito. Mukhang hindi talaga siya nito titigilan hanggat hindi siya bumibigay.

"Erik."

Nanlaki naman ang mga mata ni Jessie nang sabihin niya nang walang paligoy-ligoy ang pangalan ng binata. Napanganga pa ito habang umiiling-iling. Pigil pa nito ang tili habang siya naman ay natatawa lang sa itsura nito.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon