NAPASANDAL na lamang ng ulo si Laurisse sa headrest ng kanyang swivel chair. Katatapos lang ng huling pasyente niya sa araw na iyon. Narinig niya ang nagbukas-sara ng pinto ng kanyang clinic pero hindi siya nag-abalang tapunan ng tingin ang sinumang pumasok. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at pilit pinagpapahinga ang kanyang isip sa maghapong trabaho.
"Gusto mong kumain sa labas pagkatapos?" narinig niyang paanyaya ni Jessie.
Iniangat niya ng ulo at tiniklop ang mga folder sa ibabaw ng kanyang table at tinago iyon sa loob ng drawer.
"Sagot mo ba?" tanong niya.
"Sige."
Gulat na napatitig siya sa kaibigang nakaupo sa visitor's chair. "Seryoso?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo," sagot ni Jessie. "E'to naman parang ngayon lang ako nagyayang libre ko, ah."
Umakto siyang nag-iisip. "Wala akong maalala."
"Grabe, ah!"
"So, bakit nga bigla kang nagyaya?" usisa niya dito.
Bumuntong-hininga ang kaibigan na parang hirap magsabi. "Sige na nga! Sasabihin ko na. Pansin ko kasi nitong mga nakaraang araw parang ang bigat ng piangdadaanan mo. Gusto ko lang naman pagaanin kahit papaano."
Napangiti siya sa sinabi ni Jessie. Malaki talaga ang pagsasalamat niya at nagkaroon siya ng tunay na kaibigan sa katauhan nito.
"Basta sagot mo, ah! Wala nang bawian!"
"Oo na! After work hours?"
"Sige."
"PAANO ko malalaman kapag ang isang tao ay iisa sa taong nakilala ko twenty-one years ago?"
Kitang-kita ni Erik ang pagkakunot ng noo ni Dr. Cortez sa kanya. Nasa laboratory sila sa ikapitong palapag ng St. Peter's Medical Center. Kasalukuyan silang nasa gitna ng experiment kaso ang utak niya'y wala sa trabaho. At hindi niya alam kung bakit bigla na lamang lumabas mula sa kanyang bibig ang tanong na iyon.
And the way Dr. Cortez looked at him, parang hindi ito makapaniwala sa tanong niya.
"Geneticist ka ba talaga? O nagpapanggap ka lang?" nanunuyang tanong ng kasamahang doktor.
"Po?" wala naman sa sariling tanong niya.
Napapailing na lamang ang doktor sa kanya. "DNA ang pinag-aaralan natin pero parang wala kang alam sa propesyon natin. Gusto tuloy kitang ipatanggal dito."
"Dok naman!" ungot dito.
Dr. Cortez looked straight in the eye. "Kung gusto mong malaman kung siya talaga ang taong nakilala mo noong bata ka pa, bakit hindi mo i-test ang DNA niya? Siguro naman may mga gamit ka na galing sa kanya na puwede mong maging specimen. Tapos kuha ka ngayon ng buhok ng pinaghihinalaan mong siya. Kapag nagmatch, e'di siya, kapag hindi. Sorry na lang. Ang dali ng problema mo, masyado mong pinoproblema. Hayaang mong problema ang mamroblema sayo."
Natulala siya sa binigay na suhestyon ng kasamahan. Hindi iyon pumasok sa isip niya pero puwede niya iyong pagpilian. Halos hindi naputol ang pagkakatitig niya sa hawak na specimen at sa microscope na nasa kanyang harapan.
"Hulaan ko. Ayaw mong subukan dahil isa sa inyo ang paniguradong masasaktan kapag hindi umayon sa gusto niyo ang magiging resulta," biglang singit ni Dr. Cortez. "Kung ganyan rin naman pala, huwag mo nang ituloy kung hindi naman kayo handang masaktan."
Halos lumabas ang puso niya sa dibdib sa sobrang kabang nararamdaman. Paanonkaya kung maging choice niya iyon? Kaso nangako na siya. Whether she's Laurisse or Lauraine, he will keep her.
Pero hindi matatahimik ang isip niya hanggat hindi niya nalalaman.
HALOS sampung minuto nang naghihintay si Erik sa labas ng clinic ni Laurisse. Hindi na siya kumatok dahil alam niyang nag-aayos na rin ito upang mag-out sa trabaho at narinig niya rin ang boses ni Jessie sa loob.
Inihanda na niya ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi nang bumukas ang pinto. Kitang-kita naman niya ang gulat sa mukha ng dalawang babae.
"May lakad kayo?" tanong niya sa mga ito dahil napansin niyang bihis ang mga ito at mukhang may pupuntahan.
"Erik? Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Laurisse.
"Ide-date ko lang si Laurisse. Hindi naman siguro sasama ang loob mo?" tuya sa kanya ni Jessie.
"Hindi ba ako imbitado?" aniya na mah pilyong ngiti.
"Hindi," diretsahang sagot naman ni Jessie na kinatawa niya.
"Jessie!" pigil ni Laurisse sa kaibigan.
"Okay lang. May iba rin naman akong lalakarin. Ihahatid lang sana kita pagkatapos ay aalis rin ako. Kaso mukhang may lakad naman pala kayo ni Jessie."
"Saan ka pupunta?" tanong ni Laurisse.
Nginitian niya ito at hinila ito palapit sa kanya. "Magkikita kami ni Bryan. You met him last time sa Genetika Amore, 'di ba?"
Tumango-tango naman ito.
"Wait! Wait! What is the meaning of that!" pang-uusisa ni Jessie sabay turo sa magkasaklob nilang mga kamay.
Bibitawan sana siya ni Laurisse pero hindi niya ito hinayaan. "Keep my woman safe. Or else wala ka ng free delivery meal."
Halos manlaki ang mga mata ni Jessie sa kanilang dalawa. "Akala ko may pinagdadaanan ka this past few days! Iyon naman pala may protective bf ka na pala! Niyaya pa kitang kumain sa labas!"
"Magpapaliwanag ako," ani Laurisse na parang nahuling may kalandian ng magulang.
"Dapat lang!" anito. Nagulat naman siya ng sa kanya naman ito bumaling. "At ikaw!" sabay duro nito sa kanya. "Kung madadaan mo ko sa pa-free delivery meal mo! Pwes! Damihan mo sa susunod! Gusto ko may pa-dessert na! Wala man lang panghimagas! Kakaloka!"
Hindi makapaniwalang napatitig na lamang siya kay Jessie at sa sinabi nito. Maging si Laurisse ay halos hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.
"Hoy!" agaw ni Jessie sa atensyon niya. "Akala mo tapos na ko! Tandaan mo 'to! Hindi purkit crush kita noon at botong-boto ako sa iyon dati para kay Laurisse, e, ayos tayo, ah! Kapag sinaktan mo si Laurisse, magkakapatayan tayo dito!"
"Jessie!" saway ni Laurisse sa kaibigan. "Anong pinagsasabi mo?!"
"Hindi ako nagbibiro! Samurai expert tatay ko! Papa-salvage kita kapag sinaktan mo si Laurisse!" patuloy ni Jessie.
"Jessie, ano ba!"
"Walang puwedeng manakit sa kaibigan ko!"
"Pangako." Pinutol niya ang anumang iba pang sasabihin ni Jessie. "Pangako. Wala akong gagawin na makakasakit sa kanya."
He saw how Laurisse got in the middle of their conversation. At alam niya sa sarili niyang hindi niya rin kayang masaktan ang babae. Gagawin niya lahat para mapasaya ito kahit pa kapalit ay ang mapait na katotohanan na puwedeng sumabog sa harapan kapag ginawa na niya ang suhestyon ni Dr. Cortez.
"Good," sagot ni Jessie. "So, alis na kami. Girls' bonding muna kami."
"Iingatan ko siya," ani Jessie sabay kindat sa kanya. "Iingatan ko siya upang hindi siya masaktan."
Hinawi ni Laurisse ang braso ni Jessie. "Tama na nga iyan." Bumaling naman ito sa kanya. "Mag-iingat ka sa lakad mo."
Tumango-tango siya. "Kayo rin."
"Ingat ka, ah! Baka may mabangga ka! Hindi mo na alam may mawawala na pala sa'yo sa kakabangga mo!" Habol na paalala ni Jessie habang hila-hila na ito ni Laurisse palabas ng building.
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...