"I told you. I'll give you good news. Wanna know it? Beer? At the same place?"
Napapailing na lamang si Erik sa klase ng paanyaya sa kanya ni Bryan nang mabasa niya ang text message na iyon ng kaibigan. Pero hindi rin naman niya maitatanggi ang kabang naramdaman nang matanggap ang mensaheng iyon. Alam niyang maaasahan ang kaibigan sa pinagawa niyang pabor dito.
And there, in a minute, he would knownthe truth.
Mabilis na lumabas siya ng bahay. Saglit siyang napatitig sa bahay nila Laurisse. Alam niyang nakauwi na ang dalaga.
Malalaman na natin ang totoo. At sana hindi mo ako kamuhian sa ginawa ko.
Mabilis na sumakay siya ng kanyang sasakyan at pinandar iyon. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Kahit gustong paliparin ang sasakyan upang makarating sa pupuntahan ng mabilis ay wala siyang nagawa.
Mabilis niyang pinasibat ang sasakyan nang makalagpas siya sa bahay nila Laurisse. But he felt uncomfortable when he was about to turn the car in the next crossing. At nang mapatingin siya sa side mirror ay halos tumalon ang puso niya nang makita niyang humahabol sa kanya si Laurisse. And he felt that scene was already happened years ago. Oo nga pala, noong umalis siya 23 years ago para mag-aral sa ibang bansa. Hinabol rin ni Laurisse ang sasakyan nila noon.
Nakita na lamang niya ang sarili na mabilis na hininto ang sasakyan at nagmamadaling tinanggal ang seatbelt at sumibat palabas ng kanyang sasakyan.
Nagulat pa siya nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Laurisse nang marating nito ang puwesto niya. Para namang dinurog ang puso niya nang marinig niya ang hagulgol ng dalaga habang nakasubsob sa dibdib niya.
"Huwag kang umalis! Huwag mo kong iwan! Dito ka lang! Huwag mo na ang iwan ulit, please!" hikbi sa kanya ni Laurisse.
Halos manlaki naman ng mga mata niya sa narinig. Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi niya maintindihan kung bakit ito humabol sa kanya habang naiyak.
"Hindi naman ako aalis. Hindi naman kita iiwan. Magkikita kang kami ni Bryan," pag-aalo niya dito. Nilayo niya ito sa kanya ng kaunti upang magtama ang mga mata nila. Parang pinana ang puso niya nang makita niya ng mugtong mga mata ni Laurisse. Sa itsura nito ay mukhang kanina pa ito umiiyak. "Babalik rin ako. Saglit lang kaming mag-uusap ni Bryan. Hindi naman kita iiwan."
"Hindi!"
Nagulat siya sa pagtaas ng boses ni Laurisse sa kanya. Hindi niya maintindihan ang nagiging reaksyon nito. Pinunasan niya ang basa nitong mukha gamit ang kanyang panyo. Hindi niya gusto na makitang umiiyak ang dalaga. At mas lalong masakit na umiiyak ito dahil akala niya ay iiwan niya ito.
"Umalis ka rin dati sabi mo babalik ka! Pero ang tagal mong bumalik! Ayoko na maghintay pa ng matagal!"
Ang pagpupunas niya sa luha nito ay nahinto sa sinabing iyon ni Laurisse. Bumakas ang gulat sa mukha niya. Ayaw pang irehistro ng isip niya ang ibig sabihin ng mga sinabi nito.
Hinawakan ni Laurisse ang manggas ng damit niya at hinala-hila iyon. "Dito ka lang! Huwag kang umalis! Dito ka lang! Erik! Kapag umalis ka, mababaliw na ako! Dito ka lang!"
"Oo. Oo. Oo," sunod-sunod niyang sagot. Mukhang sa ganoong paraan niya lang mapapakalma si Laurisse. "Hindi na ako aalis. Dito lang ako. Hindi kita iiwan."
"Pangako?"
Napatitig siya sa mukha ng dalaga. That face. It was so familiar to him. Pinakatitigan niya ang mukha ni Laurisse. Hindi siya puwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ang reaksyon na iyon.
"Laurisse?" wala sa sariling tawag niya sa dalaga.
Pinakalma muna nito ang paghikbi at huminga ng malalim. "Naaalala ko na ang lahat."
Pakiramdam niya ay lumuwag ang paghinga niya sa sinabing iyon ng dalaga. "N-Naaalala mo na?"
Tumango-tango si Laurisse. "Ako si Laurisse. Ako si Laurisse!" isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Naaalala ko na, Erik! Naaalala ko na lahat! Simula nang magpakilala ako sa iyo dati! Noong naglalaro tayo sa playground! Binibisita kita sa bahay niyo! Noong nagmimiryenda tayo ng banana pancake na gawa ng mama mo! Noong naglalaro tayo ng Chess pero lagi kang talo! Noong mga alaala natin noong bata pa tayo... nabawi ko na. Nabawi ko na silang lahat, Erik. Alam ko na ang totoo..."
Ang masayang ngiti sa labi ni Laurisse ay napaltan ng lungkot na pingtaka niya. "Bakit? Okay ka lang? 'Di ba dapat masaya ka? Naaalala mo na ako! Naaalala mo na lahat ng memories natin! Ikaw talaga si Laurisse!" Niyakap niyang muli ito ng mahigpit. Ang puso naman niya ay nagdidiwang sa nalaman. Ito marahil ang magandang balitang gustong iparating ni Bryan sa kanya. The Laurisse he has now is the same Laurisse he had before.
"Pero ang puso ko ay pagmamay-ari ni Lauraine..."
Ang ngiti niya'y napaltan ng pantay na linya. Pinoproseso ng utak niya ang sinabing iyon ni Laurisse. Napabitaw siya ng yakap at tiningnan ang dalaga.
"I had a cardiovascular disease. My heart malfunctioned. Hindi ako puwedeng mapagod. Bumabagal ang tibok ng puso ko. Lauraine wanted to be my doctor..." Isang hikbi ang kanyang narinig mula kay Laurisse. "...pero hindi siya naging doktor. Kundi... siya mismo ang naging heart donor ko."
Ngayon naiintindihan na niya lahat. Kung bakit galit na galit sa kanya si Lauraine noong sinubukan niyang magpaalam kay Laurisse sa araw mismo ng pag-alis nila papuntang US. He clearly understands Lauraine's words, Laurisse was in the hospital. The day before their flight to US, he played with Laurisse in the playground all day. Pagod na pagod sila sa kakatakbo, kakalaro. At hindi niya alam na bawal pala iyon kay Laurisse. Sinugod sa ospital si Laurisse noong araw na iyon dahil sa kanya. Dahil gusto niyang sulitin ang huling araw na makakasama niya si Laurisse.
"Kasalanan ko kung bakit kami naaksidente. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kung hindi ko siya niyaya na pumunta ng Baguio, e'di sana buhay pa---."
Mabilis na niyakap niya si Laurisse dahilan upang maputol ang sinasabi nito. "Don't blame yourself. Hindi mo kasalanan iyon. Hindi mo naman alam na mangyayari iyon. Walang may gusto 'nun."
He felt Laurisse hugged him back. "Hindi ko pinagsisisihan na tinuloy ko ang kagustuhan niyang maging doktor. Pakiramdam ko kahit papaano ay nakabawi ako sa kanya. Tinupad ko ang kagustuhan niyang maging doktor. Ako na ang tutupad sa pangarap niya."
"Alam kong masaya si Lauraine na makitang kang masaya. Hindi niya gugustuhing mabuhay ka na puno ng pagsisisi. Magiging masaya siya para sa iyo dahil nakikita niyang masaya ka," aniya.
"I'm so happy to have a sister like her. Siya nag dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon. Utang ko sa kanya ang buhay ko."
"Ako rin," aniya. "Utang ko sa kanya kung bakit kasama pa kita. At habangbuhay kong tatanawin ng utang na loob iyon."
Finally, his heart felt overwhelmed seeing Laurisse's smile again.
"I love you," he said. Then, he kissed her forehead. "Hindi na ako aalis ulit. Dito lang ako sa tabi mo. Ako na ang magbabantay sa iyo."
Laurissed nodded with smile.
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...