Part 3

2.8K 50 1
                                    

"DON'T LAUGH at me!"

Inirapan niya si Jessie pagkapasok nila kanyang clinic. Kanina pa siya naiirita pero hindi naman niya magawang sisihin ang kaibigan. Nagmukha siyang walang alam sa harapan ni Erik kanina. Nanlulumo na lamang na napaupo siya sa kanyang swivel chair.

"Kalma, girl. Okay lang iyan. Hindi ka naman siguro masyadong aasarin ni Erik."

Pinanlakihan niya ng mga mata si Jessie. "He knows me! Ang mas malala pa, dito rin siya nagtatrabaho pero hindi ko siya kilala!"

Umupo si Jessie sa kaharap niyang upuan. "Minsan kasi, lumabas ka dito sa lungga mo."

Kumunot ang noo niya. "Kilala niya ako? Alam niyang dito ako nagtatrabaho?" aniya na may pagtataka.

"Duh!" ani Jessie na may pag-irap pa. "Malamang na-interview 'yan ni Dr. Galvez noong mag-apply iyan dito. At kalat sa buong ospital na ama mo 'yun so nasagap 'nun ang balita."

Nagngitngit ang mga ngipin niya sa sinabi ni Jessie. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo at kinuha ang kanyang bag. "Mag-ayos ka na. In a half hour, mag-a-out na ako. Gusto kong magpahinga sa bahay. Masyadong tense ang naging araw ko."

"Okay po, dok." May nakakaloko pa ring ngiti si Jessie na sinawalang bahala na lamang niya. Inayos na rin nito ang record ng bata na tiningnan niya kanina.

Pakiramdam ni Laurisse ay mukhang makikipagsapalaran na naman siya sa UV Express na masasakyan pauwi. Heto na naman siya at naghihintay sa labas ng ospital ng masaskayan. Nakailang tingin na siya sa kanyang relo pero halos kalahating oras na siyang naghihintay ng matinong masasakyan, 'yung tipong hindi mahoholdap. Napataas naman siya ng kilay nang may biglang humintong putting kotse sa kanyang harapan. Sinawalang-bahala na lamang niya ito pero laking gulat niya nang bumaba ang salamin ng kotse at ang nakangiting mukha ni Erik ang tumambad sa kanya.

"Hatid na kita," ani Erik.

Tumikhim siya upang mabura ang kabang nararamdaman niya. "M-May kotse ka?"

Iminuwestra lang nito ang kamay at nagkibit-balikat. "Hatid ka na kita. Mahirap nab aka maholdap na naman ang sasakyan mong UV. Wala na ako para sumuntok sa holdaper kapag sinipa mo na naman ang kamay 'nun."

"H-Hindi na. O-Okay na ko," tanggi niya.

"I insist. Come in." Mukhang seryoso nga ito sa alok nito. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasakay. And let's wait na businahan na ako ng mga nasa likuran ko."

Nanlaki naman ang mga mata niya nang tingnan niya ang likuran nitong may tatlo nang kotse na nakahinto at naghihintay na umandar ang kotse ni Erik. Hindi naman niya maintindihan ang sarili nang umikot siya at sumakay sa passenger's seat ng kotse ni Erik.

Naanigan naman niya ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito nang umayos siya ng upo.

"Seat belt, please," ani Erik saka pinaandar ang kotse.

"Lagro," aniya nang napansin niyang nasa Commonwealth Avenue na sila. Tinuon niya ang tingin sa labas ng sasakyan. Hanggat maaari ay hindi niya tinatapunan ng tingin si Erik pero naaanigan niya sa gilid ng kanyang mga mata na paminsa-minsan itong sumusulyap sa kanya na mas lalong nagpapadabog ng dibdib niya. Kinakastigo niya ang sarili kung bakit kinagat niya ang pananakot nito sa kanya kanina para lang pumayag siyang ihatid nito. Mariin niyang pinipikit ang mga mata at napapabuntong-hininga, wari'y matatanggal niyon ang kaba niya sa dibdib.

"Parang sisi na sisi ka naman sa pagpayag mong ihatid kita."

Gulat na napalingon naman siya kay Erik nang bigla itong magsalita ngunit agad naman siyang nagsisi dahil tumambad sa kanya ang nakangiting mukha nito. Halos magwala ang puso niya sa tanawin na iyon.

"H-Hindi naman. N-Nakakapagtaka lang. May sasakyan ka pala bakit nag-UV ka kanina," pagdadahilan niya pero una ring pumasok sa isip niya ang tanong na iyon nang makita niyang nakasakay ito sa kotse.

"Sinabayan kita."

Pakiramdam niya ay nabilaukan siya sa sagot nito kahit na hindi naman siya kumakain. Hindi niya magawang tumingin ulit sa binata dahil alam niya sa sarili niyang magwawala na naman ang puso kapag nakita niya ang nakangiti nitong mukha ngayon na hindi niya alam kung seryoso ang mga pinagsasabi nito.

"Alam kong nasira ang sasakyan mo at isang linggo ka nang nagko-commute. Para makita kita, sinasabayan kita. Iniiwan ko 'yung sasakyan ko sa ospital."

"That's creepy!" hindi makapaniwalang sagot niya rito. "Bakit kailangan mo akong sabayan?! At paano mo nalamang nasira ang sasakyan ko?!"

May isang tipid na ngiti si Erik sa kanya. "Natakot ba kita?" may lungkot sa mga mata nito na hindi niya maintindihan kung bakit.

"Kind of," mahinang sagot niya. Kung kanina ay kinakabahan siya, ngayon naman ay konsensya ang gumugulo sa isip niya. Mukhang nagulat niya ata si Erik sa naging reaksyon niya.

Hindi naman niya namalayang pinasok ni Erik ang sasakyan sa Natasha Subdivision. Laking-gulat na lamang niya nang ihinto nito ang kotse sa tapat mismo ng kanilang bahay. Napatingin siya kay Erik na may mga nagtatanong na mata. Pati ang bahay niya alam nito. Hindi niya tuloy kung matutuwa o matatakot sa binata.

"Nakatira ako sa mismong tapat ng bahay niyo."

Kulang ang gulat, pagtataka at pagkabigla ang makikita sa kanyang mukha. Napalingon siya sa tapat ng kanilang bahay. No way? He's living here, too? Bakit hindi man lang niya napansin iyon? Ganoon na ba siya kamanhid sa paligid niya pati sarili niyang kapitbahay ay hindi niya man lang kilala.

"I'm sorry." Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay kailangan niyang mag-sorry sa naging reaksyon niya kanina.

"You don't need to be sorry. It's me who needs to say sorry." Ngumiti si Erik pero hindi umabot sa mga mata nito. "Natakot kita. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na nagko-commute ka lang."

"Ano naman nag-udyok sayo na sundan at sabayan ako sa biyahe ko?"

Erik stared at her that makes her heart beats above normal rate. "Nandyan nap ala ang kotse mo. Hindi mo na kailangang mag-commute."

Napalingon naman siya sa garahe ng kanilang bahay. "Oo nga. Mukhang hinatid na rin sa wakas ng talyer."

"Yeah."

"Salamat," aniya.

"You're welcome, as always."

Pinagalitan niya ang sariling puso sa pagwawala nito tuwing ngingiti si Erik kaya bago pa siya mabaliw ay mabilis na lumabas na siya sa sasakyan nito. Bago ito lumiko sa bahay nito ay kumaway siya bilang paalam at patakbong pumasok ng bahay.

This must be crazy. No. I am crazy.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon